Halos hindi maampat-ampat ang maraming luha mula sa aking mga mata habang inisa-isa kong pinagtatanggal ang lahat ng gamit sa lagayan nito at mabilis na isinaksak sa loob ng duffel bag na dala ko noong pumunta ako dito.
Kailangan ko ng umalis. Ayoko ng umagahin pa dito. Kailangan kong mag-isip ng maayos bago muling harapin ang lahat ng ito. Hindi ako pwedeng magpadalus-dalos sa mga plano ko. Kailangan kong ingatan na hwag masaktan ang damdamin ng anak ko. Ang mahalaga, nakita ko na sya at nakasama...nahawakan...nayakap...at nakausap.
Pagkasakay ko sa aking sasakyan ay kaagad ko iyon pinaharurot ng takbo pagkalabas ko sa may garahe. Ayokong magkulong sa bahay kaya naman ay naisipan ko sa bar tumuloy.Dumeretso ako sa bar counter at umurder ng inumin.
Pagkalagok ko sa unang shot ay wala sa sariling napatulala ako habang nakapangalumbaba. Bakit ganoon? Bakit bigla nalang akong naduwag para harapin ang katotohanan? Dahil ba ay hindi ko napaghandaan na ganito ang mangyari?
I had a weird feelings noong una kong makita si Thalia Veronica. Maybe it's a mother instinct. What bothers me most ay yung nasasalamin ko sa kanya ang aking kabataan. Pero pilit kong binabalewala iyon. Siguro, natatakot lang ako na tanggapin sa sarili ko kung ano yung katotohanan. Dahil hindi pa ako handa kung paano ko iha-handle yung sitwasyon sa pagitan naming dalawa.
Malaking pagkakamali ang nagawa kong iwanan sya sa isang estranghero na hindi ko lubos na kilala. Pero sino ang mag-aakala na lumaki ang aking anak sa isang maayos na pamilya? Na puno ng pagmamahal at pag-aaruga?
Ikinakahiya ko ang aking sarili kapag maihahambing ko ito kay Trance Rafaello. Ni sa kalingkingan ay hindi ko napantayan kung paano nya iningatan na parang crystal ang batang sanggol na ni hindi ko man lang pinagtuunan ng pansin noon.
"Renz?"
Napatuwid ako ng upo nang dumaan sa aking pandinig ang pamilyar na tawag na iyon. Ang pagkakaalam ko ay iisang tao lamang ang tumatawag sa akin ng ganoon. My bestfriend!
"Renz, is that you? My God! Dito lang pala kita makikita? Ang hirap mong hagilapin!"
Napakislot ako nang bigla nya akong yakapin mula sa aking likuran. Napakurap pa ako nang marahan nyang isubsob sa gilid ng aking leeg ang kanyang mukha.
"Miss na miss na miss na kita!" Aniya.
Umahon ang galit na matagal ko ng kinikimkim sa aking puso. Umalis sya at hindi na nagparamdam tapos ngayon, aakto sya na parang walang nangyari?
Marahas kong binaklas ang kanyang kamay at mabilis kong inikot ang high chair na inuupuan para makaharap sya.
"Wow! I can't believe this! Mas lalo kang gumanda,ah!" He cupped my face at pinanggigilan iyon.
"Tumigil ka nga!" Singhal ko sa kanya sabay iwas ko sa aking mukha.
Hindi in-appreciate kung gaano na din kadami ang nagbago sa kanya pagkatapos ng sampung taon. Mas lalo syang tumangkad at naging matipuno ang katawan. At— mas lalong gumaupo!
Napanguso ako at napaismid nang mapansin ko ang malapad nyang pagngisi.
"Ang sungit! Ni hindi ka man lang ba nasiyahan na makita ang kaibigan mo? Sampung taon na ang lumipas na wala tayong balita sa isat-isa, Renz!"
"Anong dahilan para masiyahan ako? Sampung taon na ang lumipas at sampung taon na ding tapos ang pagkakaibigan natin!" Pagalit kong sinabi.
Huminga sya ng malalim at maagap na hinuli ang magkabila kong kamay.
"I'm sorry, okay? I'm sorry kung umalis ako nang hindi man lang nakapagpaalam. After the party, naging abala na ako sa pag-aasikaso ng mga documents ko. Biglaan kasi ang pag-alis namin. Alam mo naman ang family business namin diba? Kung saan malakas doon kami, kaya nga ni wala kaming permanenteng tirahan." Mahaba nitong paliwanag.
Napabuga ako ng hangin. Hindi iyon ang gusto kong marinig. Paano pala yung namagitan sa aming dalawa? Kalilimutan nalang nya iyon ng ganoon nalang?
"At hindi ba pwede na maging masaya ka nalang sa akin? Patawarin mo na ako, ikakasal na ang kaibigan mo at kailangan dadalo kayo ni Mica sa araw ng kasal ko." Paglalambing nito at excited na balita sa akin.
Napakuyom ako sa aking kamao. Ang bruho at pilit na talagang tinalikuran ang obligasyon nya sa akin!
"Hindi ako dadalo sa kasal mo!" Bulyaw kong sabi sabay tulak sa kanya.
"Ang sama nito...halika nga dito!"
Hindi ako nakaiwas nang hawakan nya ako sa baywang at pilit itinayo.
"Reevan, ano ba!" Sita ko sa kanya at pilit binabaklas ang kanyang kamay na nakapulupot sa aking baywang.
"Alam mo isayaw nalang natin ito. At para lalamig yang ulo mo!" Sabi nya sa akin sabay hila papuntang dance floor.
Nakakainis! Ngayon na nga lang sya muling sumulpot sa buhay ko tapos gagawin pa nya akong sunod-sunuran sa mga gusto nya! Andami pa naming dapat pag-usapan at hindi ganitong idadaan lang nya ako sa pagsasayaw para mawala yung galit ko sa kanya.
Hindi biro ang pinagdaanan ko sa mahabang panahon at sa kasalukuyan tapos heto sya parang walang pakialam? Ni hindi man lang ako kinumusta?
At ang masaklap pa doon habang pinaparusahan ko ang aking sarili dahil sa nangyaring pagkalimot, sya naman ay namuhay ng mapayapa at nakahanap pa ng babaeng mamahalin at pakakasalan?
Wow! Napaka-unfair naman pagdating sa side ko!
Nakanguso parin ako at hindi magawang ngumiti kahit na nakalapat na sa ibabaw ng kanyang balikat ang magkabila kong kamay habang nakapalibot naman sa aking baywang ang kanyang matitigas na braso.
Wala sa sariling napatitig ako ng mariin sa kanyang mukha. Palihim kong pinag-aralan ang bawat kurti ng kanyang mukha. Mula sa noo, mga kilay at mga mata. Pababa sa ilong at sa kanyang labi. Kahit na yung magkabilang tainga, pisngi at ang kanyang panga ay wala akong pinalampas.
Kumunot pa lalo ang aking noo at nabalutan ng pagtataka ang utak. Bakit ni isang feature ay walang namana sa kanya ang bata?Si Thalia Veronica na anak naming dalawa?
"See? Ayaw pa kasing aminin na miss na miss mo din ako! Kung makatitig ka naman hindi na marunong kumurap. Lalo bang gumuapo?" Natatawang tanong nya sa akin sabay kindat.
"Gago!" Singhal ko sa kanya sabay busangot ng mukha.
Humalakhak ng malakas si Reevan pero kaagad ding nawala ang tawa at biglang sumeryoso nang lumampas sa aking likuran ang kanyang paningin.
Magtatanong sana ako at bahagyang lumingon pero natigilan ako nang may marahas na kamay na bumaklas mula sa pagkakahawak ni Reevan sa aking baywang. Kusang natanggal ang pagkakapit ng kamay ko sa ibabaw ng balikat nito nang bigla akong yapusin ng kung sino at inilayo mula sa natitigilan kong kaibigan.
Ang matigas na braso na nakapulupot sa aking baywang ay parang pamilyar sa aking pakiramdam. Tuloy- tuloy ang kanyang lakad palabas ng bar habang tangay ako. Huminto lang kami nang mapatapat sa isang pamilyar na sasakyan.
Biglang umilaw ang sasakyan hudyat na na-unlock ang mga pintuan pero bago pa nya ako maipasok sa loob ay mabilis akong nakawala mula sa kanyang hawak.
Marahas ko syang hinarap at ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang makita ang hindi na maipintang mukha ni Trance Rafaello!
***
BINABASA MO ANG
Scratch Heart
ChickLitIsang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konsensya? Konsensya na habang buhay na manggugulo sa iyong buong pagkatao? May paraan ba para balikan an...