One

5.9K 99 0
                                    

Quinn Lorenza's POV


Sampung taon ang lumipas...



Hawak ng mahigpit ang manibela ay halos hindi na rin ako humihinga habang mabilis na pinapatakbo ang sport-car na kinalululanan ko. Sa di kalayuan ay naaaninag ko na ang pagwagayway ng flag sa may finishing line.

Ilang metro na lang ang layo ay siguradong mangunguna na ako sa car racing na sinalihan ko. Pero iyon ang inakala ko. Sa buong atensyon na ibinigay ko para mapatuon sa right lane ay bigla nalang nabulabog nang umalingawngaw sa aking pandinig ang malakas na iyak ng sanggol.


Ipinilig ko ang ulo para makapag-concentrate sa mabilis na pagdi-drive pero huli na ang lahat bago ko naapakan ang brake ay namalayan ko nalang ang biglang pagtagilid ng sport-car na sinasakyan ko. Ipinikit ko ang mga mata at bago pa ako nawalan ng malay dahil sa malakas na pagkabagok ng aking ulo ay hindi parin nawala sa aking pandinig ang malakas na iyak ng sanggol na iyon.

'Anak, patahimikin mo na ako! Sampung taon na ang lumipas at sampung taon na din ang pagiging miserable ng buhay ko.'




Sa muling pagmulat ng aking mga mata ay namalayan ko na lamang na nasa loob ako ng puting silid. Napakurap-kurap ako at bahagyang iginalaw ang aking ulo. Inangat ko ang aking kaliwang kamay para sana hipuin ang nakabenda kong ulo pero napatigil ako nang ma-realize na nakakabit doon ang maliit na tubo na koneksyon para sa dextrose na kinu-consume ng aking katawan sa kasalukuyan.

Ha? Nasaan ako? Bakit ako isinugod dito sa lugar na ayaw ko ng balikan? Ayoko....matagal ko ng kinalimutan ang lugar na ito! Kaya bakit ako nandito? Bakit?


Tuliro ang utak ay bigla nalang akong bumalikwas ng bangon. Kakalasin ko na sana yung karayom na nakatusok sa aking ugat nang-


"Quinn, magdahan-dahan ka naman! Yang sugat mo baka dudugo ulit!"


Mabilis akong napalingon sa kaliwang bahagi ng silid at doon natanaw ko si Mica, ang aking kaibigan na nanenermon sa akin ngayon.


"Sino ang nagsabi na isugod nyo ako dito!?" Sa kanya ko naibunton ang galit ko.


Napansin ko ang kanyang pagkagulat pero kaagad din namang nakabawi. Marahil ay inisip nya na epekto ng gamot kaya ako nagkakaganito.


"Mauubusan ka ng dugo kapag hindi ka kaagad nadala rito." Kalma nyang sagot.


"Pero ayoko sa loob ng hospital! Ayoko Mica!" Naghehestirya parin ako.

Tuluyan ng tumayo ang aking kaibigan at maagap na lumapit sa aking higaan.


"Please, kumalma ka naman! Anong magagawa ko? Kaagad silang tumawag ng ambulance. Alam mo naman pala na ayaw mo sa hospital di sana mas lalo kang nag-ingat para hindi ka naaksidente!" Asar nyang sabi sa akin.


Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Kailangan kong pakalmahin ang aking sarili. Kasalanan ko ito at bakit ko sinisisi sa iba?


"Hindi mo pa siguro natawagan ang parents ko?" Tanong ko nang makabawi.

"Oh! Nakausap ko ang Papa mo while ago. Nasabi ko ang nangyari. Galit na galit sya. I'm sorry, Quinn...hindi ko kasi makontak ang Mama mo kaya sya nalang ang tinawagan ko."


God! Napatingala ako sa kawalan matapos marinig ang kanyang sinabi.


"Bakit napaka-careless mo Mics? Of all people, bakit kay Papa mo pa sinabi?" May kalakip na sumbat sa aking boses.

"I'm sorry, nawala na kasi ako sa sarili ko." Hingi nya kaagad ng paumanhin.

Napatigil lang kami sa pag-uusap nang biglang magbukas ang pintuan at iniluwa noon ang isang nurse kasunod nito ang isang matangkad at makisig na Doctor.

Kapwa kaming natulala ni Mica habang nakatitig sa papalapit na Doctor. But unlike Mica, ako kasi hindi lang natulala kundi na-estatwa na din ako nang mamukhaan ko ang Doctor na ngayon ay nakatayo na sa aking harapan.

With in his serious face pakiramdam ko he act like he don't know me. Isa lang naman ako sa pangkaraniwang pasyente na nakakaharap nya bawat oras.

Pero— ganoon na ba katagal ang sampung taon para hindi nya maalala ang naganap sa akin noon?

Ako nga na halos ilang oras ko lang syang nakita at nakausap ay hindi na sya nawala mula sa aking isip dahil sya lang naman ang nag-iisang tao na tumulong sa akin at nagbigay daan para ipagpatuloy ang mabuhay ng normal.


"Doctor Trance Rafaello?" Sigurado akong sya ito.


Ang pinagkaiba lang sa Trance Rafaello na nakilala ko noon ay mas matured na sya ngayon. Tumangkad at lumaki ang katawan. Pero sa mukha...ganoon parin. He was handsome like the first time i met him!


"Kilala mo?" Bulong sa akin ni Mica.


"Hindi naman gaanong malalim ang sugat. At huminto na din ang pagdurugo mula sa sugat mo. Kapag maubos na ang dextrose na nakakabit sa'yo ay pwede ka ng makauwi." Pormal nyang sinabi.


Napalunok ako ng mariin at ni hindi ko nagawang kumurap habang nakatitig sa kanyang mukha. Nanginginig na ang aking labi dahil sa daming tanong na gusto kong sabihin pero pinigilan ko ang aking sarili.


This is not the right time, Quinn Lorenza. Paalala ko sa sarili.

Baka nakalimutan mo na buo na ang iyong disisyon bago mo nilisan ang hospital na kinasasadlakan mo noon. So, why sudden change of mind now? Dahil ba sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli kayong pinagtagpo ng tao na magiging daan para ayusin ang isang pagkakamali na sumusundot sa iyong konsensya?


Paraan na ba ito ng tadhana para makamit ko ang katahimikan na kaytagal ko ng gustong hanapin sa maraming taon na nagdaan?

Pero sa paanong paraan ko ito sisimulan?



Paano magiging madali ang lahat kung ngayon palang ay nakikita ko na ang malaking pagbabago sa pagkatao ni Doctor Trance Rafaello? Nararamdaman ko ang pagiging cold nya sa akin sa pamamagitan ng bawat titig nya sa akin. Hindi ganito ang titig na inilaan nya para sa akin noon?


Bakit sya nagbago? Hindi ba sya naman ang tumulong sa akin nang walang pag-aalinlangan noong kailangang-kailangan ko ng tulong?

Ni hindi nya ako kilala pero tinulungan nya ako. So, i think....matutulungan parin nya ako— ngayon.

***

Scratch HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon