Nine

2.7K 90 4
                                    

Hindi na ako nakatanggi nang yayain ako ni Thalia Veronica para umakyat sa kanyang kwarto. Magkahawak kamay pa kaming inakyat ang hagdan.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkamangha na kaagad rumehistro sa mukha ni Tita Lorna habang nakamasid sa aming dalawa. Siguro ipinagtaka nito ang pagkakalapit ng loob namin ng kanyang alaga.



"Yung kwarto doon sa may dulo, iyon ang silid ng Daddy ko."

Sinundan ko ng tingin ang kanyang kamay sa direksyon na itinuro pagkatungtong namin sa pangalawang palapag ng bahay.

Gusto kong mapanguso. Bakit kailangan pa nyang sabihin sa akin? As if naman  na sugurin ko doon ang kanyang Ama kung kinakailangan. Hindi ba mas maigi kung hindi ko nalang talaga alam?



"May empty room pa naman dito sa taas. Yung katabi ng room ko, dapat dito ka nalang." Sabi nya ulit habang tinutungo ang pasilyo papalapit sa malaking pintuan. I think iyon ang kanyang kwarto.


"Hwag na! Okay na ako sa baba. Mas komportable ako doon." Taranta kong sagot. Mas safe ako doon dahil malayo sa Daddy mo. Dugtong ko sa isip.


"Okay, kung iyon ang gusto mo." Aniya.

Marahan nyang binuksan ang pintuan bago nakangiting bumaling sa akin.


"Pasok ka, Teacher Lorenz..." Excited nyang anyaya.

Tumango ako bago ihinakbang ang mga paa papasok sa silid. Mas tumingkad ang buong silid sa kulay nitong baby pink. Mula sa wall, kurtina at lahat ng kagamitan sa loob ng silid ay magkapareho ang kulay. Pink.


Bumaling ang aking paningin sa ibabaw ng malapad na kama. Napansin ko doon ang kulay pink na malaking teddy bear na kasalukuyang umuukopa sa kalahating espasyo ng kama.

Ihinakbang ko ang paa palapit sa tokador. Wala sa sariling sinipat ko ang maliit na picture frame na maayos na nakapatong doon. Tinitigan ko ang tatlong mukha na kapwa nakangiti sa loob ng frame. Their family picture.


Tumagal ang aking mata sa mukha ng kanyang Ina. Akbay sya ni Trance habang karga-karga nya ang isang baby girl na sa tantya ko ay nasa tatlong gulang pa lamang. Ang liit pa ni Thalia Veronica dito.


"Your Mom is beautiful!" Komento ko.

Maagap syang lumapit sa akin bago sumagot.


"Yeah, she is! Pero marami ang nakapagsabi na hindi ko sya kamukha. Lagi ngang nagtatampo si Mommy noong nabubuhay pa sya. Kasi daw hindi kami magkamukha!" She giggled.

Napakagat ako sa aking labi bago kinompose ang sarili. Kailangan kong pakalmahin ang sarili. Yung kabang nararamdaman ko kasi ayaw magpaawat!

"Kanino ka pala nagmana?" Pasimple kong tanong.


"Syempre kay Daddy!" Maagap nyang sagot.


Marahan ko syang nilingon bago mariing tumitig sa kanyang maamong mukha.

Mula sa noo, hugis at tangos ng kanyang ilong kahit na yung maninipis nyang labi...nabanaag ko ang similarities nilang dalawa ni Trance.

Pero kapag tinitigan mo sya sa kanyang mga mata at lalo na kapag nakangiti sya. There's an image na kaagad kong naiisip pero kaagad ko ring itinatakwil. Sabi ko nga— it's bothering me so much!


"Limang taon ng wala ang Mommy mo, diba? Nami-miss mo parin ba sya hanggang ngayon?" Out of the blue kong tanong.


"Oo naman po. Pero kasi kahit na nabubuhay pa sya noon ay mas malapit ako kay Daddy. Sa kanilang dalawa kasi si Daddy yung sobrang mapagmahal sa akin. Siguro...ayaw lang ni Mommy na mapalapit sa kanya ang kalooban ko kasi alam na nya na darating yung time na iiwan din naman nya kami ni Daddy. Para hindi ako mahirapan kaya hindi sya naging close sa akin. Pero mahal naman nya ako." Mahaba nitong paliwanag.


Scratch HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon