Mariin akong nakatitig kay Thalia Veronica habang masayang nagku-kwento sa kanyang Daddy tungkol sa napanood na car racing kanina.
Nandito kami sa hapagkainan habang katabi ko sa upuan si Trance at kaharap naming dalawa ang bata na malapad ang ngiti habang nakatitig din sa amin.
Tahimik lang ako habang lihim na sinusuri ang kanyang mukha. Ang lalim ng aking iniisip kaya naman ay hindi ako nakakasabay sa usapan ng mag-aama.
Dumating na si Tita Lorna kanina kaya naman ay hindi na ako nakapagluto ng pagkain para sa dinner. Kung hindi lang magtataka ang bata ay ayaw ko na rin lumabas mula sa kwarto dahil sa inis na nararamdaman ko para kay Trance.
"Daddy, bakit hindi kayo nagkikibuan ni Teacher Lorenz, nag-away kayo?" Puna ni Thalia Veronica.
"No, Sweetie... hindi kami nag-away."
Napakislot ako nang maramdaman ko ang mainit na palad na biglang pumatong sa aking kamay. Bumaling doon ang aking mga mata. Nakapatong kasi sa ibabaw ng mesa ang aking kaliwang kamay kaya malaya iyon nahawakan ni Trance.
"Hindi kayo nag-away, Teacher Lorenz?"
Bumalik kay Thalia Veronica ang aking paningin nang bigla nya akong tanungin at napansin ko na nasa mga kamay namin ni Trance nakatitig ang bata.
Marahang pinisil ni Trance ang aking kamay kaya naman ay nakasagot ako ng wala sa oras.
"Umm...hindi kami nag-away ng Daddy mo." Nilingon ko si Trance at pilit akong ngumiti.
Nakakainis! Kanina halos palayasin na nya ako. Ngayon naman ay para ng lalanggamin sa sobrang ka-sweetan nya sa akin. Ang fake talaga ng lalaking ito! Akala mo ang bait-bait sa akin kapag kaharap ang anak nya!
"Basta promise mo yan Daddy ha? Sasama ka na sa amin next time?" Sabi ni Thalia Veronica na hindi ko alam kung ano ang tinutukoy.
"Basta, hindi kayo pwedeng aalis kapag hindi ako kasama." Sagot ni Trance bago ako nilingon.
"No more car racing without me." Patuloy nya sa sinabi.
Napanguso ako buhat sa narinig. Teka, akala ko ba mapanganib na lugar iyon? At bakit ngayon ay nangangako na sya sa anak nya na pupunta doon next time?
Gusto ko tuloy mapairap sa kawalan. See? Ni hindi nya mapaghindian ang kahilingan ng kanyang anak!
*
*
*
"Ano ito?" Tanong ni Mica habang nakatitig sa hawak na resealable plastic na binigay ko.
Nakipagkita kasi ako sa kanya dahil may importante akong ipapagawa sa kanya at napag-usapan namin na dito sa mall magkikita.
"Mica, huling pabor na talaga ito." Pakiusap ko sa aking kaibigan.
Kumunot ang kanyang noo habang mariing tumitig sa akin.
"Aanhin ko naman ang buhok na ito?" Muli nyang tanong habang inaaninag ang laman ng resealable plastic.
"Kailangan ko ng DNA test." Walang paligoy-ligoy kong sinabi.
"Ha? Para kanino?" Gulat na tanong nya.
"Sasabihin ko lang sa'yo kapag nakuha na ang resulta." Seryoso kong sinabi.
Napakagat sya sa kanyang labi habang tinatantya ang aking reaksyon.
"You're weird! Sasabihin mo talaga kung hindi, wala ka na talagang aasahan sa akin!" Pagbabanta nya.
Humalakhak ako bago sya inirapan. Para namang hindi ko pa sya kilala. Sa lahat ng tao ay si Mica lang kasi ang laging umiintindi sa akin.
"Ay oo nga pala Quinn, nagkita na kami ni Reevan. Tinatanong ka at pilit kinukuha sa akin ang number mo." Pag-iiba nya sa usapan.
"Ibinigay mo!?" Singhal ko sa kanya.
"Syempre hindi! Ang sagot ko kailangan ko muna ng permission mo. So, next time na kukulitin nya ako baka hindi na ako makapaghindi, ah!"
Nakahinga ako ng maluwag sa nakuhang sagot mula kay Mica.
"Hindi pa ako handang makipagkita sa kanya." Napakagat ako sa aking labi.
"Grabe ka! Sampung taon na kayong hindi nagkikita, tinitiis mo parin sya. Ano ba talaga kayo? Sa ating tatlo, kayong dalawa ang mag-bestfriend. Lagi nga akong nagtatampo noon. Tapos ngayon, ni ayaw mo syang makita at makausap man lang? Ano ba kasi ang ikinagagalit mo sa lalaking iyon?" Nagtatakang tanong ni Mica.
Nagkibit ako ng balikat at walang balak na sagutin ang mga tanong nya. Hindi naman sa ayaw ko kundi mahirap kasing ipaliwanag ang nangyari.
Nang manahimik ako ay hindi na muling naghalungkat ng kwento tungkol sa nakaraan si Mica. Napagpasyahan namin na maglibot-libot muna sa loob ng mall. Ngayon lang kasi ulit kami nakapag-shopping na magkasama.
Napahinto ako nang mapadaan kami sa toys section. Nakuha ng aking atensyon ang malaking stuff toys na kulay pink. Mother teddy bear yata iyon kasi may baby teddy bear na nakadikit sa harapan.
"Oh, hwag mong sabihin na bibilhin mo iyan? Kung kailan tumatanda ka na ay saka ka pa nagka-interest sa stuff toy?" Natatawang sabi ni Mica.
"Paborito nya ang teddy bear na kulay pink." Wala sa loob kong sinabi.
"Sino?" Kunot noo na tanong ni Mica.
"Thalia Veronica. Bibilhin ko ito para sa kanya." Nakangiti kong sagot.
"Aba teka! Totoo na ba talaga iyan? Paano ang Daddy? Nagtapat na ba ng saloobin sa'yo?" Nakapameywang na tanong nya.
Bigla akong natigilan sa tanong ni Mica. Nagtapat ng saloobin? Bakit gusto ba ako ng lalaking iyon?
"Gusto ko lang bilhin para sa bata Mica. Bakit nasali sa usapan ang Daddy nya?" Inirapan ko sya.
Natatawa nalang sumunod sa akin si Mica para bayaran ang napiling stuff toy.
Dumeretso ako sa kwarto ni Thalia Veronica pagdating ko sa bahay habang bitbit ang malaking paper bag na naglalaman ng stuff toy na para sa kanya.
Excited kong binuksan ang pintuan pagkatapos kong kumatok ng dalawang beses.
"Surprise!" Bungad ko sa kanya.
Kaagad nyang naiwan ang drawing book na kinakaabalahan bago masaya nya akong sinalubong.
"Para sa'yo." Nakangiti kong ibinigay sa kanya ang dala kong paper bag.
Namilog ang kanyang mata nang buksan ang paper bag.
"Wow, ang ganda! Mas malaki pa ito kay Lia!" Yung dating teddy bear ang tinutukoy nya.
"Thank you po!" Napalunok ako ng mariin nang bigla nya akong yakapin ng mahigpit.
Marahan kong hinimas ang kanyang ulo bago iyon kinintalan ng pinong halik. Napapikit ako habang yakap ko din sya ng mahigpit. Pakiramdam ko buong-buo ako.
***
BINABASA MO ANG
Scratch Heart
ChickLitIsang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konsensya? Konsensya na habang buhay na manggugulo sa iyong buong pagkatao? May paraan ba para balikan an...