Prologue

470 5 0
                                    

Grade 5- St. Ignacius de Alarcon College


Mr. Manhid

Here I am again, sa cafeteria, at hinihintay ang pagdating ng paborito kong kaklaseng si Lourd Henry Montaniel. Anak siya ng kaibigan nina papa na may-ari ng isang malaking condominium dito sa Maynila. Hindi lang 'yon, may-ari din sila ng isang sikat na mall sa buong Pilipinas na marami ng branches na nagkalat. Oh well, favorite ko siya, as in favorite asarin dahil hindi naman kasi siya naaasar at hindi siya umiimik 'pag nabu-bully siya. Ansarap niya lang pag-tripan. Hindi naman 'yon nagsusumbong sa parents niya lalo na sa mommy niya na super-duper mahal na mahal siya. Kahit siguro mabugbog 'yon, hindi 'yon magsasalita sa parents niya. Ewan, basta I'm happy 'pag nakikita ko siyang nabu-bully. Yeah, I know I'm bad, hindi ko naman sinabing good girl ako eh, I'm a brat really. Eh kami lang naman kasi ang may-ari ng school na to, at siyempre ayaw ko ng isa-isahin ang mga pagma-may-ari ng family namin.

"Hey! Ba't parang natagalan yata si Lourd ngayon? Diba nasa room naman natin siya kanina? At super-duper heavy pa yata ng dala niyang bag?" biglang sabi ni Kylie Estaner. My classmate but not my bestfriend at nakiki-bully lang din. Duh, social climber ambata-bata pa.hmmmp.

Nakita ko naman na napatakip ng bibig si Olga, isa pang SC. "Oh My! Baka nadaganan na 'yon ng bag niyang super bigat." Anito.

I rolled my eyes. Duh, masyado naman ang pag-iisip ng mga ito. "Hello, baka umiiwas lang 'yon satin, at nagkaroon na ng pakiramdam si Mr. Manhid. Hmmmp, I think I need to find him,hindi ako sanay na hindi siya naaasar eh. Guys, balato niyo muna sakin 'to, I just want one on one this time." Sabi ko at kumindat sa kanila bago ako umalis at tinalikuran sila. I know, magre-reklamo ang mga ito pero hindi ko na sila pinansin at hinanap na si Mr. Manhid.

Lahat ng mga tinatambayan ni Mr. Manhid nasuyod ko na, but I couldn't find him. Saan naman kaya nagtatago ngayon ang lalaking 'yon. Mukhang nakahanap na siya ng bagong taguan ah. Isa nalang ang hindi ko pa napupuntahan. Ang likod ng gym na madalas ay walang tao. Hmmm, why not.

Kaya naman bago pa ko magsisi, tinahak ko na ang daan papunta don. At hindi nga ako nagkamali. There he is, alone and free para maasar ko. Napangisi ako ng bongga at lumapit sa kinauupuan nito. Mukhang nakikinig pa ito ng music sa iphone nito at nakapikit pa. Whew! Infairness pogi din pala si Mr. Manhid, ang cute ng nose niya, maliit pero matangos, ang lips niya parang lips ko lang na pula. Hmm., bakit ko ba siya pinupuri? Back to reality. Kailangan mabuo ang araw ko.

           Hinablot ko ang earphone niya mula sa tainga niya na siyang ikinagulat niya. "Miss me?" sabi ko sabay ngisi habang hawak-hawak pa din ang earphone niya.

At siya naman, hayun, parang wala lang. Manhid talaga ang mokong. "Haydee Mariella Alarcon, hi." Malamig niyang sambit pero hindi naman ito umangal sa earphone niya. Well, I admit, naaasar ako 'pag hindi siya naaasar.

Kaya para mas lalo siyang asarin, pati ang iphone niya ay kinuha ko na. "Oh! I thought you're a nerd guy, but look, fan ka ni Pink? Oh my God, you're gay?" nanlalaki pa ang mata kong sabi at tinakpan ko pa ang bibig ko para mas lalo itong asarin.

"Whatever you say, I'm not into it. I gotta go, just see you around." Sabi lang nito at akmang tatalikuran na ako.

Pero siyempre hindi ako papayag. "Hey! Mr Manhid. Ganyan ka ba talaga? 'Pag hindi mo ako kinausap ng maayos, ipagkakalat ko sa buong school that you're gay." Hamon ko. I know ayaw niyang mangyari 'yon dahil tiyak na susugod ang mommy niya dito para magreklamo.

Napangiwi ako ng ngumisi lang siya. "Go ahead, if that's the way you'll be happy, then do it." Sabi nito at nagmartsa na paalis.

Laglag ang panga ko. Grabe, manhid na talaga ang lokong 'yon. I have now 3 years in a row na lagi siyang umuuwing punit ang damit at puro mantsa ang damit, pero ngayon lang talaga ako pumalpak. Goodness, hindi na talaga siya natitinag. Pero siyempre, bago ang uwian, ginawa ko na nga ang banta ko sa kaniya. Sino ba naman ako para hindi nila paniwalaan. Kaya hayun, kumalat sa school that Mr. Manhid is gay. Ansaya ko, buo na ang araw ko dahil may nagawa na naman ako.

Kaya as usual si Kuya Milton, ang driver ko ay inusisa na naman ang abot-tainga kong ngiti. "Miss Haydee, mukhang masaya na naman tayo ngayon ah?" sabi niya habang nagmamaneho at bahagyang sumulyap sakin mula sa rearview mirror ng kotse.

Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. "I'm always happy, Kuya Milton." Sabi ko nalang. Alam kong alam niya ang mga pinaggagawa ko, hindi lang 'yan umiimik. Dahil alam ko na ayaw niyang matanggal siya sa trabaho niya. Well, siya lang naman ang nagtagal na driver ko since kindergarten ako, dahil palagi akong nagrereklamo sa mga dati na napaka-pakialamero. Pero si Kuya Milton, tikom lang bibig niyan. Pero siyempre, hindi yan natutuwa.

Ng makarating kami ng bahay, sinalubong naman ako ng dalawa kong yaya. Sina Yaya Andy at Yaya Chelsy. Actually, sila lang din ang nakatagal sa sobrang kapilyahan ko. Well, as I was saying, I'm a brat.

Kinuha nila ang mga gamit ko sa kotse at ako naman, dumiretso lang sa kwarto. That's my daily routine, at kontento na ako dun. Pero siyempre, hindi pa din kumpleto 'pag hindi ko nakausap sina mama at papa. Kaya lang, lagi nalang silang busy 'pag tumatawag ako.

At my age, hindi naman puro luho ang gusto ko. I also need my parents, pero 'yon ang kulang. Lagi silang wala.

"When will my parents realize na may anak sila?" sabi ko nalang sa sarili at pinunasan ang traydor na tubig na lumabas sa mata ko. I don't like this, sabi ko I'm always happy, pero bakit ako umiiyak?

Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon