Twenty-four

3.1K 80 2
                                    

Hindi ko matantya kung ilang oras lang ang naging tulog ko basta nagising nalang ako na madilim pa ang loob ng kwarto.


Marahan kong kinapa ang kamay ni Trance na nakayakap sa aking katawan bago ko dahan-dahan iyon binaklas. Nakahinga ako ng maluwag nang matagumpay akong nakawala mula sa kanyang bisig na hindi man lang sya nagising.

Bumaba ako mula sa kama at marahang tinungo ang pintuan. Mabilis kong binaybay ang daan patungong kwarto ni Thalia Veronica.


Nang makapasok sa loob ng silid ay dahan-dahan akong nahiga sa ibabaw ng kanyang kama matapos sumuot sa loob ng kanyang comforter. Inaninag ko ang kanyang mukha at marahan ko syang kinintalan ng halik sa kanyang noo bago ako muling hinila ng antok.


"I love you, baby." Sabi ko bago ako tuluyang nakatulog.



Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata kinaumagahan. Napakurap-kurap pa ako nang bumungad sa aking paningin ang kulay pink na silid.

Kaagad akong napalingon sa kabilang bahagi ng kama at napansin doon ang dalawang malalaking teddy bear na maayos na nakaupo at nakatunghay sa akin. Ang nagsisilbing tagabantay ko. Kulang nalang ay kalabitin ako at sabihing gumising na dahil ang nagmamay-ari sa mga ito ay kanina pa nagising. Wala na si higaan si Thalia Veronica.


Sumilay ang ngiti sa aking labi at marahang nag-inat. Mukhang ang ganda yata ng gising ko. Napakagaan kasi ng pakiramdam ko. Nawala na yung mabigat na nakadagan sa aking dibdib na dala-dala sa loob ng maraming taon.

Nagpasya na akong bumangon at balak bumaba papunta sa aking kwarto. Nasaan na kaya ang anak ko?Bago tinungo ang hagdan ay maagap ko pang nilingon ang mahabang pasilyo papunta sa kwarto ni Trance. Nagising na kaya ang isang iyon? Mga anong oras na kami nakatulog kagabi. Mabuti nalang at wala syang pasok ngayong araw.


Paika-ika akong naglakad habang inisa-isang hakbangin ang baitang ng hagdan. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit at hapdi na nagmumula sa pagitan ng aking hita. Napanguso ako dahil sa naisip. Walang patawad naman kasi ang lalaking iyon! Sa ayos ko ngayon ay daig ko pa ang babaeng nawalan ng virginity.


Naantala ang aking paghakbang nang matanaw ko sa baba ang nag-aabang na Ginang. Pinamulhan ako ng mukha nang marealize ang aking hitsura. Shit! Ano nalang ang iisipin ni Tita Lorna? Suot ko ang damit ni Trance tapos ni wala akong suot na undies!


"Good morning po!" Kinapalan ko ang aking mukha at nagawa ko pang ngumiti.


Puno ng pagtataka at pagkamaang ang nabanaag ko sa kanyang mukha.

"Nakatulog ako sa kwarto ni Thalia.." Ano ba Quinn? Humihingi ba sya ng paliwanag?

Napakamot ako sa aking batok at hinihintay ang panghuhusga na galing sa kanya.

Marahan syang tumango bago sumagot.

"Nasabi nga nya sa akin. Hindi ka na daw nya ginising dahil ang sarap ng tulog mo."

Nakahinga ako ng maluwag sa nakuhang sagot mula kay Tita Lorna. Oh, anak! Sinagip mo ako sa matinding kahihiyan!


"Magmadali ka na at kanina ka pa hinihintay ng mag-aama. Hindi pa sila nag-aalmusal at sabay na daw kayong tatlo." Paalala nito sa akin.

"Opo, salamat po!" Maagap kong sagot bago tinakbo ang corridor papunta sa aking kwarto.



Pagkatapos kong mag-quick shower ay mabilis kong hinalungkat ang loob ng duffel bag para makapaghanap ng damit na mapagbihisan. Hayyysss, kung alam ko lamang na ganito ang mangyayari ay di sana hindi ko na pinagtatanggal itong gamit ko mula sa lagayan.


Nang makapag-ayos sa sarili ay saka ako lumabas ng kwarto dala-dala ang kaba at excitement sa dibdib. Narinig ko ang tawanan ng mag-aama sa may balcony kaya doon ako tumuloy.


"Hi, good morning! Sorry late ulit..." Bati ko sa dalawa nang marating ko ang bungad ng balcony.


Magkasabay na lumingon ang mag-aama at parehong maaliwalas ang mukha na tumingin sa akin.


"Good morning po, Teacher Lorenz! Ang sarap ng tulog nyo po. Kahit ako nga parang tinatamad pang bumangon kanina kaso itong si Daddy sumilip pa sa kwarto ko kaya bumangon nalang ako at sabay na kaming bumaba." Natatawang paliwanag ng aking anak.


Lumipat kay Trance ang aking paningin at natagpuan kong nakataas ang kanyang kilay habang naglalaro sa labi ang mapang-asar na ngiti. Napanguso ako nang bumalik sa aking balintataw ang kabangisan na ginawa nya kagabi. Oo na, sya na yung well-experienced!


Pareho kaming nagulat ni Thalia Veronica nang hindi inaasahan ang paghambulat ni Trance ng malakas na tawa.


"Daddy, kanina ka pa tumatawa. Are you that happy?" Nagtatakang tanong ng bata sa kanya.

"Yes, Sweetie...masayang-masaya!"

Napairap ako sa kawalan nang marinig ang kanyang sagot. Totoo naman kaya iyan? O, sinabi lang nya dahil ayaw nyang madisappoint si Thalia Veronica?


"Kakain na tayo at may lakad pa tayo ngayong araw." Marahan syang tumayo at inabot ang kamay ng anak para maalalayan nya ito sa pagtayo.


Napakagat ako sa aking labi habang pinapanood ko sila. Paano na-obtain ni Trance ang pagiging Daddy-figure nya para sa anak ko sa loob ng maraming taon?


Magkasunod naming tinungo ang dining area na kung saan kanina pa nakahanda doon ang aming breakfast. Pinaghila muna ni Trance ng upuan si Thalia Veronica bago nya tinungo ang sariling upuan.

Napapaisip pa ako kung saan ako uupo. Pero bumalong ang inis sa aking dibdib nang maalala si Natalie habang inukopa yung pwesto ko noong nakaraang gabi. Kaya imbes na tumabi kay Trance ay napagdisisyunan ko nalang maupo sa tabi ng anak ko.


Nakamaang syang tumitig sa akin habang nakarehistro sa mukha ang pagtataka. Aba, Trance! Hindi porket inalipin mo na ako buong magdamag ay aasahan mo na didikit ako sa'yo ngayon!


"Nakakatuwa! Pakiramdam ko naging kompleto ang pamilya. Simula kasing mawala si Mommy ngayon ko lang naranasan ulit ang pagkakaroon nya ng presensya." Basag ni Thalia Veronica sa katahimikan.


"I can be your Mom, if you want?" Nagulat ako sa kataga na biglang lumabas mula sa aking bibig.

Napalunok ako ng mariin at kasabay ng panlalamig ng aking kamay habang inaantay ang sagot ni Thalia Veronica. Paano kung itatanggi nya ako?


"Talaga po? Kung ganoon okay lang kung Mommy ang itatawag ko sa inyo? Daddy, ayos lang po ba?"


Nakahinga ako ng maluwag nang mabanaag ang excitement sa boses ni Thalia Veronica. Bumaling ako kay Trance habang nag-aabang sa kanyang sagot.


"Anything you want, Sweetie." Nakangiting sagot ni Trance.

Sumilay ang ngiti sa aking labi habang hindi kumukurap na napatitig sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang taos-puso kong pasasalamat sa kanya.


"Mommy!" Napahawak sa aking braso si Thalia Veronica at marahang ipinilig ang ulo sa ibabaw ng aking balikat.

Parang hinaplos ng mainit na kamay ang aking puso. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang mararamdaman ko. Dati ko ng naiisip kung ano ang pakiramdam kapag tatawagin akong Mommy ng anak ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari iyon kaagad.


"Yes, baby..." Marahan kong hinaplos ang kanyang ulo at pakiramdam ko ay mapapaiyak ako nang wala sa oras dahil sa samot-saring nararamdaman.


"You can call me Mommy, whenever you want at hwag na hwag mong babaguhin pa iyon." Sincere kong sabi.


***

Scratch HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon