Eleven

2.8K 85 1
                                    

Sa unang gabi ng pagtungtong ko dito sa loob ng pamamahay ng pamilyang Rafaello ay lalong hindi nagpatahimik sa akin.

Nakatutok ako sa kisame habang nakatihaya ng higa dito sa malambot na kama at gising na gising ang ulirat. Buong araw palang ako dito ay marami na ang nangyari.

Iniisip ko pa ang hakbang kung paano ko kukulitin sa pagtatanong si Trance. Kanina, napansin ko na parang inilalayo nya ako kay Tita Lorna. Nag-insist kasi ako na tumulong sa paghuhugas ng mga pinagkainan pero hindi ako pinayagan ni Trance. Parang nararamdaman ko na wala yata akong makukuhang impormasyon mula sa Ginang lalo na at faithful ito sa amo.

Nagulantang ako sa lakas ng ingay na nagmumula sa aking cellphone nang bigla itong tumunog. Sino kaya itong tumatawag sa ganitong oras?


Umusog ako para maabot ang cellphone na nakapatong sa bedside table. Napanguso pa ako nang mabasa ang pangalan na rumehistro sa screen ng aking phone.


Mama's calling....

"Hello, Ma?" Bungad ko kay Mama. Anong nangyari at napatawag sya sa ganitong oras?


"Quinn Lorenza, nasaan ka? Kararating lang namin ng Papa mo at sinabi kaagad ni Manang na umalis ka at may dala-dalang bag. Maglalayas ka na naman ba? Anak, hindi ka na ba napapagod sa ganyang klase ng buhay mo?"

Napalunok ako ng mariin buhat sa narinig. Mukhang marunong na yatang mangialam ang mga magulang ko sa buhay ko, ah! Great! Atleast, may pakialam na pala sila sa akin hindi katulad noon.



"Ma, hindi ako naglayas. Nagkataon lang na nakahanap ako ng matinong trabaho." Maagap kong sagot.


"Matinong trabaho? Anak, naghihintay sa'yo ang kompanya natin. At saka kung ayaw mo doon welcome ka naman sa pribadong paaralan na pag-aari ng pamilya natin kaya bakit kailangan mo pang magtrabaho sa iba?"Palatak ni Mama.


"Ma, alam mo naman na hindi pa ako handa. At saka masaya ako sa trabaho ko ngayon kaya ipanatag mo ang iyong kalooban. Magtitino na talaga ako, pangako!" Narinig ko ang paghinga nya ng malalim.


"Sige, para namang hindi pa ako nasanay sa katigasan ng ulo mo. Basta mag-ingat ka!" Nababanaag ang pag-aalala sa kanyang boses.


"Opo...kayo din Ma lagi kayong mag-iingat ni Papa. Uuwi din naman ako kapag magkaroon ng oras."


Napabuga ako ng hangin bago muling inilapag sa ibabaw ng bedside table ang hawak na cellphone.

Muli akong umayos sa pagkakahiga at pinilit ang sarili para makatulog. Pero talagang hindi ako dinadalaw ng antok. Pabiling-baliktad ako sa ibabaw ng kama at nanatiling dilat ang mga mata. Siguro namamahay lang ako.


Nang mainip sa ginagawa ay marahas akong bumalikwas ng bangon. Bumaba ako mula sa kama at tuloy-tuloy sa may pintuan. Binaybay ko ang daan papuntang kusina para sana uminom ng tubig.

Hindi ko na binuksan ang ilaw sa kusina nang makapasok ako doon dahil naaaninag ko naman ang malaking refrigerator gawa ng dim light na nagmumula sa hallway.

Dere-deretso ang lakad ko pero kamuntikan na akong mapasigaw nang mapansin ang isang malaking bulto na bahagyang gumalaw. Nakasandal sya sa may counter table na kung saan ay malapit lang sa kinaroroonan ng higanteng ref.

Kakaripas na sana ako ng takbo papalabas ng kusina para maiwasan sya pero naisip ko din naman na masyado na akong obvious kapag ginawa ko iyon. Nagpatuloy ako sa paghakbang at inignora ang kanyang presensya.


Nakakainis! Kung bakit kasi dyan pa sya pumwesto! Kailangan ko pang dumaan sa harapan nya bago ko marating ang kinaroroonan ng ref.


Nagtuloy-tuloy ako sa paghakbang kahit na nga ba ay halos nanginginig na ang magkabila kong tuhod gawa ng pagsunod ng kanyang paningin sa akin.


Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay malampasan ko ang kanyang pwesto pero halos mapatili ako sa gulat nang hindi ko pa nga nahahawakan ang pintuan ng ref ay naramdaman ko na lamang ang paghuli ng kanyang matitigas na braso palibot sa aking baywang.


Marahas nya akong hinila paharap sa kanya at mahigpit na ikinulong sa kanyang dibdib. Hindi ako makakilos sapagkat pati kamay ko ay nakaipit ng matitigas nyang braso.


Sinubukan kong gumalaw pero mas lalo lang akong nadidiin sa kanyang katawan. Ramdam na ramdam ko kung gaano sya katikas at wala man lang akong naramdaman na malambot sa kanyang pangangatawan. His body is hard as a rock! Damn!

Mas lalo akong natilihan nang maramdaman ko ang pamumukol ng malaking bagay sa kanyang harapan. Ano iyon? Ito na ba iyon? Yung sinasabi ni Mica na dapat kong ingatan para iwasan?

Halos tumindig ang lahat ng balahibo sa aking katawan nang agarang lumakbay ang malaswang pagnanasa sa aking utak! Ang bruha kong kaibigan at kung anu-ano pa kasi ang itinanim nya sa aking utak! Kaya ito na yung epekto sa akin!


Sinubukan kong tumingala pero muli kong naiwas ang aking mukha nang dumikit sa tuktok ng aking noo ang kanyang mainit na labi. Nakayuko pala sya at mapanganib akong sinusuri.


"Napaghandaan mo bang mabuti bago mo naisipang ma-involve sa buhay naming mag-aama?" Malalim ang kanyang boses at halatang pinipilit ang pagpipigil na hwag magalit.

Sabi ko na nga ba at naghahanap lang sya ng tamang pagkakataon para ma-corner nya ako! Kasi hindi nya ako mapagsabihan kapag nasa harapan namin si Thalia Veronica.

Teka...may sasabihin lang naman pala sya at bakit kailangan pa nya akong ikulong sa kanyang katawan? Mas lalo lang akong hindi nakakaintindi kapag sa ganitong paraan nya ako pagsasabihan.


"Kung ang pagpunta mo dito ay para gamitin ang aking anak para sa sarili mong interest pakiusap umalis ka na! Hwag mong saktan ang damdamin ng anak ko. Habang hindi pa nahuhulog ng husto ang kanyang kalooban, layuan mo na sya!"


Napalunok ako ng mariin at biglang na-empty ang utak. Nag-ipon ako ng lakas para makahanap ng magandang sagot. Hindi ako pwedeng magpapatalo sa kanya!


"Sabihin mo muna sa akin kung saan ko matatagpuan ang anak ko!"

Napasinghap ako nang humigpit pa lalo ang pagpulupot ng kanyang matitigas na braso sa aking katawan. Pakiramdam ko ay madudurog ako sa lakas ng kanyang pwersa.

"Ano ang gagawin mo kapag nahanap mo na sya?" Mariin nyang tanong.

"Kusa akong magpakalayo. Makita ko lang na nasa maayos ang kanyang kalagayan ay mapapanatag na ang aking kalooban. Nangako ako na hindi ako manggugulo, Trance!" Oh well...iyon ay kung hindi magbabago ang aking plano kapag nakita ko na sya!


"Kung hindi ka aalis ngayon baka pagsisisihan mo itong disisyong ginawa mo! Binabalaan kita, Quinn Lorenza... sinasabi ko sa'yo baka hindi ka na makakalabas mula sa buhay namin! Kaya habang maaga pa, umalis ka na!"

Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto nyang ipahiwatig. Bakit hindi ako makakalabas mula sa buhay nila?


"Hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung nasaan ang anak ko!" Matapang ko paring sinabi.


***

Scratch HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon