Chapter 7 Flowers

11.1K 537 83
                                    

"I don't know about you but I just can't rule out finding the love of my life simply because she's a lot older than me. I'm only sorry you had to wait so long for me to reach the right age to come looking for you."


Catleya POV


Palipat-lipat ang tingin ko sa kalsada at sa rearview mirror para alamin kung sinusundan pa rin ba ako ni Harper. Mas lalo ng hindi maipinta ang mukha ko ng makitang nakasunod pa rin siya sa akin.

Ang sama-sama na nga ng naging araw ko dahil sa pagtataboy sa akin ng kapatid ko, tapos nandito pa siya para guluhin ako. Ano bang gusto niya?

Marahas akong napabuntong-hininga bago may bahid ng pagkairitang nag-emergency parking ako sa gilid ng kalsada. Halos narinig ko pa ang pag-ingit ng gulong sa ginawa kong biglaang pagparada sa gilid. Mabilis akong bumaba at iniwang naka-andar ang sasakyan. Kahit hindi ko nakikita dahil nakatalikod ako, alam kong sinundan ako ni Harper at nag-park din sa likuran ng kotse ko. Narinig ko rin ang pagsara ng pinto ng kanyang sasakyan.

Nakapameywang ako habang mabilis na tumataas-baba ang dibdib ko sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.

"Catleya." Tawag niya.

Napapikit ako ng mariin at nag-isang linya na lang ang aking mga labi para pigilan ang sariling huwag maibunton sa kanya ang nararamdamang inis sa mga nangyayari sa akin.

"Cat -"

"What?!"

Kasabay ng pagbigkas niya sa pangalan ko ay ang biglang pagpihit ko paharap sa kanya. Pero 'yong inis ko ay napalitan ng pagkakunot-noo ng masurpresa ako sa bulaklak na inilalahad niya sa akin.

"Happy Valentine's day." Bati niya. Bagama't may ngiti sa kanyang mga labi, halata namang hindi ito umabot sa kanyang mga mata na animo'y nakikisimpatya sa naabutang eksena kanina.

Kunot-noong nakatingin ako sa kanya. Ibinuka ko ang aking bibig ngunit parang walang anumang salitang gustong lumabas mula dito. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko man lang naalalang Valentine's day pala ngayon.

Kaya pala mostly ng empleyado kanina sa opisina ay nakasuot ng pulang damit? May napansin pa akong bungkos ng bulaklak sa ibabaw ng lamesa ni Flora na agad niyang itinago ng mapansing paparating ako.

"Sorry kung ngayon lang ako nakapag-greet sayo." Nakangiwing hingi niyang paumanhin. "Gusto ko kasing personal na ibigay ito sayo." Sabay muling inilapit sa akin ang bouquet.

Lihim akong napatikhim. She made an effort. Fine. I'll give her the credit for that.

Napipilitang kinuha ko mula sa kanya ang bouquet. "Thanks." Labas sa ilong na sabi ko.

Awtomatiko siyang napangiti ng sa wakas, sa kauna-unahang pagkakataon ay tinanggap ko ang bulaklak na bigay niya.

Napamulsa siya ng kamay sa likod ng suot na jeans. "Naisip ko kasi na baka walang gustong magbigay ng bulaklak sayo dahil sa kasungitan mo."

'Yong akmang pag-amoy ko sana sa bulaklak na bigay niya ay hindi na natuloy, bagkus ay magkasalubong ang kilay na muli akong nag-angat ng tingin sa kanya.

"Ah gano'n?" Pinaningkitan ko siya ng mata. "Heto!" Ibinato ko sa kanya pabalik ang buoquet. "Sayo na 'yang bulaklak mo!" Tsaka pumihit patalikod.

"Catleya!" Tawag niya na agad akong sinundan ng akma kong bubuksan ang pinto ng sasakyan at itinukod dito ang kamay para hindi ko ito mabuksan. "Ikaw naman, di na mabiro."

Muli akong pumihit paharap sa kanya pero bahagya akong napaatras ng mapansing sobrang lapit pala niya sa akin. Ngunit wala naman akong aatrasan dahil sa sasakyan na lumapat ang likod ko.

Montalban Cousins - HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon