Twenty-seven

3K 70 1
                                    

Gulat na ekspresyon ni Mica ang bumungad sa akin nang pagbuksan nya ako ng pintuan. Dito kasi ako tumuloy sa kanyang condo nang maisipan kong umalis mula sa bahay ni Trance Rafaello.


"Quinn, anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan ang hitsura mo? At bakit napasugod ka dito sa ganitong oras?" Sunod-sunod na tanong nya.

Kaagad ko syang niyakap at humagulgol ako ng iyak sa kanyang balikat.

"Oh? What happened ba? Sinaktan ka ng Papa mo? Pinalayas ka ni Trance? Ano?" Pangungulit ng aking kaibigan.

Umiling ako bago pinunasan ang luha na lumandas sa aking pisngi.

"Hindi ako pinalayas, kusa akong umalis!" Sumbong ko sa kanya.

"Ha? Pero bakit?" Tanong nya bago ako iginiya sa maliit na sala.

"Kailangan ko ng space. Ayoko munang makita si Trance." Nanghihina kong sinabi.

Sabay kaming naupo sa mahabang sofa.

"So, nag-away kayo?" Kunot-noo na tanong ni Mica.

Natahimik ako at bumunot ng tissue para punasan ang aking mata pati na rin ang ilong.


"Okay, kumalma ka muna. Magkwento ka kapag maayos ka na. Nandito lang ako para labasan ng sama ng loob." Hinawakan nya ang aking kamay bago marahan na pinisil iyon.

Mahabang katahimikan din ang namagitan sa amin ni Mica. Hinayaan nya akong lumuha at nang gumaan ang pakiramdam ay doon lang ako nagdisisyon na magkwento. Siguro makakatulong nga ang pagsasabi sa kanya ng aking saloobin para gumaan ang aking dibdib.


"Mica, Naalala mo noong huling party na dinaluhan natin ten years ago? Doon sa bahay nila Reevan?" Panimula ko.


Bahagyang napangisi ang aking kaibigan. Naalala siguro ang kalokohan na ginawa naming dalawa ng mga panahon na iyon.


"Of course! Sino ang makakalimot noon? Nagnakaw tayo ng inumin para lang matikman kung ano ang lasa tapos hindi natin napaghandaan yung epekto sa atin. Grabe kalasingan natin noon." Tuluyan ng humalakhak ang aking kaibigan.


Kung sa ibang pagkakataon ay magagawa ko rin sigurong tumawa pero sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko magawa.


"Yeah, mabuti nalang at nakauwi ka noon samantalang ako ay na-stranded sa loob ng guest room nila Reevan. Hindi naman kasi ako pwedeng umuwi sa ganoong estado. Alam mo naman kung paano magalit si Papa pagdating sa akin." Patuloy ko sa sinimulan nyang kwento.


"So, bakit natin binabalikan ang mga alaala na iyon? May koneksyon ba sa nangyari sa'yo ngayon?" Bigla syang sumeryoso.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Actually Mica, that time sa sobrang kalasingan ko ay nakatulog ako kaagad. I didn't remember anything. Nagising nalang ako kinabukasan na balot na balot ng kumot at mahapdi ang pagitan ng hita. At saka natagpuan ko si Reevan na katabi ko sa kama at mahimbing na natutulog." Napakagat ako sa aking labi at iniwas mula kay Mica ang paningin.

"What? Hwag mong sabihin na may nangyari sa inyong dalawa? Gagong iyon, ah! Hwag na hwag syang magpapakita sa akin at talagang uupukan ko sya!" Nag-hysterical kaagad si Mica.

"Iyan din ang inisip ko sa loob ng sampung taon. Ang dahilan kung bakit nagagalit ako sa kanya. Akala ko tinakasan nya ang obligasyon nya sa akin. Kasi Mica, nagbunga ang nangyari sa akin nang gabing iyon pero inilihim ko iyon sa lahat. Kahit sa mga magulang ko. Kaya nga hindi muna ako nag-aral sa unang taon sa kolehiyo dahil buntis ako sa mga panahon na iyon, Mica..."


Scratch HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon