Six

3K 66 1
                                    

Dahil wala naman akong ibang gagawin buong araw kaya naisipan ko nalang na magtampisaw sa loob ng aming malawak na swimming pool.


Wala sa bahay ang mga magulang ko dahil katulad ng iba ay laging busy sa negosyo. Hindi hinahayaan ni Mama ang aking Ama na mag-isang magpapatakbo sa aming negosyo. Kaya nga, sa edad na twenty-six heto ako at walang pakialam sa family business namin.

Para ano? Nandyan pa naman ang mga magulang ko at parehong malakas pa para palaguin ang pinagkikitaan ng aming pamilya.


Ang pagkawalan ng oras nila sa akin ang dahilan kung bakit nagawa kong magpalaboy-laboy noon. Minsan kasi, laging nasa overseas ang dalawa at may mga panahon na nagtatagal sila doon.


Iyon din ang dahilan kung paano hindi man lang nila napansin ang aking pagdadalantao eleven years ago. Siguro, dahil magaling akong magtago? O, talagang wala silang pakialam sa akin kaya hindi man lang nila napansin kung ano ang pagbabago sa aking sarili?


Ang ipinagpasalamat ko bago naganap ang pangyayaring iyon ay graduated na ako. Kaya naman, sa unang taon sa kolehiyo ay hindi na muna ako nakapag-aral. Pinayagan naman ako ni Mama at Papa dahil sa rason ko na gusto ko munang magpahinga ng isang taon para makapag-focus ng maayos sa pag-aaral sa susunod na taon.


Siguro naintindihan naman nila dahil sa mga naunang taon ay halos puro problema ang kinaharap ng aming pamilya dahil sa matinding trahedya ng pagkamatay ng aking kapatid. Iyon din ang matinding dahilan kung bakit mas gugustuhin pa ng dalawa na laging nasa malayo kaysa manatili sa aming tahanan. Siguro, para makalimot? Iyon ang pagkakamali nila...kasi, sa ginawa nilang iyon— ako ang kanilang napabayaan.

Walang araw na hindi ako binabalot ng kaba habang napapansin ang paglobo ng aking tyan na maagap ko namang naikukubli at sa kabutihang palad ay hindi rin naman iyon napapansin ni Manang. Siguro, dahil hindi naman kami laging naghaharap ni Manang kaya hindi nya napagtutuunan ng pansin ang aking katawan. Lagi kasi akong nakasuot ng girdle kapag lumalabas ng kwarto.


Pero ang hindi ko na kinaya ay ang pagsapit ng araw ng aking panganganak. Gabi noon nang sumakit ang aking tyan. Sa takot na malaman ng aking mga magulang ang tungkol sa pinagdadaanan ko ay ni hindi ko nagawang gisingin si Manang para sabihin ang pananakit ng aking tyan.


Hindi ko rin naman pwedeng gisingin ang family driver namin dahil alam ko kapag ginawa ko iyon ay kaagad na makakarating kila Mama at Papa ang balita.


Wala sa sariling lumabas ako ng gate at binabaybay ang kahabaan ng kalasada habang iniinda ang sobrang pananakit ng aking tyan. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari pagkatapos nito. Sa sobrang kaba, takot at pagkabahala ay wala sa sariling napaluhod nalang ako sa kalagitnaan ng kalsada habang hawak ang aking tyan.


Hinipo ko ang lock ng girdle at marahas na kinalas iyon. Hilam sa luha, naramdaman ko ang panginginig ng aking tuhod. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang tumayo pa para ipagpatuloy ang paglalakad na hindi alam kung saan tutungo.


Nabuhayan ako ng pag-asa nang maaninag ang paghimpil ng isang sasakyan sa aking harapan. Kaagad na tumakbo sa aking kinaroroonan ang may-ari ng sasakyan at maagap akong dinaluhan.


"Miss, are you okay?" Tanong ng isang baritonong boses.


"M-masakit ang tyan ko..." Nasa boses ang aking pagmamakaawa na sana matulungan nya ako.

Kaagad syang nag-squat seat sa aking harapan at walang babalang hinipo ang aking tyan.


"Are you pregnant?" Taranta nyang tanong.

Inangat ko ang mukha at marahang tumango. Hilam sa luha at kasama ang pamumuo ng pawis sa noo dahil sa iniinda kong sakit ay maagap kong hinuli ang paningin noong lalake.

Kitang-kita ko ang pagkagulat na rumihistro sa kanyang mukha nang maaninag nya mula sa ilaw na nagmumula sa sasakyan ang aking hitsura. Ganoon na ba ka-messy ang hitsura ko ngayon para magulat sya ng ganito?


Hindi na sya muling nagsalita pa at mabilis na tumayo bago ako inangat mula sa semento. Kaagad nyang binuksan ang backseat bago ako pinaupo doon.


"Tiisin mo muna okay? Baka nag'la- labor pain ka. Sigurado akong kabuwanan muna." Hindi na ako tumanggi nang hipuin nya ang bilugan kong tyan.


"Bumaba na ang ulo ng bata." Dagdag nya bago isinara ang pintuan at mabilis na umikot para pumunta sa may driver's seat.


"S-saan mo ako dadalhin?" Taranta kong tanong nang tuluyan na nyang paandarin ang sasakyan.


"Don't worry...I'm a doctor. Doctor Trance Rafaello. Malapit lang dito ang hospital na pinaglilingkuran ko. Hwag kang matakot, Ako ang mag-assist sa iyo mamaya. Hindi kita pababayaan."


Ang katagang iyon ang biglang humaplos sa aking puso na kanina na hindi mapakali. Nabuhayan ako ng panibagong lakas para patatagin ang sarili.


"Ano nga pala ang pangalan mo? At bakit nandoon ka sa gitna ng kalye sa ganitong oras?" Muli nyang tanong.


"My name is Quinn Lorenza Decerna and i am s-sixteen years old." Mahina kong sambit.

"Sixteen years old?"Gulat nyang tanong at bahagyang napalingon sa aking kinaroroonan.


Muling bumalong ang maraming luha mula sa aking mga mata. Muli kong naisip kung ano na ang kahihinatnan ng aking buhay pagkatapos ng lahat ng ito. Paano ko haharapin ang mga magulang ko? Kung nagawa kong ikubli sa kanila ang aking pagbubuntis sa maraming buwan na dumaan— sa tingin ko hindi ko na ito magagawa pa kapag nailuwal ko na itong sanggol na nasa sinapupunan ko ngayon!



"N-natatakot ako. My parents didn't know about this. I'm sure my father is getting furious if he found out about my situation. Natatakot ako na baka kung ano ang magagawa nya sa akin at pati na sa bata. I know my father very well." Naluluha kong sumbong sa kanya.


"What are you planning to do, then?" 


Hindi ko alam kung bakit nababanaag ko sa kanyang boses ang sobrang pag-aalala. Pag-aalala para saan? Para sa akin? But— he's just a stranger na ngayon ko lang nakilala. How come na nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman nya?


"I don't know. I— i want to get rid this child—"


"Ni hindi mo pa nailuluwal ang anak mo ay ganyan na ang katagang lumalabas mula sa bibig mo?"  Pagalit nyang sabi na ikinatigil ko.


"P-pero hindi ko kayang panindigan ito! I want to continue my studies and—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang muling sumakit ang aking tyan. Napasigaw ako sa sobrang sakit.


Naramdaman ko ang lalong pagbilis ng pagpapatakbo ni Doctor Rafaello sa sasakyan. Siguro gusto na nyang marating kaagad ang sinabi nyang hospital.


"D-Doctor, ikaw na ang bahala sa anak ko kapag nalampasan ko ang hirap na pinagdadaanan kong ito. Ikaw na ang bahalang magdisisyon para sa kanya."


Napaawang ang kanyang bibig nang muli nya akong lingunin. Hindi makapaniwala sa narinig.


"Are you sure?" Hindi makapaniwala nyang tanong.


"Yeah!" Sagot ko bago ipinikit ang mga mata.






"Miss Lorenza!"

Malakas na tawag ni Manang ang nagpabalik sa aking alaala sa kasalukuyan.


"Telepono po para sa inyo. Nasa kabilang linya ang kaibigan mo at gusto kang makausap." Balita nya sa akin.


Umalsa ang aking puso nang marinig ang sinabi ni Manang. May impormasyon na nakalap na kaya si Mica?


Mabilis kong nilangoy ang hagdan sa gilid ng pool para makaahon. Sana, may kabuluhan ang ibabalita sa akin ni Mica.


***

Scratch HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon