Bumaba ang aking paningin sa magkapatong naming kamay. Ang init na nagmumula sa kanyang palad ay kaagad na nagpawala sa nanahimik kong sistema. Kainis! Kung hindi pa ako huminga ng malalim, pakiramdam ko ay tuluyan na akong mawala sa sarili. Bakit ganito ang epekto ng lalaking ito sa akin?
Gusto kong labanan ang namumuong kaba sa aking dibdib kapag nariyan ang kanyang presensya. Pero kapag sinusubukan ko namang pakalmahin ang aking sarili ay bigla nalang nanlalambot ang aking mga tuhod. Para akong hinihigop ng kanyang lakas. Kahit sa simpleng tingin, o, hawak lang nya.
Marahan kong binawi ang aking kamay at nagmamadali akong tumayo. Tumalikod ako mula sa kanyang pwesto bago humalukipkip. Gusto ko lang namang ikubli ang aking mukha. Kasi kahit hindi ko nakikita ang aking sarili ngayon ay alam kong sing-pula na ako ng kamatis!
"Kailangan mo ba ako dahil may anak tayo?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang banayad na boses na iyon.
Naramdaman ko ang marahas nyang pagtayo. Namilog pa ang aking mga mata nang maramdaman ko ang matitipuno nyang dibdib na lumapat sa aking likod. Ipinatong nya ang kanyang baba sa ibabaw ng aking balikat bago sumagot.
"No. Kailangan kita dahil mahal kita." Bulong nya sa puno ng aking tainga.
Gumalaw ako para sana humakbang palayo sa kanya pero naantala ang aking mga paa nang mabilis nyang ipalibot sa aking baywang ang kanyang matitigas na braso. Nakulong ako sa kanyang dibdib.
"Ikaw lang Quinn Lorenza. Ikaw lang ang babae na bumihag sa puso ko. Ang dahilan kung bakit hindi ko pinigilan ang aking sarili noong atakehin mo ako ng halik sa labi kahit na nga ba nasa tamang hwisyo naman ako."
Tuluyan na akong naestatwa at hindi makakilos. Nagbibiro lang sya hindi ba?
"You are married. Parang hindi naman kapani-paniwala yang sinasabi mo." Kontra ko sa kanyang sinabi.
"Yeah, i am married. Ang isang bagay na akala ko ay madali lang takasan. Simple lang ang lahat. Tahimik, walang problema. Pero simula nang may mangyari sa ating dalawa doon ko napagtanto kung gaano ako nagpadalus-dalos sa aking disisyon. Me and Veronica is not a lover. Iyon ang sagot sa tanong mo kung bakit magkahiwalay ang kwarto naming dalawa."
Kaagad akong napaharap sa kanya at nagtatakang tumitig sa kanyang mga mata. Yapos parin nya ako sa baywang at ni hindi lumuwag ang kanyang mga braso.
"Kung ganoon paano mo sya naging asawa? I mean, nagpakasal kayo—"
"Isinalba ko lang si Veronica mula sa kamay ng malupit nyang Tiyuhin. Hindi nito tatantanan ang aking kaibigan hanggat walang ebidensya na ikinasal nga kaming dalawa. May sakit sya at kailangan ng aruga. Pareho na kaming ulila sa mga magulang kaya hindi na ako nagdalawang isip na yayain nalang syang magpakasal at doon na sa bahay ko manirahan. Nang sa ganoon ay maalagaan ko din sya ng maayos. Noong una hindi sya pumayag dahil iniisip nya ang magiging kalagayan ko. Pero napasang-ayon ko rin naman sya sa aking disisyon."
Napaawang ang aking bibig at hindi makapaniwala sa rebelasyon na ito.
"Hindi lang ikaw ang naging miserable ang buhay. Pati ako. Noong muli tayong pinagtagpo. Noong iniwan mo ang anak natin. Kahit kailan ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Alam kong babalik ka. Kahit na nga ba umabot na ng sampung taon ang aking paghihintay. Kahit na nga ba, hindi kusa ang pagbabalik mo. Ayos lang iyon, ang importante ay nandito ka na ngayon. Muli ka mang aalis, Quinn Lorenza...sinisiguro ko sa'yo na hinding-hindi na kita papayayagan na makawala pa ulit. Itatali na kita sa buhay ko."
Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko. Para akong nawalan ng sasabihin. Wala sa loob na ikinapit ko nalang sa kanyang katawan ang aking mga braso. Isiniksik ko sa kanyang dibdib ang aking sarili. Ngayon buo na talaga ang disisyon ko. Kanyang-kanya na ako!
BINABASA MO ANG
Scratch Heart
Chick-LitIsang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konsensya? Konsensya na habang buhay na manggugulo sa iyong buong pagkatao? May paraan ba para balikan an...