Wala akong ginawa sa magkasunod na araw kundi ang pumunta sa hospital para subukang kausapin si Doctor Trance Rafaello. Pero katulad sa mga nagdaang araw ay bigo na naman akong lumabas ng hospital.
Hindi ko alam kung napagsabihan ba nya ang mga nurse na kapag ako ang nagpagawa ng appointment ay kaagad na gumawa ng kapani-paniwalang rason, o, talagang abala lang sya at kapos sa oras para harapin ako.
Napabuga ako ng hangin bago pabagsak na naupo sa driver's seat ng aking kotse. Nahampas ko pa ng malakas ang kawawang manibela dahil sa matinding frustration na nararamdaman.
Talagang sinusukat ng Trance Rafaello na iyon ang pasensya ko! Ngayon, pinagsisihan ko tuloy kung bakit sa kanya ko pinagkatiwala ang aking anak. Kung alam ko lamang na magbabago sya ng ganito eh di sana, hinatid ko nalang sana sa bahay ampunan ang bata at para naman alam ko kung saan ko sya hahanapin.
Teka... teka lang! Awat ko sa sarili.
Hindi naman ganito ang napagdisisyunan ko dati, ah! Bakit...bigla yatang nagbago ang pag-iisip ko ngayon?
Napatigil ako sa pagmamaktol nang may SUV na pumarada sa tapat ng aking kotse. Nakita ko ang pagbaba ng isang matandang lalaki at mabilis na pag-ikot para buksan ang pintuan sa may backseat.
Napatuon doon ang aking atensyon. Mula sa nakaawang na pintuan ay marahang lumabas ang isang batang babae. Maitim at tuwid ang buhok nito na hanggang balikat ang haba. Napatitig ako sa kanyang mukha habang matiim nyang kinakausap ang matandang lalake.
Hindi ko alam kung bakit nakuha nya ang aking buong atensyon. Dahil ba sa pakiwari ko ay kasing-edad lang nya ang anak ko? Sa tantya ko kasi ay nasa nine or ten years old na yung bata. Kung titingnang maigi ay parang mas matangkad pa sya sa naturang edad. Maybe she was eleven or twelve?
Sinundan ko ng tanaw ang kanyang paglayo hanggang sa makapasok sa may main entrance ng hospital. Siguro may relative syang dadalawin sa loob.
Dahil sa konsentrasyon sa pagmamasid doon sa bata ay halos mapalundag pa ako nang biglang tumunog ang aking cellphone.
Mama's calling....
Ano kaya ang kailangan nito? Sinilip ko ang pambisig na relo na suot ko at doon ko namalayan na maghapon naman pala akong nakatunganga dito sa may parking lot ng hospital.
"Yes, Ma?" Bungad ko kay Mama.
"Quinn, nasaan ka?" Tanong nya kaagad mula sa kabilang linya.
"Nandito, nagpapahangin lang Ma! Pauwi na din ako ngayon." Pagkakaila ko sa kanya.
"Okay.. okay! Gusto kong sumaglit ka sa malapit na tindahan mamaya. May mga putahe kasing nakalimutang bilhin si Manang. Ise-send ko sa'yo at ikaw na ang bibili. Wala na kasing oras kung lalabas pa ako."
Hayyy, kailan pa ba ako natutong maggrocerry para sa kakailanganin sa kusina?
"Fine, sasaglit ako sa market pag-uwi ko." As if naman na may choice pa ako?
Isa-isa ko ng hinanap ang mga pinabili ni Mama at maagap na nilagay sa bitbit kong basket nang makapasok ako sa market near our place.
'Mushroom' basa ko sa panghuling item na nakasulat. Nahirapan pa akong maghanap dahil sa bawat rack na madaanan ay wala naman akong mahagilap na mushroom doon.
Gagawa siguro ng mushroom soup si Manang kaya nagpapabili ng ganito. Napanguso ako nang maalala si Kuya. Ang isa sa paboritong soup ni Kuya. Pero teka...anong date ngayon?
Napakamot ako sa ulo nang maalala ang death anniversary ng kapatid ko. Kaya pala...
Mabuti pa ang death anniversary ni Kuya ay hindi nila nakakalimutan samantalang birthday ko kailangan ko pang ipaalala para tumatak sa kanilang utak kung kailan.
Napangiti ako nang sa wakas ay mamataan ko ang hinahanap. Isang pack na fresh mushroom ang nakita ko sa may rack. Buti nalang at may natirang isa.
Mabilis ko itong dinampot nang bigla akong matigilan. Hindi ko kasi napaghandaan na may makasabay akong dumampot sa nag-iisang pack ng mushroom. A tiny hand is holding at the other side of the box.
Mula sa tiny hands ay umangat ang aking paningin sa isang batang babae na kaharap. Napakurap ako habang nakatitig sa kanyang mga mata. Kasabay ng pagsilay ng ngiti sa manipis nyang labi ang pag-atake ng kakaibang kaba na nagmumula sa aking dibdib.
Kung hindi ako nagkakamali ay sya yung batang babae na pinagmamasdan ko kanina sa may parking lot ng hospital.
"Thalia Veronica, nasaan ka na?"
Tawag ng isang may katandaan na Ginang sa di kalayuan. Lumipat doon ang kanyang paningin bago nagsalita.
"Yaya, andyan na po!" Maagap nyang sagot.
"Bilisan mo na at naiinip na sa kahihintay ang Daddy mo sa labas!" Muling sinabi ng Ginang.
Bumaba ang kanyang paningin sa parehong hawak naming pack ng mushroom. Naramdaman kong bibitawan na sana nya iyon nang bigla ko syang pigilan.
"Sa'yo na...mukhang nagmamadali kayo. Maghahanap nalang ako ng iba mamaya." Nakangiti kong sabi.
Umaliwalas ang kanyang mukha at biglang napatitig sa akin.
"Thank you po! Paborito kasi ito ng Mommy ko kaya kailangan kong mabili." Masaya nyang sabi.
Napalunok ako ng mariin nang marinig mula sa kanyang bibig ang salitang Mommy. Ano kaya ang pakiramdam kapag tinatawag akong Mommy? Kung sakaling kapiling ko parin ang aking anak, ano kaya ang posebling itatawag nya sa akin?
Mom? Mommy? Mama?
"Sige po mauna na ako. Si Daddy kasi masyadong busy!"
Napakurap pa ako nang bigla nalang syang nagpaalam. Hindi ko kasi namalayan na kanina na pala ako nakatulala sa kanyang harapan.
"Mag-ingat ka!" Pahabol kong sabi habang sinusundan ng paningin ang kanyang paglayo.
Nakatuon parin ako sa kanyang likod hanggang sa lumiko na sya kasama yung Ginang papunta sa may counter.
Huminga ako ng malalim habang pinapakalma ang sarili. Kailan pa ako huling kinabahan ng ganito? Noong panahon na nalaman kong buntis ako? I guess so...
The way she walk, the way she talk and the way she smile... even her look— its bothering me!
Thalia Veronica...what a good name!
***
BINABASA MO ANG
Scratch Heart
ChickLitIsang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konsensya? Konsensya na habang buhay na manggugulo sa iyong buong pagkatao? May paraan ba para balikan an...