Hindi ako tumanggi nang maglambing sa akin si Thalia Veronica na maglaro kami ng table tennis. Ginugol namin sa loob ng playground ang oras sa panghapon habang inaantay ang pagdating ni Trance sa bahay.
Nang mapagod ay saka kami nagdisisyon na umakyat na para makapagpahinga at makapagbihis na din dahil pareho kaming pawisan buhat sa paglalaro.
Nagtatawanan pa kaming dalawa habang binabaybay ang malawak na bulwagan. Pero pareho kaming naantala nang matanaw ang isang babae na lumabas mula sa living room.
"Hi, Sweetie!" Masiglang bati nito kay Thalia Veronica.
Humalukipkip si Thalia Veronica at binigyan ng matalim na tingin yung babae na ngayon ay nasa harapan na naming dalawa.
"Daddy ko lang ang tumatawag sa akin ng ganyan." Mataray nyang sagot.
"Oh, I'm sorry...oo nga pala nakalimutan ko." Mapakla itong tumawa bago nya ako binalingan.
Nang mapansin kong nakasimangot si Thalia Veronica ay gumaya din ako. Sinimangutan ko yung babae at nakataas pa ang noo habang pinasadahan sya ng mapanghusgang tingin.
Infairness, maganda sya pero hindi naman sya ganoon katangkad. Mula sa pananalita at sa kanyang kilos ay nababanaag ang kahinhinan nya. Pero teka...may mahinhin ba na sumasama sa bahay ng isang lalaking biyudo? Aba!
Tinaasan ko sya ng kilay. Ipinagmamalaki na ako ang gusto ng anak na nagmamay-ari ng bahay na ito!
"Hi, I'm Natalie!" Pakilala nya sa akin sabay abot ng kamay para makipag-shake-hand sa akin.
Pakialam ko kung Natalie ang pangalan mo! Sinundan ko ng paningin ang nakaambang nyang kamay. Wala sana akong balak na tanggapin iyon kaya lang nadistract ako nang marinig ang mga footstep na pababa sa hagdan. Kahit hindi na ako lumingon alam ko kung sino ang bumababa.
Sumilay ang pekeng ngiti mula sa aking labi bago in-stretch ang sariling braso.
"Quinn Lorenza." Mahina kong sinabi.
"Daddy!" Tinakbo ni Thalia Veronica ang pagitan nila ng kanyang ama bago nya ito niyakap.
Mabilis kong binawi ang aking kamay at ni hindi ko nagawang tapunan ng paningin si Trance na ngayon ay kayakap ang anak. Nagngingitngit ang aking kalooban sa hindi ko alam na kadahilanan.
"Pinuntahan kita sa room mo at wala ka doon." Narinig kong sabi ni Trance.
"Nasa playground kami ni Teacher Lorenz at naglalaro ng table tennis, Daddy!" Maagap namang sagot ng bata.
Nang marinig kong nagpaalam na si Thalia Veronica para umakyat ay hindi na rin ako nag-aksaya ng oras para magmatagal pa doon. Mabilis akong nagmartsa papunta sa aking silid na hindi man lang nilingon si Trance.
Pabagsak kong isinara ang pintuan bago sumandal doon. Tumingala ako at marahang hinawakan ang sariling dibdib. Bakit, sumisikip ang paghinga ko?
Ano ba kasi ang inaasahan ko? Na porket gusto ako ng anak nya ay maaaring magugustuhan na din nya ako?
Hayyy...huminahon ka Quinn!
Matapos maligo ay inabala ko ang sarili sa paghahanap ng maisusuot. Binalikan ko sa isip ang suot ng babae kanina. Naka- pant style formal dress sya. So, ganoon pala ang gustso ni Trance sa isang babae.
Pwes, makikita nya ang hinahanap nya! Mabilis kong tinanggal ang maikling dress mula sa sabitan nito at malaya iyong isinuot. Sumilay ang pilyang ngiti mula sa aking labi habang pinapasadahan ng paningin ang kabuuan mula sa harapan ng full-length mirror.
BINABASA MO ANG
Scratch Heart
ChickLitIsang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konsensya? Konsensya na habang buhay na manggugulo sa iyong buong pagkatao? May paraan ba para balikan an...