Chapter 19 Tidal Waves

11.4K 627 167
                                    

"When we are in love we seem to be quite different from what we were before."


Harper POV


"Hi, kanina ka pa?" Pawisan at parang hingal na pamungad na tanong ni Neri ng madatnan niya ako sa loob ng kanilang bahay.

"Hindi naman masyado." Sabay napatayo mula sa kinauupuan ng mapansin ang bitbit niyang plastic bag. "Tulungan na kita." Presenta ko.

"Hindi, okay lang. Kaya ko pa naman." Pagtanggi niya.

Pero kahit na tumanggi siya ay kinuha ko pa rin ito mula sa kanya. May kabigatan din ang dala niyang supot na naglalaman ng bigas. Mga sampung kilo o mahigit pa siguro ito.

"Pasensya ka na. Galing pa kasi ako sa kabilang kanto." Saad niya habang abalang nagpupunas ng pawis sa mukha.

"Oo nga nasabi ni 'tay Carlos sa akin." Inilapag ko sa ibabaw ng lamesa ang supot bago siya hinarap.

Napatango-tango siya. "Buti at naabutan mo pa si tatay bago siya nagpunta sa bayan." Saad niya.

Pumapasok na sa trabaho si mang Carlos bilang masahista sa isang di naman kalakihang massage parlor sa kanilang bayan. Pagkatapos kasi nitong dumalo sa seminar/training dito sa kanilang barangay ay agad siyang nabigyan ng certificate of completion na siya namang ginamit niya sa pag-apply ng trabaho. Sa awa ng Diyos, natanggap naman daw siya agad. Kahit konti lang ang kita o sahod niya doon, ayos na daw kaysa sa wala.

"Sabi ko nga na ihatid ko na lang siya, ayaw naman." Tugon ko.

Napangiti siya. "Nahihiya lang siguro 'yon sayo." Sabi niya. "Nagmeryenda ka na ba?" Tanong niya.

Napailing ako. "Di naman ako gutom."

"Okay lang ba sayo kung hintayin mo muna ako sandali dito?" Sabi niya. "Magde-deliver pa kasi ako ng pagkain ng baboy na nakolekta ko kina Aling Marta. Baka kanina pa 'yon naghihintay sa akin."

Naikwento niya na isa sa pinagkakakitaan niya ang pagde-deliver ng pagkain ng baboy na nakolekta niya mula sa mga kapitbahay. Sayang din daw kasi 'yon, madali lang naman daw gawin.

"Samahan na kita." Suhestiyon ko.

"Naku, huwag na!" Pagtanggi niya. "Nakakahiya sayo. Baka madumihan ka pa." Sabay sipat ng tingin sa kabuuan ko.

Napangiti ako. "Ano ka ba? Ayos lang 'yon 'no! Hindi naman ako maarte."

"Ikaw ang bahala." Nakangiti ring tugon niya.

Nauna na siyang naglakad palabas ng kanilang bahay. Napansin ko ang isang di naman kahabaang kariton na naglalaman ng ilang timbang plastik na may takip.

"Tulungan na kita." Presenta ko ng magsimula na siyang magtulak ng kariton.

Hindi naman siya tumanggi ng nakihawak na rin ako sa hawakan ng kariton at samahan siyang magtulak nito.

"Ngayon ka lang siguro nakakita ng kariton 'no?" Sabi niya habang nagsisimula na kaming maglakad tulak-tulak ito.

Natawa ako ng bahagya. "In real life, oo." Honest na sagot ko.

Natawa siya. "Isang Montalban, pinagtulak ko ng kariton. Wow, ayos!" Panunukso niya.

"Minsan naman dumadating sa buhay natin na nararanasan natin halos lahat ng di pa natin nararanasan." Saad ko.

Napatango-tango siya. "Sabagay." Pagsang-ayon niya. "Ako nga sino ang mag-aakalang mararanasan ko na ring makapag-aral ng kolehiyo at sa isa pang sikat na unibersidad!" Proud niyang dugtong.

Montalban Cousins - HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon