Nakatulala ako habang nakatutok ang mata sa mug ng kape na nasa harapan ko ngayon. Tinanghali na ako ng gising kaya naman ay hindi ko na nakasama sa breakfast ang mag-aama na labis kong pinagpasalamat.
Bumalik daw sa kanyang kwarto si Thalia Veronica habang hinihintay ang aking paggising samantalang maaga namang umalis ng bahay si Trance para pumunta sa hospital.
Huminga ako ng malalim bago iwinaksi sa isip ang nangyaring engkwentro sa pagitan namin ni Trance kagabi. Yung mainit na sagutan namin at yung mainit na pakiramdam gawa ng kanyang—
Ipinilig ko ang ulo at itinuon nalang sa pag-inom ng kape ang atensyon. Hindi na kasi ako kumain dahil magla-lunch na kaya nagkape nalang ako habang inaantay ang oras ng pananghalian.
Aakyatin ko nalang sa kanyang kwarto si Thalia Veronica mamaya at sabihin kung anong oras kami magsisimula sa pag-aaral. Mas maigi kung pagkatapos ng lunch kasi that time hindi na maalanganin sa oras.
"Teacher Lorenza, marunong ka bang magluto?"
Napalingon ako kay Tita Lorna na kasalukuyang naghahanda ng mga rekado para sa lulutuin. Nasa loob kasi ako ng kusina sa kasalukuyan at dito na balak naupo para uminom ng kape.
"Mmm...hindi po gaano Tita Lorna, mayroon kasi kaming tagaluto sa bahay. Bakit nyo po naitanong?" Maang kong tanong.
"Eh, uuwi kasi ako sa amin mamayang hapon at ikaw na muna ang bahala kay Thalia Veronica. Kaya kung pwede sana ipagluto mo na rin ng dinner ang mag-aama mamaya. Si Sir Rafaello kasi hindi mahilig kumain ng pagkain galing sa labas? Pwera nalang kung lumalabas sila ng anak nya at sa mamamahaling restaurant kakain." Mahaba nitong paliwanag.
Napakagat ako sa aking labi habang nag-iisip ng maisasagot.
"Kailan po ang balik ninyo?" Naisipan kong itanong.
"Dalawang araw akong mawawala, hijah."
Napatango-tango ako at nahulog na naman sa malalim na pag-iisip.
"Sige po, susubukan kong magluto. Isulat nyo nalang kung ano ang lulutuin ko. I mean yung procedure at mga ingredients na kakailanganin? Kung ayos lang naman sa inyo." Napakagat ako sa aking labi at bigla nalang lumukob ang kakaibang excitement sa aking dibdib.
Yes! Kakaibang adventure ito!! Tili ko sa isip.
"Okay, hindi naman mahirap lutuin ang pagkain na paborito ni Sir. At saka hwag mo nga palang kalimutan na maglaga ng itlog, ha? Hindi kasi kumakain si Thalia Veronica kapag walang nakahain na itlog." Pahabol nitong sabi.
Napahawak ako sa aking batok bago muling nagsalita.
"Ako rin naman po Tita Lorna. Hindi kompleto ang pagkain ko kapag walang boiled egg." Nakangisi kong saad.
Humakbang sya papalapit sa aking kinauupuan at mataman akong tinitigan.
"Magkapareho pala kayo ni Thalia Veronica ng gusto. At saka napansin ko na—"
Kinabahan ako sa huli nyang sinabi.
"Na ano po?"Naaatat kong tanong.
"Ah, wala...wala... ilang taon ka na nga pala, hijah?" Pag-iiba nya sa usapan.
Bumagsak ang aking balikat nang hindi na nya itinuloy ang sasabihin.
"Twenty-six po." Tinatamad kong sagot.
Napatango-tango sya at muling inasikaso ang iniwang gawain kanina.
Katulad ng napagplanuhan ko ay kaagad ko ng sinimulan ang pagiging tutor kay Thalia Veronica pagkatapos naming kumain ng lunch.
BINABASA MO ANG
Scratch Heart
ChickLitIsang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konsensya? Konsensya na habang buhay na manggugulo sa iyong buong pagkatao? May paraan ba para balikan an...