Magkasunod naming pinarada ni Trance ang aming sasakyan sa loob ng garahe pagdating namin sa bahay. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas mula sa driver's seat habang bitbit ang duffel bag.
Kaagad umagapay sa akin si Trance at maagap na kinuha mula sa akin ang dala kong bag. Saglit nya akong nilingon at bahagya naman akong ngumiti bago kami tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Dumeretso sya sa inuukopa kong silid habang nakabuntot naman ako sa kanyang likuran. Ang akala ko ay ihahatid lang nya doon ang duffel bag na pag-aari ko bago sya tumuloy sa kanyang kwarto. Pero nagulat ako nang dumeretso syang sumampa sa kama at patihayang nahiga doon pagkapatong nya ng dalang bag sa ibabaw ng sofa.
"Anong ginagawa mo?" Taranta kong tanong.
"Dito ako matutulog." Maagap nyang sagot.
"No! Hindi pwede!" Pigil ko sa gusto nyang mangyari.
Kumunot ang kanyang noo habang tinapunan ako ng nagtatampong tingin.
"Bakit naman? May namagitan na sa ating dalawa kaya okay lang na magtatabi na tayo sa pagtulog." Nakanguso nitong saad.
"Alam ko pero nakakahiya kasi kay Tita Lorna. Ano nalang ang iisipin nya kapag nakita nya ang paglabas mo mula sa silid ko bukas? Pumupunta pa naman sya dito at kinakatok ako." Paliwanag ko.
"Ah,okay!"
Nakahinga ako ng maluwag nang bigla syang bumalikwas ng bangon at kaagad na bumaba mula sa kama. Pero bigla nalang akong napatili ng malakas dahil sa gulat. Walang babala nya akong pinangko at malalaki ang ginawang paghakbang palabas ng pintuan.
"Trance, saan mo ako dadalhin?" Kumawala ako para maibaba nya pero hindi man lang natinag ang kanyang braso na kumakarga sa akin.
"Doon tayo sa kwarto ko matulog."
Mas lalo akong nabahala dahil sa narinig. Hayyy, bakit nya naisipan na doon ako dadalhin sa loob ng silid nya?
Napapikit ako ng mariin at ikinubli sa kanyang dibdib ang aking mukha nang marating namin ang kanyang silid. Kinabahan kasi ako. Paano pala kung may nakasabit na larawan ng kanyang asawa dito sa loob? Hala, baka mumultuhin ako ng asawa nya!
Nang maramdaman ko ang paglapag ng aking likod sa ibabaw ng malambot na kama ay kaagad akong dumapa at isinubsob sa kumot ang mukha habang nakapikit parin ang mga mata.
"Anong ginagawa mo?" Humalakhak si Trance.
"Baka kasi may makita ako. Wala bang mga larawan dito? Lalo na yung larawan ng—"
"Kwarto ko ito." Putol nya sa aking sasabihin.
"Kwarto ninyo?" Pagtatama ko.
"No. Its just my room. Alone."
Napadilat ako nang wala sa oras at marahang tumihaya.
"Anong ibig mong sabihin? Magkahiwalay kayo ng silid ng asawa mo?" Kunot-noo kong tanong. Mayroon bang ganoon?
"Si Veronica ay may sariling kwarto." Paliwanag nito.
"Sinong Veronica?" Naningkit ang aking mata. Halatang nagpipigil.
Humalukipkip sya at mataman akong tinitigan. Sumilay ang banayad na ngiti sa labi bago naisipang sagutin ang tanong ko. Aba! Andami nyang introduction ah!
"Mmm...my wife?" Tumaas ang kanyang kilay.Nananantya ang tingin.
Bumalikwas ako ng bangon at pinukol sya ng matalim na tingin.
BINABASA MO ANG
Scratch Heart
Chick-LitIsang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konsensya? Konsensya na habang buhay na manggugulo sa iyong buong pagkatao? May paraan ba para balikan an...