"Sex isn't good unless it means something. It doesn't necessarily need to mean "love" and it doesn't necessarily need to happen in a relationship, but it does need to mean intimacy and connection...There exists a very fine line between being sexually liberated and being sexually used."
Catleya POV
"It's done."
Ilang segundo na akong nakatitig sa screen ng cellphone ko, binabasa at inaalisa ang text message na ipinadala sa akin ni Harper.
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng magkaroon kami ng kasunduan. Hindi ko alam na ganito pala siya kabilis kumilos. Anyways, ika nga nila, pag gusto maraming paraan.
Gano'n ka niya kagusto. Ani ng aking isipan.
Should I be flattered?
Hindi pa man ako nakaka-isip ng maire-reply sa kanya ay muli na namang tumunog ang message alert tone ng cellphone ko.
"She's officially part of MG Foundation Scholarship Program." Laman ng text message niya.
Hindi ko na kailangan pang itanong sa kanya kung paano niya ito nagawa ng gano'n kabilis o kung anong ginawa niya para maipasok ang kapatid ko dahil, obviously, she's a Montalban.
Napahugot ako ng malalim na hininga bago ko pinindot ang call button sabay napatayo mula sa kinauupuan tsaka nagtungo sa gilid at nagbaling ng tingin sa labas.
"Hi, babe!" Masiglang bati niya mula sa kabilang linya. "Hindi talaga uso sayo ang mag-reply sa mga text messages ko. You prefer to hear my voice." Napaikot ang aking mga mata sa sinabi niya. "Nag-send pala ako ng friend request sayo sa Facebook -"
"Let's get to the point." Nabo-bore na sabi ko.
"Baka pwede mo ng i-accept?" But knowing her, hindi siya magpapasaway sa kakulitan.
"Saka na." Ang tanging naisagot ko na lang.
"Ba't di pa ngayon?" Pangungulit niya.
"I don't have time." Maikling sagot ko.
"Ibigay mo na lang sa akin ang email address and password mo at ako na lang ang mag-aaccept mismo sa request ko."
"What?" Maang na bigkas ko.
"Just kidding." Pagkatapos ay natawa siya ng marahan. "Take your time."
Napameywang ako tsaka muling napahugot ng malalim na hininga. "So saan mo gusto?" Tanong ko.
"Ha?" Parang naguguluhang sambit niya.
"The deal." Paalala ko sa kanya. "You've done your part, it's time to do mine."
"Wow, hindi halatang excited kang makasama ako." Kung nasa harapan ko siguro siya ngayon, makikita ko na naman ang nakakaloko niyang ngisi.
"Pwede bang magseryoso ka kahit ngayon lang?" May irita sa tinig na sabi ko.
"Cat, palagi naman akong seryoso sayo e." Banat niya.
Napapikit ako para pigilin ang nararamdaman kong iritasyon. "Just text me your address, pupuntahan na lang kita mamayang gabi."
Natawa siya sa narinig. "Are you sure? Si Catleya ba talaga itong kausap ko?"
"Hintayin ko na lang ang text mo." Tsaka ibinaba na ang tawag pagkatapos.
Napabuga ako ng hangin. I don't mind spending a night with Harper as long as alam kong umuusad na ang magiging pagbabago sa buhay ng kapatid ko. I want her to reach her dreams... kagaya ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/212154659-288-k639181.jpg)
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins - Harper
RomanceAge doesn't matter, some people say. Pero para kay Catleya, age does matter. Lalo na't ang nangungulit sa kanya ay ang batang Montalban. Well, definitely she's not a baby anymore but not quite a woman either. Harper Montalban - young, wild and free...