"Love will find a way."
Catleya POV
"Adding herbs in cosmetics is very safe for our skin." Patuloy na pagre-report ng Production Management Unit Head ng kompanya.
Nakatukod ang siko sa ibabaw ng mahabang mesa at nakasuporta ang kamao ko sa aking baba habang nakikinig sa presentation ng bago naming produkto.
"Herbal cosmetics are in high demand nowadays due to the increasing interest of the users towards this kind of cosmetics. Not just because it is effective but also because it has fewer side effects." Ani pa ni Neil. "And not only that, it has easily available ingredients."
Pagkatapos niyang mag-present ay napatingin siya sa akin, naghihintay ng maikokomento ko sa kanyang presentation.
Napaupo ako ng diretso. "This company has four segments," Panimula ko. "... makeup, fragrances and perfumes, skin care and lotions, and hair care products. I expect these to grow steadily. We have to deal with a lot of competition to survive and for us to move in the tough market condition."
Napatango-tango silang lahat sa sinabi ko. Panay din ang pagkuha ng notes ni Flora habang nagsasalita ako.
"In this kind of product, we need a clever business promotion plan." Nagbaling ako ng tingin sa Head ng Promotion Team na si Lavi. "I guess, we already have that."
"Yes, ma'am." Agad na tugon naman ni Lavi.
"We need to work more closely with this new product." Pagpapatuloy ko. "We have to give ourselves, our time... we have to remember this, there are no shortcuts to reach the top."
And I am a living testimony to that.
Hindi naging madali sa akin na marating kung nasaan man ako ngayon. Pinaghirapan ko ito. Dugo at pawis ko ang ipinuhunan ko. Hindi ako humingi ng tulong sa mga kinikilala kong magulang dahil gusto kong itayo ito sa kung ano lang ang mayro'n ako. Tama ang sinabi nila na ang lahat ay nagsisimula sa maliit. Dati isang maliit na pwesto lang ang business ko sa mall, but now here it is.
Hindi masamang mangarap... at hindi rin masamang umasa. Sa totoo lang, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maging matagumpay dahil gusto kong tulungan ang kapatid ko. Ngunit lahat ng ialok kong tulong sa kanya ay agad niyang tinatanggihan. Gusto niyang maging okay kami ni Carlos, pero hindi iyon gano'n kadali. He broke my trust. He broke me.
Oo, sa mas maayos na pamilya ako napunta, pero hindi naman ako naging masaya ng lubusan. Kung tutuusin, naging malungkot ang buhay ko sa pamilyang kinaroroonan ko ngayon. Isa lang siguro ang ipinagpapasalamat ko sa Diyos, ang nakilala ko si mommy Helen.
Naging mabait siya sa akin, inalagaan niya ako at alam kong mahal na mahal niya ako. Pero iba si dad. Para bang lahat ng gawin ko ay may mapupuna siya. Na kailangan kong maging perpekto bilang anak niya. That I always have to be prime and proper all the time.
When I was a kid, naranasan kong ma-bully, maging sentro ng tampulan at tukso. There are times na ayoko ng pumasok sa mamahaling school dahil doon. May mga panahon na ang baba ng self-esteem ko pero pilit pa rin akong nagpapakatatag dahil gusto kong maging successful sa buhay para matulungan ko ang kapatid ko.
All I want is my sister. Pero hindi ko pa mahanap sa puso ko ang pagpapatawad sa ginawa ni Carlos. Ibenenta niya ako. Inilayo niya ang kapatid ko sa akin. Sinira niya ang relasyon naming magkapatid.
I'm sorry but I can be cold and unforgiving sometimes.
"Ma'am Cat?" Untag nila sa akin. "Ma'am?"
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins - Harper
RomanceAge doesn't matter, some people say. Pero para kay Catleya, age does matter. Lalo na't ang nangungulit sa kanya ay ang batang Montalban. Well, definitely she's not a baby anymore but not quite a woman either. Harper Montalban - young, wild and free...