"One push, ire pa..harder!" Sigaw ng Doctor na nagpapa-anak sa akin.
Pikit ang mata kasabay ang pagtagaktak ng pawis sa aking noo ay maagap kong sinunod ang utos ng Doctor.
Sa huling pagkakataon ay malakas akong umiri at kasabay ng aking panghihina ang pagkarinig ko ng malakas na iyak ng sanggol.
'Anak..'
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa nakapikit kong mga mata. Kaya ko 'to. Makakaya ko ito.
"Hindi mo man lang ba sya titingnan?" Ang tanong sa akin ni Doctor Trance Rafaello. Ang taong tumulong sa akin at nagdala dito sa hospital.
Umiling ako at mas lalo pang ipinikit ang mga mata. Pinigilan ko ang aking sarili na hwag dumilat. Alam kong ito ang nakabubuti. Iiwanan ko rin naman sya kaya bakit kailangan ko pa syang tingnan?
Makakalimutan ko din ang lahat ng ito. Ituturing kong isa lang itong masamang panaginip. Bukas, paggising ko...alam kong nasa maayos na ang lahat. Mamumuhay ako ng normal na parang walang nangyari.
Tama! Tama na ang mahigit syam na buwan na pagkukubli habang dinadala ko sya sa aking sinapupunan. Pagkatapos nito ay malaya na ako—muli.
Yumugyog ang aking balikat dahil sa pinipigilan kong hwag mapahagulgol ng malakas na iyak. Mas lalong sumikip ang aking dibdib nang marinig ko ang iyak ng anak ko na papalayo mula sa kinahihigaan ko. Papalayo mula sa buhay ko.
Ni hindi ko alam kung ano ang kasarian nya. Babae ba sya? O,lalake kaya? Pero, importante pa ba iyon? Hindi ba ito naman ang disisyong pinili ko? Ang talikuran ang lahat ng ito?
Kaya kailangan kong panindigan ito, para sa ikakatahimik ng lahat.
***
BINABASA MO ANG
Scratch Heart
ChickLitIsang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konsensya? Konsensya na habang buhay na manggugulo sa iyong buong pagkatao? May paraan ba para balikan an...