Nag-aalalang mukha ni Mama ang bumungad sa pintuan ng kusina pagkalabas ni Thalia Veronica mula roon.
"Anong nangyari kay Thalia Veronica?" Nagtatakang tanong nya.
"Ma, anong sinabi nyo sa bata?" Kunot-noo kong tanong.
"Wala naman, pinuna ko lang yung larawan doon sa picture frame sabi ko bakit ibang babae ang kasama nila sa larawan? Bakit hindi ikaw? Eh, ikaw naman yung totoong Mommy nya?"
Kaagad kong nasapo ang noo dahil sa narinig.
"Ma, hindi ba naikwento ni Papa sa'yo ang totoo?"
Kumunot ang noo ni Mama bago sumagot.
"Wala namang naikwento sa akin ang Papa mo. Ang sabi nya lang ay alam na nya ang totoo at ipinagtapat iyon ni Trance sa kanya. Bakit, mayroon pa bang kwento bukod doon?"
Huminga ako ng malalim at maagap na pinaglipat ang paningin sa kanilang dalawa ni Tita Lorna.
"Biyudo si Trance,Ma. At yung babae na nakita mo sa picture frame. Si Veronica iyon. Ang kinalakihang ina ni Thalia. Katunayan nyan ay hindi pa namin naipagtapat sa bata ang totoo. Hindi nya alam na ako ang totoo nyang ina."
"Oh my God!" Napahawak sa kanyang bibig si Mama.
"Dito na muna kayo at aakyatin ko si Thalia Veronica. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya." Kaagad kong sinabi bago tinungo ang pintuan.
Habang inaakyat ang hagdan ay hindi ko mapigilan ang hwag kabahan. Paano kung itatakwil ako ng aking anak? Paano kung kamumuhian nya ako? Mapapatawad nya pa kaya ako?
Marahan kong binuksan ang pintuan ng kanyang silid nang mapatapat ako doon. Laking pasasalamat ko nang mapagtantong hindi naka-lock iyon.
Lumipad kaagad sa ibabaw ng kama ang aking paningin at nakita kong nakatalukbong ng kumot si Thalia Veronica habang nakatunghay sa labas ng kumot ang dalawa na malalaking teddy bear nya.
"Thalia, anak..." My voice is almost broke. "I'm sorry," Hinakbang ko ang pagitan ng higaan at marahan akong naupo sa gilid ng kama.
"I'm sorry kung naging duwag ang Mommy? Nag-iipon pa kasi ako ng lakas ng loob at naghahanap ng magandang tiyempo para ipagtapat sa'yo ang totoo. Hindi ko napaghandaan na matutuklasan mo pa sa ganitong paraan." Napalunok ako ng mariin habang unti-unti ng namumuo ang mga butil ng luha sa bawat sulok ng aking mga mata.
"Naalala mo yung alamat na kinwento ko sa'yo tungkol sa prinsesa? Totoo iyon,anak! Ako yung prinsesa na tinutukoy ko sa kwento. Hindi ba sinabi mo na maiintindihan mo yung prinsesa? Na mapapatawad mo sya? Basta ang mahalaga ay mahal na mahal ka nya at pinagsisihan nya ang pagkakamaling nagawa nya? Anak, kung maibabalik ko lang ang kahapon ay sana ginawa ko na para lamang maituwid ang mga katangahan at mga pagkakamaling disisyon na nagawa ko." Tuluyan ng kumawala ang maraming luha na tinitimpi ko kanina. Hinayaan kong lumandas iyon pababa sa aking pisngi.
Nagkaroon ako ng pag-asa nang biglang inilabas ni Thalia Veronica ang kanyang ulo mula sa kumot. Napansin ko ang pula at maga nyang mata buhat sa pag-iyak nang magtama ang aming paningin. Parang kinurot ng pinung-pino ang aking puso nang makita ang sakit na nagmumula sa ekspresyon ng kanyang mukha.
"Kung ganoon sino ang tunay kong ama? Ang sabi mo inalagaan ng pirata ang bata at pinalaki ng maayos tapos itinuring na parang tunay na anak?" Pahikbi nyang tanong.
Tumango ako bago sumagot.
"Yung pirata sya ang ama ng bata. Saka lang nalaman ng prinsesa ang totoo nang muli silang magkita at nang matagpuan nya ang kanyang anak. Ipinagtapat sa kanya ng pirata na anak nilang dalawa ang bata. Kaya lang ito nananahimik dahil gusto nyang protektahan ang damdamin ng kanilang anak. Ayaw nyang masaktan ang bata dahil mahal na mahal nya ito kaya mas pinili nyang hwag nalang banggitin ang tungkol sa katotohanan." Marahan kong pinunasan ang bakat ng luha sa aking pisngi habang walang kurap na nakatitig kay Thalia Veronica.
BINABASA MO ANG
Scratch Heart
ChickLitIsang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konsensya? Konsensya na habang buhay na manggugulo sa iyong buong pagkatao? May paraan ba para balikan an...