Chapter 17 Past Present

10.9K 640 142
                                    

"You don't need a perfect guy. All you need is someone you can count on no matter what."


Catleya POV


Dalawang magkakasunod na katok mula sa saradong pinto ng aking opisina ang umagaw sa atensyon ko.

"Come in." Pagbibigay permiso ko ng di man lang nag-abalang mag-angat ng tingin mula sa screen ng laptop na nasa harapan ko.

Narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto at ang pagsara din nito.

"Ma'am, may gusto raw pong makipag-usap sa inyo." Ani ni Flora.

"Sino?" Tanong ko habang abala sa pagtitipa sa keyboard.

"Ako."

Noon ako natigilan ng marinig ang tinig na iyon. May pag-aatubiling nag-angat ako ng tingin sa taong bigla na lang pumasok sa loob ng opisina.

"Hi, Cat." Bati niya na may kasamang simpatikong ngiti.

Nakatayo na pala sa gitna ng opisina ang isang matikas na lalaking nakasuot ng short sleeve polo na animo'y isang modelo na ginunting mula sa magazine habang may hawak itong isang bungkos ng bulaklak.

"What are you doing here, Kenneth?" Tanong ko sa pormal na tinig at hindi ko pinagkaabalahang ibalik ang kanyang pagbati.

Sa hindi ko malamang kadahilanan, mas lalo siyang napangiti. 'Yong klase ng ngiting kita ang mapuputi niyang ipin, tipong ngiti sa commercial ng toothpaste. Mga klase ng ngiting nakapagpahulog sa loob ko noon.

"I miss you." Hayag niya. "Didn't you miss me?" May halong lambing ang pagkakabigkas niya ng mga ito.

"No." Mabilis na supalpal ko.

Bahagyang natawa si Flora na hanggang ngayon ay nakatayo pa sa gilid ng aking lamesa. Pareho kaming napatingin ni Kenneth sa kanya. Agad na itinago ni Flora ang ngiti sabay napatikhim.

"Excuse me po." Mahinang saad niya bago magalang na nagpaalam sa amin.

Naiwan kami ni Kenneth sa loob ng kuwarto. Pakiramdam ko biglang may makapal na tensyon sa ere ng mga sandaling iyon.

"For you." Basag niya sa katahimikan sabay naglakad palapit sa lamesa ko para iabot sa akin ang hawak na bulaklak.

Bahagyang tinapunan ko lang ito ng tingin bago ibinalik ang atensyon sa kanyang mukha ng hindi kumikibo o kumikilos para tanggapin ang ibinibigay niya.

"Catleya," Bigkas niya sabay inilapag sa ibabaw ng mesa ang bulaklak bago naglakad paikot para lapitan ako.

"Stop." Mabilis na pigil ko ng ilang hakbang na lang ang layo niya mula sa kinauupuan ko. "Diyan ka lang."

Napatitig siya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang sa distansya namin at sa paraan ng pagtitig niya kaya mabilis akong napatayo mula sa kinauupuan tsaka naglakad patungo sa ceiling to floor glass wall. Tumayo ako doon patalikod sa direksyon niya.

"I'm sorry." Narinig kong sabi niya.

Napapikit ako. Lihim akong napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Bigla na lang kasi siyang nagpakita, at ngayon hihingi siya ng sorry sa akin? For what? Para saan pa?

Napadilat ako ng maibalik ko ang kumpiyansa sa sarili. "Tapos na 'yon." Walang ganang sagot ko habang nananatiling nakatalikod pa rin sa kanya. "Past is past."

"Pero -"

Mabilis akong pumihit paharap sa kanya para pigilan ang anumang sasabihin pa sana niya.

"Okay na ako." I said with conviction. "Kagaya ng sinabi ko, tapos na 'yon. Nakaraan na lang kita."

Pinasadahan niya ako ng tingin. "You've changed." Komento niya. "In a good way."

Montalban Cousins - HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon