Chapter 2 The Young and Wild

15.8K 678 233
                                    

"Age is an issue of mind over matter. If you don't mind, it doesn't matter."


Catleya POV


"Nasabi mo bang nandito ako?" Tanong ko kay Flora, ang aking sekretarya.

Napangiwi siya. "H-hindi ko po sinabi sa kanya directly, pero..."

Napahilot ako sa aking sentido. Mas lalo yatang sumakit ang ulo ko sa kaalamang nandito ngayon si Harper Montalban. Kailan ba siya titigil? Hindi ba niya naiintindihan na ayaw ko sa kanya?

"Pakisabi na lang sa kanya na hindi ako tumatanggap ng bisita at this hour." Ang tanging naidahilan ko.

"S-sige po, ma'am." Tugon niya bago nagmamadaling tumalikod at lumabas ng pinto ng aking opisina.

Eksaheradang napabuga ako ng hangin tsaka tumayo mula sa kinauupuan. Kinuha ko ang cellphone kong nasa ibabaw ng lamesa bago naglakad patungo sa ceiling to floor glass wall, kung saan matatanaw ang mga katabing naglalakihan ding gusali ng kompanya.

Hinanap ko mula sa contacts ko ang phone number ni Aryana, malapit kong kaibigan... at pinsan ni Harper. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na pagsabihan ang pinsan na huwag akong ginugulo. At kung nagti-trip man ito, puwes, ibaling na lang kamo niya sa iba.

"Hindi po kayo pwedeng  pumasok!"

"I'm already inside her office."

Mabilis akong napapihit paharap sa direksyon ng pinto pagkarinig sa komosyong iyon at natigilan sa pag-dial na sana ng numero ni Aryana.

"Hi!" Malawak ang ngiting bati ng isang matangkad na babaeng nasa early twenties.

Nakasuot ito ng kulay itim na leather jacket, napapalooban ng plain white shirt at black tight jeans. Maayos na nakapusod ang kanyang buhok na kulay brown. Kung hindi ko lang sana alam ang tunay na edad niya ay mapagkakamalan kong teenager pa lang ito.

"Ma'am, sinabi ko naman pong hindi siya pwedeng pumasok pero nagpumilit po siya." Sumbong ni Flora.

Si Harper ang agad na sumagot dito. "It's okay, Feny -" Sabay tingin sa ID na suot ng katabi. "Oh, sorry, Flora." Pagtatama niya sa pangalan ng aking sekretarya. "As you can see, nasa loob na ako ng opisina ni Cat. Pwede mo na akong bitawan." May bahid na ngisi sa labing saad niya.

Magsasalita pa sana si Flora pero hindi na ako nakatiis pang sumabad. "It's okay, Flora."

Mas lalong napangisi si Harper. "I told you -"

"But, no." Maagap na putol ko sa sinasabi ni Harper sabay pormal ang mukhang tumitig sa kanya. "What you did - it's not okay for me."

"Babe -"

"Don't babe me." Supalpal ko sabay napahalukipkip.

"Excuse me po." Ani ni Flora na hindi ko malaman kung nagpipigil bang mapangiti o ano bago siya lumabas ng opisina at isinara ang pinto pagkatapos.

Ilang segundong namayani ang katahimikan sa aming pagitan. Pakiramdam ko ng oras na iyon ang awkward ng sitwasyon lalo na't naiwan kaming dalawa na lang sa loob ng opisina.

"Cat -"

"Don't call me that. We're not close." Maagap na namang supalpal ko sa kanya.

Mabagal siyang naglakad papalapit sa kinatatayuan ko. "Then, what do you want me to call you?" Tumigil lang siya ng ilang hakbang na lang ang layo mula sa akin. "Mrs. Catleya, which is obviously not -"

"Miss." I cut her off once again.

"Missed?" She jested. Mas lalo ng pumormal ang mukha ko. Natawa siya ng marahan. "Sorry. I'm just kidding."

Montalban Cousins - HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon