Chapter 15 Next To You

12.5K 562 91
                                    

"Sometimes, you don't need eyes to see how beautiful a person really is."


Catleya POV


"Where are you taking me?" Tanong ko sa babaeng nasa likod ng manibela ng mapansing hindi pamilyar sa akin ang daang tinatahak namin.

Napasulyap siya sa gawi ko, sa frontseat. "Heaven?" Patanong niyang sagot na may kasamang ngisi.

"Harper -"

"Relax!" Natatawang maagap niyang putol sa pagpoprotesta ko sana. "Hindi kita dadalhin sa langit kung ayaw mo doon."

Napakunot-noo ako. "Pwede ba, magseryoso ka naman!" Angil ko.

Napaangat ang gilid ng kanyang labi habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa kalsada. "Cat, how many times do I have to tell you na seryoso ako sayo?"

"Hmp." Napaismid ako sabay napatanaw sa labas ng bintana. Gusto ko mang humalukipkip, hindi maaari dahil hanggang ngayon ay nakaposas pa rin ang mga kamay ko. "You're just a kid."

Natawa siya sa komento ko. "Noong gabing may nangyari sa atin -"

"Can we just not talk about it?" Sabay nagbaling ng tingin sa kanyang putol ko.

Pero mukhang matigas talaga ang ulo niya. "-naisip mo ba na mas bata ako sayo o mas matanda ka sa akin?" Dugtong niya sa sinasabi kanina.

Hindi ako nakasagot. Natitigilang napatitig ako sa kanya ng may katagalan.

"See?" Sambit niya. "Hindi, di ba?"

Nagbawi ako ng tingin at muling nagbaling sa labas ng bintana. I hate to admit it but she's right. Hindi ko iyon naisip o sumagi man lang sa isip ko habang... basta gano'n.

"Our age gap is not really the issue here." Pagpapatuloy niya. "Hindi rin naman siguro ang tungkol sa gusto mo ako o hindi, dahil obviously, you like me."

Natawa ako ng may pagkasarkastiko sa sinabi niya. "No, I don't."

"Yes, you do." Mabilis niyang kontra.

Awtomatiko akong napatingin sa kanya. "Do you have proof?" Hamon ko.

Napangisi siya. "Kailangan ko pa ba iyong patunayan?" Tugon niya.

"Yes!" Mabilis na sagot ko.

Mas lumawak ang pagkakangisi niya. "Kung hindi mo din ako gusto, bakit ka nag-initiate na may mangyari sa atin?"

"What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ko. "We had a deal."

"Oo may deal tayo," She paused theatrically. "... pero hindi naman iyon ang hiningi ko sayo."

"You asked for it!"

"No, I didn't." Kalmado niyang kontra.

"Yes, you did!" Giit ko. "Sabi mo tutulungan mo ako pero sa isang kondisyon. Gusto mo akong makasama kahit isang gabi lang."

"Oo, 'yon ang gusto ko -"

"See?!" Maagap na segunda ko.

"So nasaan doon ang 'sex' part?" Tanong niya.

Napaawang ang bibig ko para sana bigyang katwiran ang sinabi ko pero wala naman akong maisip na ikakatwiran sa kanya.

Napangiti siya, ngiting tagumpay. "Kaya gusto mo rin ako. Huwag ka ng -" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil pinagsusuntok ko siya sa kanang braso. "Catleya, ano ba?!" Natatawang reklamo niya. "Baka mabangga tayo."

"Bawiin mo 'yong sinabi mo!" Naiinis na ako sa kanya.

Well, I'm not sure, really. Kung sa kanya nga ba ako naiinis o sa mga palpak na desisyon na nagawa ko. At ngayon ano? I reap what I sow.

Montalban Cousins - HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon