Eight

2.8K 65 1
                                    

Malaya kong ipinarada sa malawak na garahe ang aking kotse nang pagbuksan ako ni Manong guard ng gate matapos akong magpakilala.


Huminga ako ng malalim para mag-ipon ng lakas ng loob bago tuluyang lumabas ng sasakyan habang bitbit ang isang di kalakihang duffel bag na naglalaman ng mga personal kong gamit na kakailanganin ko habang manatili ako sa loob ng bahay na pagmamay-ari ni Doctor Trance Rafaello.


Pinindot ko ang doorbell nang mapatapat ako sa may main-door. Ilang minuto ang lumipas ay napansin ko ang biglang pagbukas ng pintuan. Isang nakangiting Ginang ang bumungad sa akin.


"Mica Rodreges, diba? Yung bagong tutor ni Thalia Veronica?" Pag-confirm nya bago niluwangan ang pintuan.

Malapad akong ngumiti at nagbubunyi ang kalooban nang sa wakas ay nasa loob na ako ng pamamahay ni Trance Rafaello. Mabuti naman at tumalab yung plano. Identity ni Mica ang pinagamit ko sa kanya para matanggap ako. Mabuti naman at nakuha ko sa mahabang eksplenasyon ang aking kaibigan bago pumayag.


Ang ginawa kong rason kung bakit hindi ako tatanggapin ni Trance kapag makilala nya ang aking pangalan ay dahil sa past history ko na nakadalawang beses na akong nagiging pasyente nya at baka matakot na ipagkatiwala nya sa akin ang bata.


I told Mica na ako na ang bahala sa next move ang importante ay ma-hired ako sa pamamagitan ng kanyang pangalan na pinaunlakan naman ng aking kaibigan. At ngayon, heto na nga ako...magsisimula na sa unang misyon.


"Ihahatid na muna kita sa magiging kwarto mo at para mailagay mo doon ang iyong gamit. Aakyatin ko sa kanyang silid si Thalia Veronica mamaya para sabihin na dumating na ang kanyang tutor. Wala pa kasi si Sir. Mamaya pa ang dating nun." Sabi ng Ginang.

Maagap naman akong sumunod sa kanya nang igiya nya ako sa magiging kwarto ko. Nasa kaliwang bahagi ng bahay dito sa first floor ang silid na binuksan nya.


"Ito ang magiging kwarto mo habang nandito ka. Pinalinis na iyan ni Sir noong nakaraang araw. Sabihin mo lang kung mayroon kang hindi nagustuhan, yung kulay ng bedsheet-"


"Ah, maayos na po ito. Siguradong komportable ako dito." Putol ko sa kanyang sasabihin.

Pinatong ko sa mahabang sofa ang duffel bag na dala ko bago inikot sa kabuuan ng silid ang paningin. Hmmm...not bad at all. Mas malaki pa nga ito kaysa sariling kwarto ko sa bahay. Napakagat ako sa aking labi bago binalingan ang Ginang.

"Ano nga pala ang itatawag ko sa inyo?" Naisipan kong itanong.


Sa tingin ko parang mas bata pa nga sya kay Mama.


"Tita Lorna nalang." Nakangiti nyang sagot. "Ako ang yaya ni Thalia Veronica."


"Salamat po Tita Lorna. At sya nga pala, hindi ako si Mica Rodreges...kaibigan ko po sya. Eh, nagkataong may problema sa pamilya kaya pinakiusapan nya ako na ako nalang ang magpe-presenta para sa kanya. Since pareho naman po kami ng skills." Kitang-kita ko ang pag-iba ng reaksyon sa kanyang mukha. Halatang nagulat dahil sa narinig.


"Kung ganoon, alam na ba ito ni Sir Rafaello?" Taranta nyang tanong.


"Infact, magkakilala naman po kami ni Doctor Trance Rafaello kaya walang dapat na ipag-alala doon. I'm Quinn Lorenza Decerna,by the way." I stretched my arm para makipagkamay sa kanya.


Natitigilan man pero nagawa din naman nyang tanggapin ang nakalahad kong palad sa kanyang harapan.


"Sige, aakyatin ko muna si Thalia Veronica para malaman nya na nandito ka na. Kanina ka pa nya hinihintay." Paalam nya sa akin.


Nang makalabas si Tita Lorna ay naisipan kong ayusin nalang muna sa loob ng closet ang laman ng dala kong duffel bag. At habang ginagawa iyon ay hindi ko rin maiwasan ang hwag kabahan. Anong reaksyon ni Trance kapag makita nya ako mamaya?


Mabilis akong natapos sa pag-aayos dahil hindi naman ganoon kadami ang dala kong damit. Its good for ten days, i think?


Tinungo ko ang kama at marahang naupo doon. Nasa ganoon akong ayos nang biglang bumukas ang pintuan ng silid. Kaagad akong napatingin doon at wala sa sariling napatayo nang mamukhaan kung sino ang pumasok sa pintuan.

Saglit kaming nagkatitigan at ganoon na lamang ang matinding kaba na bumalot sa aking dibdib nang mapansin ko ang pagsilay ng magandang ngiti mula sa kanyang labi habang humakbang papalapit sa aking kinaroroonan.


"Diba ikaw yung babae na nakita ko sa market, noong nakaraang araw? Do you remember me? Ibinigay mo sa akin yung pack ng mushroom."


Napalunok ako ng mariin. Sino ang hindi makaalala sa kaganapang iyon? Nagulo nga ang aking isip nang dahil sa maikling pagtatagpo namin sa araw na iyon.


"Ang liit naman talaga ng mundo. This is unbelievable! I'm Quinn Lorenza Decerna and you can call me Teacher Lorenz. Your new tutor." Pakilala ko sa kanya.


"Nasabi na po ni Yaya sa akin. And I'm glad dahil ikaw ang pumalit kay Mica Rodreges. Masaya po ako dahil nagkita tayong muli. To let you know, hindi ko nakalimutan ang araw na iyon. Kaagad kong kinwento kay Daddy yung engkwentro nating dalawa and he told me na sana magkita daw tayo ulit. Imagine that? Nagdilang-anghel ang Daddy ko!" Masaya nyang balita sa akin.


Parang may mainit na kamay na humaplos sa aking puso nang marinig ang kanyang sinabi. Hindi ko maintindihan kung bakit naluluha ako habang tinititigan ko sya. Yung pakiramdam na parang naging kompleto ang buhay mo sa paraan na hindi mo alam?


"Pwede ba kitang— mayakap?" Nahihirapan kong sambit.


"Sure po!" Maagap nyang sagot.

Dahil sa narinig ay hindi na ako naghintay ng isa pang segundo. Kaagad ko syang hinila palapat sa aking dibdib bago ikinulong sa magkabila kong braso. Naramdaman ko ang paglibot ng kanyang maliliit na braso sa aking baywang. Katulad ko, she hugged me back!

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Masyado na ba akong nangungulila sa sarili kong anak? At bakit parang napakagaan at napakalapit ng batang ito dito sa puso ko? Dahil ba anak sya ng tao na labis kong pinapasalamatan dahil sa walang pag-aalinlangan nyang pagtulong sa akin noon?

Kung ano man ang rason...iyon ang hindi ko maipaliwanag sa sarili ko.


***

Scratch HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon