Chapter 4 Brief Kiss

13.5K 558 68
                                    

"Love knows no age... no gender... no distance ... nor status in life."

Harper POV


"Where's Catleya?" Bungad na tanong ni ate Aryana sa akin ng lapitan ko siya sa harap ng bar counter.

Bagsak ang mga balikat na napanguso ako sa exit ng bar. Napakunot-noo siya.

"What?" Nalilitong tanong niya.

"Umalis na." Tugon ko.

Walang ano-ano'y inihampas niya sa likod ko 'yong hawak niyang purse.

"Aray ko ate naman!" Daing kong reklamo. "Ginawa na ninyo  akong punching bag. Kung hindi si ate Kreme, ikaw. Kung di ikaw, si Catleya."

"Ewan ko sayo!" Masungit niyang tugon. "Gumagawa na nga ako ng paraan para makasama mo si Cat." Napahawi siya sa kanyang buhok. "Hay naku! Ewan ko ba kung kanino ka nagmana. Ang slow mo! Paano mo siya mapapasagot kung ganyan ka kabagal? Sigurado ka bang Montalban ka talaga?" Tsaka ito napalatak bago umalis sa harapan ng counter.

"Teka, ate!" Tawag ko. "Saan ka pupunta?" Sumenyas lang siya ngunit di ko naman iyon na-gets. "Hindi ka pa nagbabayad!"

Hindi na nito ako pinansin. Basta tuloy-tuloy siyang naglakad patungo sa exit. Napapalatak na lang akong napapailing. Pinagtatabuyan na nga ako ni Catleya, nabudol pa ako ng pinsan ko! Tsk, buti na lang at wala si ate Kreme dito, kung hindi sangkaterbang sermon na naman ang natanggap ko mula sa kanya.

"Rough night?" Tanong ng isang magandang babaeng lumapit sa kinatatayuan ko.

Kibit-balikat lang ang tanging isinagot ko sa kanya bago magalang na nag-excuse. Pumasok na lang ako sa kitchen para maghanap ng makakain.

Paroot paritong mga tao ang naabutan ko sa loob ng kusina. May natataranta man sa kanila sa dami ng orders na mapupulutan, tinitiyak naman nila na hindi sila magkakamali sa paghahanda ng mga orders.

Pagkatapos kong makakain ay lumabas na din ako para hindi makaabala sa mga empleyado doon sa kusina at nagtungo sa opisina. Sakto namang pagpasok ko sa loob ng opisina ay siya namang pagtunog ng aking cellphone. Kinuha ko ito mula sa aking bulsa. Si ate Kreme!

Hindi ko ito agad sinagot. Nag-iisip muna ako ng pwede kong idahilan sa kanya kung sakali mang magtanong siya tungkol sa bar. Nakailang ring na ito bago ko sinagot ang kanyang tawag.

"Ate -"

"What took you so long to answer my call?!" Bungad niyang tanong sa akin mula sa kabilang linya. "Harper?!"

Bahagya kong nailayo ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Ate kasi -"

"Iba na naman siguro ang inaatupag mo 'no?" Paratang niya.

"Uy hindi ah!" Kontra ko. "Ang sipag-sipag ko nga e."

Napabuntong-hininga siya ng marahas. "Kumusta ang bar ngayon diyan?" Bahagya ng kumalma ang tinig niya.

"Ayos lang naman ate. Sa katunayan nga ang daming customers ngayong gabi." At mukhang nabudol ako ni ate Aryana, hindi nagbayad ng drinks na in-order niya.

"Good." May kasungitan niyang papuri.

May narinig akong kaluskos mula sa kabilang linya. Dinig ko din ang pagtahol ng alaga nilang aso na si Fangs.

"Hon, sino 'yan?" Narinig kong tanong ni ate Gab.

"Si Harper, hon." Malambing na sagot ni ate Kreme.

Hindi ko napigilan ang marahan kong pagtawa.

"What's funny?" Agad na natabunan ng pagsusungit ang malambing niyang tinig kanina.

Montalban Cousins - HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon