Pagkatapos maasikaso ni Mica ang billing ay kaagad na din kaming lumabas ng silid. Pero bago namin tinungo ang exit door ay maagap muna akong dumaan sa information desk para magtanong.
"Miss, gusto kong makausap si Doctor Trance Rafaello... saan po ba yung clinic nya?" Magalang kong tanong sa isang nurse na nakatalaga doon.
"Eh Ma'am, nasa operating room po sya sa ngayon. Hindi po ako sigurado kung anong oras sya matatapos." Alinlangang sagot ng nurse.
Napanguso ako buhat sa narinig. Hmmm...talagang mailap ang lalaking iyon, ah! Nagbi-busy busy'han lang kaya ang isang iyon para makaiwas sa interrogation ko?
"Mga anong oras sya pumapasok sa umaga at anong oras din ang pag-uwi nya sa hapon?" Kagat labi kong tanong.
Saglit akong tinitigan ng nurse bago sumagot.
"Depende po sa schedule nya Ma'am. At saka hindi po sya tumatanggap ng pasyente kapag walang appointment? Policy po kasi ng hospital. Kung gusto nyo magpa-appointment po muna kayo para makaharap ninyo si Doctor." Bigay payo nya sa akin.
Nilingon ko si Mica at napansin kong nakatingin sya sa hawak nyang cellphone. Siguro nagmamadali ang isang ito. May date kaya? Hayyy, naiistorbo ko na ang precious time ng kaibigan ko.
"Okay, i will set an appointment next time." Baling ko sa kausap bago lumayo mula sa information desk.
"Mukhang interesado ka yata sa Doctor Rafaello na yun ah! Don't tell me na kagaya nya ang nagugustuhan mo kaya hanggang ngayon ay hindi ka parin nagkakaroon ng love life? But he's an aged! Ang layo naman ng agwat ng edad ninyong dalawa..." Napakagat sya sa kanyang labi bago nagpatuloy sa pagsasalita. Nasa mga mata ang mapanuring tingin.
"And who knows kung may asawa na pala iyon? Sa panahon ngayon, kadalasan yung mga lalaking nasa mid-thirties ay may mga pamilya na! Kaya hwag kang magkamaling makikipag-third party!!"
Umikot ang mga mata ko sa mahaba nyang lintanya. Kung alam lang nya na ano talaga ang importanteng pakay ko sa Trance na iyon?
"Tumigil ka nga! Nag'o-overthink ka na naman. Tara na at mukhang may importanteng lakad ka pa." Hindi na sya nakasagot dahil hinila ko na sya palabas ng hospital.
"Pero teka, may sekreto ka ba na hindi ko alam?"
Bigla kong nabitawan ang kanyang kamay na hawak-hawak ko at marahan syang nilingon.
"I'm tired! Ihatid mo nalang muna ako sa bahay para makapagpahinga. Marami pang araw para pag-usapan natin ang tungkol dyan."
Kumunot ang kanyang noo at patakbong hinabol ang malalaking hakbang ko.
"So, meron nga? Is this about the Doctor again? It seems kilala mo sya kanina...may nakaraan kayo?" Pangungulit nya ulit sa akin.
Huminto ako sa paglalakad eksaktong nasa tabi na kami ng kanyang kotse.
"Hindi ko sya gaanong kilala, nagkataon lang. And correction wala kaming nakaraan." Pilit kong nililinaw ang baluktot nyang isip.
Napanguso sya habang nakataas ang kanyang kilay. Nagpapatunay na hindi kumbinsido sa aking sagot. Inirapan ko nalang sya bago binuksan ang passenger's seat at padarag na naupo doon. I'm sorry, no one knows about my secret. Kung mayroon mang nakakaalam, si Doctor Trance Rafaello lang iyon.
*
*
*
BINABASA MO ANG
Scratch Heart
ChickLitIsang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konsensya? Konsensya na habang buhay na manggugulo sa iyong buong pagkatao? May paraan ba para balikan an...