Hindi ko alam kung inspired ba ako o ano. Dahil hindi ko pa naman naranasan yung magkakagusto sa isang lalaki ng sobra.
Basta napaka-hyper ko nang maaga akong nagising kinabukasan. Nagmamadali pa akong nanghilamos at nagsipilyo ng ngipin tapos mabilis din ang kilos nang magbihis ako ng damit pambahay.
Patakbo akong lumabas ng aking kwarto para tunguhin ang kusina. Pero para akong nanlambot nang marating ko ang kusina at nakita na may umuukopa na doon. Balak ko pa naman sanang maghanda ng breakfast pero naunahan na ako ni Trance.
Hindi ko maiwasan na hwag syang hangaan nang eksperto nyang baliktarin ang pancake na hindi ginagamitan ng turner ladle.
Nakaawang pa ang aking bibig sa pagkamangha nang bahagya nya akong lingunin. Nataranta akong napakamot sa batok at marahang ngumiti.
"Hi! Good morning! Uh...may maitutulong pa ba ako?"
Bigla akong naasiwa nang mapansin ko ang pagpasada nya ng paningin sa aking kabuuan. Pinagsisihan ko tuloy kung bakit nagsuot pa ako ng hanging blouse na may katernong above the knee shorts.
"Patapos na din ako dito at kape nalang yung hindi ko naihanda."
Nakahinga ako ng maluwag nang muli nyang ibinalik sa kalan ang paningin.
"Ako nalang ang gagawa." Maagap kong boluntaryo.
Hinakbang ko ang paa para tunguhin yung coffee maker. Nasabi na ito ni Tita Lorna kahapon kaya alam ko na ang gagawin ko.
"Kumusta naman ang pag-aaral ni Thalia Veronica?" Maya-maya ay tanong nya.
"She's good! Fast learner naman sya. Napakatalino ng anak mo." Honest kong sinabi.
Muli ko syang nilingon at naabutan kong bahagya syang napangiti. Bigla tuloy kumalma ang aking pakiramdam nang mapansin ang maaliwalas nyang aura.
Ito yata ang unang beses na maayos ang pag-uusap namin nang wala ang presensya ng kanyang anak. Ano kaya ang nakain nito at biglang umayos ang pakikitungo sa akin?
"Panay nga ang pagmamalaki sa'yo. Kesyo nagmana daw sya sa Daddy nya kasi matalino ka...guapo at—" Napakagat ako sa aking labi. Nadulas yata ang aking dila dahil pati kaguapuhan nito ay nabanggit ko. Haist! Ano ba, Quinn!!
"At?" Nakataas kilay nitong sambit habang naglalaro sa mga labi ang mapanglokong ngiti.
Inirapan ko sya bago itinuon sa ginagawa ang atensyon.
"Ano pa ang sinabi nya?" Napakislot ako nang lumapit sya sa kinatatayuan ko.
Napahiya naman ako sa sarili nang makita kong nilagay nya sa sink ang maliit na kawali na pinaglutuan nya ng pancake. Akala ko pa naman ako ang pakay nya! Tss.
"Mapagmahal daw at mayabang!" Of course! Galing na sa akin yung panghuli.
"Mayabang?" Humalakhak sya bago humarap sa akin.
"Mayabang ka naman talaga!" Inis kong sinabi. Bakit ba sya tumatawa?
"You think so? Sabi ba ng anak ko? O, iyon ang tingin mo sa akin?"
Napaatras ako nang hakbangin nya ang pagitan namin.
"A-anong ginagawa mo?" Nauutal kong tanong.
Kaagad kong iniwas ang aking mukha nang maramdaman ko ang balak nyang paghawak sa aking baba. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang kaba gawa ng paghaharumintado ng aking puso.
BINABASA MO ANG
Scratch Heart
ChickLitIsang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konsensya? Konsensya na habang buhay na manggugulo sa iyong buong pagkatao? May paraan ba para balikan an...