Fifteen

2.8K 80 3
                                    

Hanggang sa nakakain na kami ng agahan at nakaalis na din si Trance papuntang hospital ay parang wala parin ako sa aking sarili. Yung nangyari kagabi ay kayhirap mawaglit sa aking utak.

Kung paano ako naging komportable sa kanyang mga bisig at mahimbing na natulog habang kayakap sya buong magdamag ay hindi ko kayang ipaliwanag sa aking sarili. Naroon ang excitement at the same time ay naroon din ang takot na nakakubli sa aking puso.


Nahuhulog na ba ako sa kanya? Paunti-unti? Ng ganoon kabilis?


Napatingala ako sa kisame habang nakaupo sa mahabang sofa dito sa guest room na inuukopa ko. Hindi muna kami nagreview ni Thalia Veronica ngayong araw para makapagpahinga naman ang kanyang utak kahit papano.


Biglang tumunog ang aking phone at tinatamad akong tumayo para kunin iyon mula sa bedside table.

Mica's calling....


"Hello?" Bungad ko sa aking kaibigan.

"Aba, buhay ka pa pala? Nakatungtong ka lang sa bahay ng pinakatatangi mong Doctor na iyon ay nakalimutan mo na ang kaibigan mo? Ni hi! Ni hello! Hindi ka man lang nagparamdam? Ano na ba ang kababalaghang ginagawa mo dyan?" Madaldal nitong sinabi.


"Anong kababalaghang pinagsasabi mo?" Tumaas kaagad ang aking boses. Naalala yung nangyaring engkwentro sa pagitan namin ni Trance.


"Oh, bakit ka sumisigaw? Nagtatanong lang ah!"

Nasapo ko ang aking noo. Itong si Mica alam na alam kung paano ako huhulihin.

"Sorry naman...napatawag ka?" Curious kong tanong.

"Na-miss lang kita bruha! Lumabas ka naman ngayon. Wala akong kasamang manood ng car racing. Alam mo na, busy si Nat." Boyfriend nya ang tinutukoy nyang busy.

Napakagat ako sa aking labi habang nag-iisip ng isasagot. Matapos akong maaksidente ay nawalan na ako ng gana sa car racing. Or, ibang bagay na ang pinagkakaabalahan ko?


"Mics, gusto ko sana kaya lang walang kasama ang bata. Umuwi sa kanila ang yaya at baka mamayang gabi pa ang balik noon o baka bukas pa."


"Mm.. isama mo nalang kaya? Manonood lang naman tayo at saka para mag-enjoy naman sya." Napapaisip ako sa suggestion ni Mica.


"Hindi kaya magagalit ang Daddy nya?" Alanganin kong tanong.


"Anong oras ba ang uwi ni Doctor Rafaello?"


"Mamayang hapon pa." Maagap kong sagot.


"Mamayang hapon pa naman pala. Punta ka na Quinn, hindi naman tayo magtatagal. Sigurado akong makakauwi na kayo bago pa dumating sa bahay ang loves mo!"

Namilog ang aking mata sa huling katagang binanggit nya.


"Loves ka dyan! Tumigil ka Mica!!" Singhal ko sa kanya.

Malakas na halakhak ng aking kaibigan ang pumuno mula sa kabilang linya. Haist! Ang babaeng iyon talaga.


Matapos kong makausap si Mica ay nagmadali na nga akong nagbihis bago inakyat sa kanyang kwarto si Thalia Veronica. Wala din naman kaming ginagawa dito sa bahay kaya tama si Mica. Lalabas nalang kami para makapanood ng car racing.


"Thalia, magbihis ka...aalis tayo." Kaagad kong utos sa bata nang makapasok ako sa kanyang kwarto.


"Ha? Saan tayo pupunta, Teacher Lorenz?" Nagtatakang tanong nito.


"Gusto mo bang manood ng car racing? Pupunta tayo doon."

Napatayo kaagad mula sa inuupuang mahabang couch si Thalia Veronica nang marinig ang aking sinabi.


"Talaga po? Gustong-gusto kong manood ng ganoon, Teacher Lorenz!" Excited nitong sinabi.



Thirty minutes after ay narating na namin kaagad ang location na pagdausan ng car racing. Kaagad kong tinawagan si Mica pagkababa namin mula sa sasakyan.

Nakangising lumapit sa amin si Mica kasama ang mga guy old-friend naming dalawa na syang addict din pagdating sa car racing.

Napatuon ang kanilang atensyon sa batang akbay-akbay ko na halos hindi maikubli ang matinding excitement habang inililibot sa paligid ang paningin. Makahulugan akong tinitigan ni Mica bago in-approach si Thalia Veronica.

"Hi! Nice to meet you. I'm Mica Rodreges, kaibigan nitong magandang babae na kasama mo." Nakangisi nitong pakilala sa bata.


"Hello po! Mica Rodreges? Ah, you are supposed to be my Tutor, right? Pero hindi natuloy?" Smart na sagot nito.

Humalakhak ang aking kaibigan at palihim akong sinulyapan.


"Actually, si Quinn Lorenza Decerna talaga ang original tutor mo. Joke lang!" Hindi matigil-tigil ang tawa nito.

Tinaliman ko sya ng tingin at kaagad naman syang nagpeace sign.

"Thalia Veronica po." Magalang nitong pakilala kay Mica.


"Aba, kailan pa natutong magbitbit ng bata itong si Quinn? Infairness, magkamukha kayo...puro magaganda! Anak mo?" Pabirong sabi ni Kevin na bigla nalang sumabad sa usapan.


Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi nang marealize kung ano ang kanyang sinabi lalo na sa panghuling kataga.

"Oo nga noh? May similarity kayong dalawa." Puna din ni Tom na mas lalong ikinatambol ng aking dibdib buhat sa malakas na kabang nararamdaman ko.


Bahagyang nagtama ang mga mata namin ni Mica. Nakataas ang kanyang kilay at nananantya ang tingin.


"Mmm...Mommy nga nya kasi ako." Pabiro kong sinabi para matahimik na sila.

Namilog ang mga mata ni Thalia Veronica habang tumingala sa akin pero binigyan ko lang sya ng malapad na ngiti. Nakahinga ako ng maluwag nang ngumiti rin syang pabalik. Akala ko hindi nya nagustuhan ang aking sinabi, hindi pala.


"Aray! May anak na kaagad? Dumidiskarte palang ako ay kaagad ng maba-busted!" Si Kevin ulit.

"Magiging Mommy palang. Hindi na available yan. Nakatali na ang puso nyan!" Ang dugtong ng bruha kong kaibigan.


"Oo nga po, siguradong magagalit ang Daddy ko kapag may ibang magkakagusto sa one and only nya!"

Natahimik kaming bigla nang hindi namin inaasahan ang pagsabad ni Thalia Veronica sa usapan.


"Diba, Mommy?" Patuloy nito.

Tumikhim ako bago sumagot. "Y-yes, baby."




Tuwang-tuwa si Thalia Veronica at kahit na pauwi na kami ay hindi matigil-tigil ang mga kwento nya buhat sa napanood kanina.


"Paglaki ko gusto kong masubukan iyon." Nangangarap nyang sabi.


"It's dangerous, you know..." Nunca na papayagan ka ng Daddy mo.


"But its really fun!" Giit nya.

"Yes it is." Sang-ayon ko naman.




Nakahinga ako ng maluwag nang papasok na kami sa malaking gate para tunguhin ang garahe. Pero ganoon na lamang ang kaba at takot na biglang bumalot sa aking dibdib nang matanaw ko ang sasakyan na pag-aari ni Trance Rafaello na maayos na nakaparada sa may garahe.

Oh my God! Nakauwi na sya kaagad?

***

Scratch HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon