"Sometimes you have sex with someone because you wanted your body to feel something more other than the aches and pain. Sometimes you made love to a person because you felt split in two, and joining with her pulled you back together."
Catleya POV
"Cat..." Bigkas ni Harper habang natutulalang nakatitig sa aking kabuuan.
Hindi nakaligtas sa aking pansin ang ginawa niyang paglunok habang nakasunod ang kanyang mga mata sa bawat galaw ko, especially when I stepped out of my dress.
To be honest, pakiramdam ko bigla akong gininaw. Siguro malakas lang ang buga ng aircon dito sa kanyang kuwarto.
"This is what you want, right?" Sabi ko habang sinusubukang tanggalin ang hook ng suot kong brassiere. "To have me."
Napasinghap siya ng tuluyan ng tumambad sa kanya ang aking dibdib. I am no virgin but this is obviously the first time and surely the last time I'm going to be with a woman... a girl, I should say.
"Catleya, wait!" Eksaherada niyang sabi ng akma ko ng tatanggalin ang undies ko.
Mabilis niyang pinulot sa sahig ang damit ko at pagkatapos ay nakapikit na iniabot niya ito sa akin ito. Napakunot-noo ako at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa damit na iniaabot niya sa akin.
"I think you misunderstood me." Sabi niya habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.
Bahagyang napaawang ang aking mga labi. "I thought this is what you want!"
"Yes, of course!" Mabilis na tugon niya. "I mean, argh!" Frustrated na bulalas niya.
"Then bakit parang ayaw mo akong tingnan?" Tanong ko na pilit itinago ang pagkapahiya.
"Hindi naman sa gano'n -"
"Look at me, Harper." Utos ko. "I said, look at me." May bahid ng iritasyong pag-uulit ko.
"Cat... I can't..." Sagot niya. "Please, get dress." Sabay pilit na iniaabot sa akin ang damit ko.
Hindi maipinta ang mukhang hinablot ko ito mula sa kanya tsaka inihagis din sa sahig. No, I already made up my mind. I want to get this over and done. That's all what I want. I want to return the favor and I want her gone after.
"You can't change my mind." Hayag ko.
Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at tinitigan ako. Hindi ako nagpatinag at sinalubong din ang kanyang mga titig, silently telling her my decision is final and that there's nothing she can do to change it.
Napabuntong-hininga siya. Kapagkuwa'y mabagal siyang naglakad papalapit sa kinatatayuan ko hanggang sa halos isang pulgada na lang ang layo niya sa akin. Inangat niya ang kanang kamay at hinawakan ako sa pisngi habang titig na titig siya sa mga mata ko. Ang init na nanggagaling sa kanyang palad ay parang isang makapal na comforter na nagtaboy sa lamig na nararamdaman ko kanina.
"I'm going to kiss you." Sabi niya. Hindi ko alam kung humihingi ba siya ng permiso o sinasabi lang niya na hahalikan niya ako. "Maybe tentatively at first." Pagpapatuloy niya. "If you feel like you want to kiss me back, just do it. It means you want this to go on. But if you feel nothing while I'm kissing you, you're free to push me or to back out."
Sinasabi niya ang mga ito habang nakatitig sa aking mga mata at panay ang banayad na paghaplos niya sa pisngi ko.
"Do we have a deal?" Tanong niya ng hindi agad ako nakasagot.
Lihim akong napalunok tsaka mabagal na napatango sa kanya bilang sagot.
Dahan-dahan niyang ibinababa ang kanyang mukha habang magkasugpong pa rin ang aming mga mata. Ngunit ng konting-konti na lang ang layo ng labi niya sa labi ko ay napatingin siya dito at para bang kusa ng pumikit ang kanyang mga mata ng lumapat na ang kanyang labi sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/212154659-288-k639181.jpg)
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins - Harper
RomanceAge doesn't matter, some people say. Pero para kay Catleya, age does matter. Lalo na't ang nangungulit sa kanya ay ang batang Montalban. Well, definitely she's not a baby anymore but not quite a woman either. Harper Montalban - young, wild and free...