Pagkatapos ng emotional moment na namagitan sa amin ni Mama ay naisipan kong mag-stay sa veranda habang pinangako nya sa akin na sya na daw ang bahalang magpaliwanag kay Papa. Alam ko na sa mga oras na ito ay nabuksan na siguro ni Mama ang usapan tungkol sa akin.
Huminga ako ng malalim habang pinagsawa ang paningin sa paligid. Papalubog na ang araw at muling lumipad ang utak ko sa aking mag-aama. Kapag magka-oras ako mamaya ay gusto kong kasama sila sa dinner. Kahit hindi na magpalipas ng gabi doon kung hindi ako papayagan ng aking mga magulang.
Pero hindi ko naman mapigilan ang sarili na hwag magmaktol sa huling naisip. Nasanay na ako na kasama sa iisang bahay ang dalawa kahit na nga ba halos ilang araw palang ako namalagi sa loob ng kanilang bahay.
"Bakit hindi mo puntahan kung naiisip mo ang iyong anak?" Muntik na akong mahulog mula sa kinauupuan nang marinig ang baritonong boses ni Papa mula sa aking likuran.
"Pa, anong ibig nyong sabihin?" Tuluyan na akong tumayo at marahang hinarap ang aking ama.
"Alam ko na ang totoo."
Halos magkarera ang kaba na biglang umahon sa aking dibdib.
"N-nakwento na ni Mama sa inyo? I'm sorry po Papa!" Naramdaman ko ang panlalamig ng aking kamay habang inabangan ang gagawin ni Papa.
Pero sa hitsura nya ngayon parang hindi naman sya galit. Maaliwalas ang kanyang mukha at nakausli sa bawat sulok ng kanyang mga mata ang labis na pagsisisi at labis na pag-aalala. Ipinilig ko ang ulo. Siguro, namamalik-mata lang ako.
"Hindi ang Mama mo ang nagsabi. Kundi, si Trance Rafaello mismo ang umamin sa akin. Syempre nagalit ako pero nang sabihin nyang malinis naman ang intensyon nya sa'yo ay doon ako napanatag. Ang importante ay pananagutan ka nya."
Napalunok ako ng mariin at napakurap ng ilang beses. Hindi ko mawari kung ano dapat ang mararamdaman ko. Hindi ganito ang inaasahan kong mangyari. Ang akala ko, bulyaw at sapak ang matatanggap ko mula kay Papa.
"Maggayak ka na bago pa magtakip-silim." Utos nya sa akin na mas lalo kong ikinagulat.
Hinakbang ko ang mga paa papalapit sa kanya at sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng maraming taon simula nang mawala si Kuya ay ngayon ko lang nayakap ulit ang sarili kong ama.
"Papa, I'm sorry for everything!" Naluluha kong sinabi.
Marahan nyang tinapik ang aking likod bago nya ako ikinulong sa kanyang dibdib.
"No, Darling...ako dapat ang hihingi ng sorry. Nadala ako ng sama ng loob at nawalan ako ng oras para gabayan ka.Malaking pagkakamali ang sisihin ka sa nangyaring aksidente ng pagkamatay ng kapatid mo. Kaya patawad kung naging malupit ako sa'yo. Sa nangyaring ito sa buhay mo ay ako dapat ang sisihin. Kaya patawarin mo ang Papa."
Tuluyan na akong napaiyak habang nakadantay sa kanyang dibdib ang aking pisngi. Hindi ko alam na nakakaantig pala ng puso kapag mismong magulang mo ang hihingi ng tawad sa'yo. Sa wakas narealize na din ni Papa ang kanyang pagkakamali.
*
*
*
Excited akong pumasok sa loob ng bahay nang pagbuksan ako ni Tita Lorna ng pintuan.
"Si Trance po?" Tanong ko kaagad.
"Nasa loob ng sala at may bisita." Maagap nitong sagot.
BINABASA MO ANG
Scratch Heart
Chick-LitIsang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konsensya? Konsensya na habang buhay na manggugulo sa iyong buong pagkatao? May paraan ba para balikan an...