Thirty-three

3.3K 69 2
                                    

Unang nagising si Trance kinabukasan. Siguro kabisado na nya ang oras ng kanyang gising dahil sa daily routine nya kapag working days.


Naalimpungatan lang ako sa pagtulog nang maramdaman ko ang mumunting halik sa aking leeg paakyat sa pisngi. Marahan kong iminulat ang mga mata at ganoon na lamang ang biglang pagsikdo ng kaba sa aking dibdib nang mabungaran ang makisig at maaliwalas na mukha ni Trance.

Kailangan ba talaga na kiligin pa ako sa ganitong edad ko? At saka may edad na si Trance kumpara sa akin pero bakit pakiramdam ko ay parang bumalik kami sa pagka-adolescent?


"Fuck! Nakakatamad bumangon... parang ayokong pumasok ngayong araw." Sabi nya sa paos na boses.

Kahit inaantok pa ay nagawa ko pa ding ngumisi. Hinipo ko ang kanyang pisngi bago iyon pinanggigilan.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko! Hwag kang ganyan, Trance! May papag-aralin ka pa..."

Humalakhak sya bago ako pinupog ng halik sa mukha. Maagap kong inilayo ang aking mukha nang hulihin nya ang aking labi.

"Quinn,ano ba!" Gigil nyang sinabi nang hindi nya madampian ng halik ang aking labi.

"Ayoko, hindi pa ako nakapagmumog!" Sagot ko habang nakapilig ang ulo.

Muli syang humalakhak bago nya sinalikop ang aking katawan. Sa mabilis na kilos ay namalayan ko na lamang na nasa ibabaw na nya ako. Napakurap-kurap pa ako habang mariing nakatitig sa kanyang mga mata.

"I don't care kung nakapagmumog ka man o hindi. Walang makapagpigil sa akin kung gusto kitang halikan." Malambing nyang sinabi bago tinawid ang pagitan ng aming mukha.


Isiniksik ko sa kanyang dibdib ang aking mukha matapos nya akong halikan. Gusto kong ikubli ang namumula kong mukha. God! Yung puso ko nagwawala na sa sobrang kilig!


Ipinalibot nya ang matitigas na braso sa aking katawan bago nya ako niyakap ng mahigpit.

"Any plans for today?" Maya-maya ay tanong nya.


"Mmm...magre-review kami ni Thalia mamaya tapos susunduin ko si Mama at dadalhin dito. Gusto daw nyang makasama ang kanyang apo. Okay lang ba?" Napakagat ako sa aking labi.


"Of course! Nasisiguro kong matutuwa ang anak natin kapag dadalaw dito ang Lola nya." Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang kanyang pagsang-ayon.




Katulad ng napagplanuhan ay kaagad kaming naging abala sa pag-aaral ni Thalia Veronica pagkaalis ng kanyang Daddy sa bahay. Ilang oras din ang ginugol namin sa pagre-review.


Nang makapagpahinga ay tumulong ulit ako kay Tita Lorna sa paghahanda ng lunch para sa aming tatlo. Nagkaroon din kami ng oras para maglaro ng table tennis ni Thalia Veronica pagkatapos ng pananghalian.

At sa wakas ay dumating na yung oras para magpaalam ako saglit. Balak kong surpresahin ang aking anak kaya hindi ko sinabi kung saan ako pupunta.


Hindi naman kalayuan ang bahay namin mula rito kaya tatlumpong  minuto lang ang lumipas ay nakabalik na ako kaagad, kasama si Mama.


Natagpuan kong nakaupo sa balcony si Thalia Veronica habang nakapangalumbaba. Kitang-kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata nang matanaw kung sino ang nasa likuran ko.


"Grandma?" Kaagad syang napatayo mula sa kinauupuan at excited nyang sinalubong si Mama.

"Grandma! You're here..." Hindi maikukubli ang tuwa mula sa kanyang boses.


Scratch HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon