Chapter 16 In Due Time

11.2K 601 110
                                    

"Love is patient... love is kind."

Harper POV

"Buti at nakadalaw kayo dito!" Masaya at masiglang komento ni ate Gabrielle ng makarating kami ni Catleya sa bahay nila, pagkatapos niyang mailapag sa ibabaw ng coffee table ang dalang tray na naglalaman ng mamemerienda.

Pilit ang ngiting napatingin sa akin si Cat habang magkatabi kaming nakaupo sa mahabang sofa habang naupo naman si ate Gabrielle sa pang-isahang upuan, malapit sa pwesto ng una. Hindi namin nadatnan si ate Kreme dahil hindi pa raw dumadating mula sa grocery store. Si Krum naman daw ay nasa bahay ng kanyang lola, mamaya pa daw iuuwi dito.

"Oo nga, ate Gab." Nakangiting tugon ko. "Gusto kasing mamasyal nitong si Catleya." Sabay napasulyap sa katabi na natigilan sa sinabi ko. "Di ba,  babe?"

Nabasa ko ang pag-aatubili sa kanyang mukha pero agad din itong naglaho. Knowing here, she can easily adapt herself to the situation. She's flexible and smart. Kaya alam kong -

"Yes and no." Sagot ni Cat. "Yes, gusto kong mamasyal." Nakangiti ng tipid na sabi niya kay ate Gab. "Pero mali ang iniisip mo." Pagpapatuloy niya. "Hindi niya ako girlfriend."

... and then she dropped the bomb.

Knowing Catleya... hindi siya basta-basta mapapasakay sa gusto ko. Tsk. Magkagusto ka nga naman sa mas matigas pa ang ulo kaysa sayo.

Sandaling natigilan si ate Gabrielle habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin. Kapagkuwan ay bigla siyang natawa ng marahan.

"Okay?" Nangingiting bigkas niya. "Well..." Sabay makahulugang napasulyap sa akin bago itinuon ang tingin kay Cat. "Welcome to our humble abode."

"Thanks." Mahinang tugon ni Cat sabay ginawaran ng tipid na ngiti si ate Gab.

Ngunit ng tapunan niya ako ng pansin ay agad na nawala ang ngiti niya, may kasama pang irap!

Tsk.

*****

"Aray." Mahinang daing ko ng bigla na lang akong matapik sa sikmura.

Bahagyang nakangiwing nagbaling ako ng tingin kay ate Kreme na kasalukuyang kinakausap - I mean, kinokumpronta tungkol sa biglaang pagpunta ko dito sa kanila at kung bakit kasama ko ngayon si Catleya.

"Baka gusto mo ng magpaliwanag." Masungit na sabi niya. "Kung bakit ka nandito at kasama mo pa siya." Sabay tinapunan ng tingin si Catleya habang kinukulit ni Krum kasama ni ate Gabrielle doon sa sala.

Napadiretso ako ng tayo mula sa pagkakasandal sa gilid ng center island. "She needed my help." Dahilan ko.

Napahalukipkip siya sabay hindi naniniwalang napatitig sa akin habang nakataas ang kilay. Wala pa rin talaga siyang ipinagbago, mataray pa rin. If I were to choose between ate Kreme at Catleya, I'll go with the lesser evil. And that will be Catleya. No offense meant, pero mas mataray at mas takot ako sa ate ko kaysa kay Cat.

"Ate, nagsasabi ako ng totoo." Depensa ko sa katamtamang hina ng boses para di nila marinig ang pinag-uusapan namin.

"Liar." Tugon niya.

"Look, hinuli daw siya ng pulis kaninang umaga dahil sa ilang violations niya. Kung di ka naniniwala, ipapakita ko sayo ang posas bilang ebidensya." Paliwanag ko.

Hindi siya kumibo pero mababasa naman sa kanyang mga mata ang pagdududa.

"Sinong pulis ang tinutukoy mo?" Makahulugang tanong niya.

"Hmm..." Pambibitin ko. "Lauren."

Sukat sa narinig ay agad na napaangat ang gilid ng kanyang labi. "Akala ko ba hindi mo ia-apply sa kanya ang mga Montalban tricks?"

Montalban Cousins - HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon