"Jealousy; A sentiment which is born in love and which is produced by the fear that the loved person prefers someone else."
Catleya POV
"Ano?" Untag ni Harper sa akin ng hindi pa rin ako kumikibo. "Tinatanong kita kung sino 'yong kasama mo?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya.
"Saglit nga?" May bahid iritasyon na sagot ko sabay pilit na kumawala mula sa pagkakakorner niya sa akin. Lumayo ako ng ilang hakbang mula sa kanya. "Ano bang pakialam mo kung sino man ang kasama ko?"
Hindi siya sumagot pero nakakamatay naman ang tinging ipinupukol niya sa akin. Lihim akong napalunok. Hindi sa natatakot ako na baka saktan niya ako physically dahil mukha namang hindi siya nananakit e.
Napahalukipkip ako at nagkunwaring hindi kinakabahan sa nakikita kong kaseryosohan niya. "Besides, may karapatan naman akong lumabas at sumama sa mga taong gusto kong makasama."
Nananatiling nakatitig siya sa akin na para bang anumang oras ay kakainin niya ako ng buhay. Nag-iwas ako ng tingin. Iginala ko ang paningin sa kuwartong pinagdalhan niya sa akin. Ito marahil ang kanyang opisina. Masinop na nakapatong sa ibabaw ng di naman kalakihang lamesa ang ilang papeles, may filing cabinet sa gilid sa bandang kaliwa, di naman kahabaang sofa. Maayos tignan at malinis. Muling napadako ang tingin ko sa kanya ng di ko na matagalan ang katahimikan sa aming pagitan.
Marahas akong napabuntong-hininga. "A friend." Sagot ko sa tanong niya kanina. "I mean, an old time friend." Pero napaisip ako ng maalala kung anong nakaraan namin ni Kenneth. "Ex friend."
"Ex friend?" Makahulugang tanong niya sa pormal pa ring tinig at ekspresyon sa mukha.
"Yes. Dating kaibigan." Tugon ko. Hindi siya ulit kumibo pero nakaka-intimidate naman ang mga tinging ipinupukol niya. "Okay, kailangan ko ng lumabas. Tsaka ano bang pake mo kung sino man ang kasama ko?" At naglakad na ako patungong pinto.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap." Matigas ang tinig na sabi niya.
Hindi ko naituloy ang akmang pagpihit ko sa seradura ng pinto sa bigat ng kanyang tinig. Para kasing may kalakip itong pagbabanta. Muli ko siyang hinarap.
"Nasagot ko na ang tanong mo kahit na wala naman talaga akong kailangang dapat na ipaliwanag sayo." Muli, hindi na naman siya sumagot. Nakakairita na ang paraan niya ng pagtitig sa akin. "Ano bang gusto mong isagot ko?!" May bahid ng inis na sabi ko.
Naagaw ng atensyon namin ang katok mula sa labas. Lumayo ako ng bahagya ng mapansing bubuksan ng kung sino man ang pinto.
"Nandito ka lang pala." Iniluwa nito ang babaeng kasama niyang pumasok kanina. Tinapunan lang ako nito ng tingin na wala sa sariling ikinataas ng kilay ko. "Hinahanap ka ni Brook." Sabi nito kay Harper.
Tumango lang si Harper dito. 'Yon lang at umalis na ang naturang babae.
Muli akong napahalukipkip at nagbaling ng tingin kay Harper na hindi pa rin maipinta ang mukha.
"Parang ikaw, malaya din akong lumabas para makipag-date sa taong gusto ko." I didn't mean to sound so... irritated? Pero parang gano'n na nga.
Awtomatikong napataas ang kilay niya sa sinabi ko. "So you're telling me you like that guy?" Hindi iyon isang tanong kundi mas ang nagkukumpirma.
"No, I mean you like that girl." Maagap na kontra ko. Ngunit wala pang dalawang segunda ay natigilan ako sa sinabi ko. "Not that I care anyway." Mabilis na bawi ko sabay masungit na napairap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins - Harper
RomanceAge doesn't matter, some people say. Pero para kay Catleya, age does matter. Lalo na't ang nangungulit sa kanya ay ang batang Montalban. Well, definitely she's not a baby anymore but not quite a woman either. Harper Montalban - young, wild and free...