Seven

2.9K 69 2
                                    

Pinunasan ko muna ng bath towel ang buong katawan bago ko kinuha kay Manang ang dala nitong auditibo. Pagkabigay ni Manang ng telepono sa akin ay kaagad naman itong tumalikod at muli akong naiwang mag-isa dito sa may pool area.


"Yes,hello?" Bungad ko sa aking kaibigan.


"Quinn naman nasaan ka ba? Kanina pa ako tumatawag sa cellphone mo ni hindi mo sinasagot. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo diyan?" Iritang sagot ni Mica.


"Sorry, nasa swimming pool ako. Napatawag ka...may nakalap ka ng balita?" Agaran kong tanong.


"Oh-em-ge! Magkaka-lovelife ka na!"


Nailayo ko ng bahagya ang auditibo mula sa aking tainga dahil sa lakas ng tili ni Mica.


"Mica, ano ba! Nabibingi na ako sa tili mo." Reklamo ko sa kanya.


"Eh kasi naman friend...itong tinatangi mong Doctor na si Trance Rafaello ay thirty-six years old and very much single!" Kinikilig nitong balita sa akin.

"He's still single?" Oh, wait... am i sound interested?

"Biyudo. His wife died five years ago. And he is now five years single!"

Bumagsak ang aking balikat dahil sa narinig. Hindi ko naiwasang mapanguso. Sabagay, imposible naman talaga kung wala pa syang asawa at his age.


"Hindi na sya nag-asawa ulit? Ang tagal na ng limang taon ah!" Kuryuso kong tanong.

"Kung meron man bakit hindi naka-detailed sa info nya? Imposible naman kung sinekreto nya diba? And besides, who cares about the status? Ang importante walang sabit! Kaya go ka na girl! Susuportahan kita!" Humalakhak ito matapos sabihin ang huling kataga.


"Gaga! Yan lang ba ang ibabalita mo?" Nakanguso kong tanong.

"Oh, and also...he had a daughter. Pero hindi baby ha? Malaki na yung bata. Sampung taong gulang na."

Natigilan ako doon. May anak syang babae at sampung taong gulang na? That means na may asawa na sya noong first met naming dalawa. And what a coincidence! Parang kaedad lang naman ng baby ko na iniwan ko sa kanya noon.

Sinalakay ako ng kaba dahil sa naisip. Pero paano kung nagkataon nga na buntis din ang asawa nya sa mga panahon na iyon at who knows kung nasa kabilang silid lang nang manganak ako? Yun ay— kung kapareho ng birthday ng anak ko.


Pero teka— ni hindi ko nga alam kung ano ang kasarian ng anak ko. At kailan ba nangyari iyon? Ni hindi ko na maalala ah!

Napapailing nalang ako sa isip. Kailangan ko ngang kulitin si Trance Rafaello para dito. Mas lalo na akong hindi matatahimik ngayon dahil sa nalaman.


"Thalia Veronica..." Mica trail off.

"Ha?" Labis kong ikinagulat ang pangalan na binanggit nya.

Bakit parang pamilyar sa aking pandinig ang pangalan na yan? Saan ko ba narinig iyon?


"Thalia Veronica ang pangalan ng bata. At sa ngayon ay nangangailangan ito ng tutor."

Nabuhayan ako ng pag-asa dahil sa narinig.

"I-recommend mo ako. I am available for the job." Walang pag-aalinlangan kong sinabi.

Napasinghap si Mica mula sa kabilang linya. Hindi sya kaagad nakasagot. Pilit pa sigurong ina-analyze ang aking sinabi.


"Sigurado ka? Ang kailangan nila ay yung tutor na gustong magstay-in. Sobrang abala kasi itong si Doctor Rafaello kaya minsan ay late na syang nakakauwi sa bahay. So, need nya ng makakasama para sa anak nya." Mahabang eksplenasyon ni Mica.


"Bakit,wala bang yaya yung bata? Or kahit na kasambahay?" Bigla kong natanong.

"Meron naman, pero ang ibig kong sabihin may mga araw kasi na umuuwi sa pamilya nila ang yaya ng bata. Kaya mabuti na yung may ibang tao na titingin sa kanya. Salitan kumbaga."

Hindi ko na tinagalan ang pag-iisip para makapagdisisyon. For now, isa lamang ang sumisiksik sa aking utak. I take this opportunity para mapalapit ako kay Trance Rafaello. Hindi ako titigil hanggat hindi nya nasasabi sa akin kung saan ko mahahanap ang anak ko.


"Its fine with me! Gawan mo ng paraan para matanggap ako bilang tutor ni Thalia Veronica." Pinal kong sabi.


"Oh my God! Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mica.


"Mica, mukha ba akong nagbibiro dito?" Asar kong sabi.


"I mean...ganyan mo kagusto ang Trance na iyon at balak mo pang maging instant Mommy ng anak nya? Friend, gusto lang kitang paalalahanan. Bago ka pumasok sa buhay ng lalaking iyon ay hwag na hwag mong kalilimutan na sitain ang sarili. Remember, biyudo ang lalaking iyon! At alam mo na yung lalaking walang asawa ay mainit iyon! As in mainit, hot! baka mamaya naipagkanulo mo na ang pagkababae mo sa kanya nang walang kahirap-hirap! Naku ha, pahirapan mo muna, noh?"


Nanagis ang aking bagang dahil sa pang-aasar ng aking kaibigan. Nakadagdag pa sa inis ko ay yung malakas nyang tawa mula sa kabilang linya.


"Tumigil ka nga! Yang utak mo kung saan-saan na naman napupunta. Para malaman mo, trabaho ang ipupunta ko doon at hindi para makipag-flirt sa lalaking iyon!" Haist! Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng madaldal na kaibigan!


Dahil sa kadaldalan nya kasi ay napapaisip ako at nai-imagine ko yung sinasabi nya!


Katulad nalang... what feels like kapag kahalikan ko si Trance? O,kayakap kaya? O, kapag nasa ilalim nya ako?


What the— fuck am i thinking?



***

Scratch HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon