Chapter 20 Doubtful Heart

11.9K 699 186
                                    

"I want to be loved so much so that my doubtful heart would never know how to doubt again."


Catleya POV


"Harper, ano ba?!" Naiinis ng bulalas ko ng itinigil niya ang sasakyan sa basement ng kanyang condo unit building.

"You're not going anywhere." Matigas at maikling sabi niya. Nakakamatay ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kanina pa.

"Ano bang problema mo?!" Nanggigigil na tanong ko. Pero imbes na sagutin ako, bumaba siya ng sasakyan. "Hoy!"

Umikot siya patungo sa side ko pero bago pa man siya makarating sa pwesto ko ay nakababa na ako ng sasakyan.

"Late na ako sa lakad ko!" Reklamo ko.

Sa hindi ko malamang kadahilanan ay mas lalong naningkit ang mga mata niya at mas lalong hindi na maipinta ang kanyang ekspresyon sa mukha. Walang ano-ano'y binuhat na naman niya ako at isinukbit sa kanyang balikat at naglakad na papasok sa gusali.

"Harper, ibaba mo ako!" Sigaw ko. "Hindi mo pwedeng gawin 'to sa 'kin!" Pinagsusuntok ko siya sa likod. "Harper!"

Narinig ko ang pagtunog ng elevator at bumukas ito. Ibinaba niya ako ng makapasok kami sa loob ng elevator. Hindi ako makapag-protesta dahil may mga kasama kami sa loob. Gulat silang nakatingin sa amin. Hindi naman sila pinansin ni Harper na hinapit pa ako sa beywang papalapit sa kinatatayuan niya.

Nakasimangot na tinanggal ko ang kamay niya sa beywang ko at lumayo ng konti sa kanya tsaka nagdadabog ang mga kilos na inayos ko ang buhok ko at ang laylayan ng suot kong bestida.

Habang palapit ng palapit kami sa floor niya ay unti-unti ring nababawasan ang sakay ng elevator hanggang sa kaming dalawa na lang ang natira. Nakasimangot na napahalukipkip ako sa harapan niya para komprontahin siya pagkatapos na pagkatapos sumara ang pinto ng elevator ng makalabas ang huling kasama namin.

"Siguro naman pwede ka ng magpaliwanag sa akin kung ano 'tong ginagawa mo." Galit na kompronta ko sa kanya.

Hindi siya kumikibo habang diretso lang ang tingin sa umiilaw na floor number sa bandang itaas ng pinto ng elevator. Hindi man siya kumikibo, mapapansin sa kilos niya na galit siya. At doon ako nagtataka.

"Kidnapping 'tong ginagawa mo sa akin. Pwedeng-pwede kitang kasuhan!" Banta ko.

Hindi pa rin siya sumasagot.

"Hoy, sumagot ka!" Sabay duro sa kanya.

Tumunog ulit ang elevator indikasyon na nakarating na kami sa floor niya. Nang bumukas ang pinto ay agad niya akong hinila sa braso papalabas ng elevator.

"Harper!" Pilit akong kumakawala mula sa pagkakahawak niya.

Tsaka lang niya ako binitawan ng makapasok kami sa loob ng kanyang condo. Napangiwi ako habang hinahaplos ko ang hinawakan niyang braso ko. Namula kasi agad ito. Nakatalikod siya sa direksyon ko habang parang pinipigilan ang galit na panay ang paghugot niya ng malalim na hininga. Ngunit agad na nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha ng mapansin ang pagngiwi ko at ang paghaplos ko sa braso ko.

Napalunok siya ng makitang bahagyang namumula na ang braso ko. Mabilis siyang lumapit sa akin at kinabig ako para yakapin.

"I'm sorry." Mahinahon ng sabi niya.

Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang pagyakap sa akin ng mahigpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa. Hindi ako nakahuma at natitigilang nakatayo lang ako habang nasa loob ng kanyang mga bisig.

Montalban Cousins - HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon