Epilogue
“Hey there handsome?” bati sa akin ni Ate Lorie at tinapik pa niya ang balikat ko. It’s our wedding day at si Haydee nalang ang hinihintay na makapasok mula sa pintuan ng simbahan. Lahat kami nandito na at hinihintay nalang ang aking pinakamamahal na bride and soon to be Mrs. Lourd Henry Montaniel.
I just smiled at my friends and to my sister. Tumango rin ako kay Howie na katabi si Vivien. Well, hindi pa rin sila nagkakaayos ni Ate Lorie pero pinakiusapan kong kahit ngayon lang. Mabuti nalang at pumayag si Ate. But I hope that someday, makalimutan na rin ni Ate ang mga nangyari.
Napasinghap ako ng biglang tumunog ang musikang napili ni Haydee kapag siya na ang maglalakad sa aisle. I love the song though.
What would I do without your smart mouth?
Drawing me in, and you kicking me out
You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright
Habang papalapit si Haydee, lahat ng mga nangyari sa nakaraan ay biglang nanariwa sa aking alaala.
Mommy always told me about how she loves Dad. But before she learns to love Daddy, she was once in love to a wrong man. I never ask God to give me a story like Mom and Dad. But God gave me a story better than what I dream of.
Inimbitahan kami ng parents ni Haydee dahil kaarawan niya ngayon. And I was excited to go because I was able to see her again even if she never gives me a chance to talk to her. Yes, we’re classmates but she never gave a glance on me when we were at school.
Kaya naman sobrang saya ko noong kinausap niya ako. Binigyan pa nga niya ako ng cupcake. Pero umalis siya sandali upang kunin daw ang favorite drink niya ngunit hindi pa man siya nakakabalik ay nilapitan na ako ni Alice. She’s our classmate too. Nagulat nalang ako ng bigla nalang akong tapunan ni Haydee ng chocolate drink niya at halata sa mukha niya ang inis.
What’s her problem? Kanina maayos pa siyang nakipag-usap sa akin pero bakit ngayon?
Simula noon ay hindi na niya ako binigyan ng maayos na pagtrato. Noong una naiinis ako, but later on, nagugustuhan ko na ang mga ginagawa niya. Weird, yeah. But hell, I like it when she smiles at me at imbes na ako ang maasar ay siya ang naaasar.
Nakarating kay Mommy ang mga ginagawa sa akin ni Haydee at gusto na niyang sabihin ito sa Mama niya but I stopped Mom. I don’t know, pero gusto kong ako lang ang napapansin ni Haydee. Baliw na kung baliw pero baka mas mabaliw ako kapag sa ibang lalaki niya ibinaling ang atensyon niya.
Hindi tumigil si Haydee sa ginagawa niyang pambu-bully sa akin hanggang college. And I don’t know myself anymore, dahil parang may kulang sa akin kapag hindi niya ako pinansin o mas tamang sabihing binully sa isang araw. Sa tuwing naiinis siya dahil hindi niya ako maasar ay natutuwa ako.
I love the way she look at me. I love the way she looks when she was frustrated. And the realization I was just hiding is when I admit to my self that I love her. Hell, yeah I love her for I am willing to take all those aches she’s giving me to make her stay. Ayaw ko siyang mawala sa akin kaya tatanggapin ko ang anumang kahihiyang ginagawa niya.
I accept her challenge. Kahit na anong pigil ang gawa niya at ng mga kaibigan niya na harangan ang pagsali ko sa varsity ay ginawa ko ang lahat makapasok lamang doon. And I won. Kaya alam kong hindi siya magdadalawang isip na puntahan ako at komprontahin.
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-Completed
RomanceNasa kaniya na ang lahat, maganda siya, mayaman, head turner, pero iisang lalaki lang ang napapansin niya. At 'yon ay ang paborito niyang i-bully na si Lourd Henry Montaniel. Pero paano kung kahit na anong klaseng pambu-bully ang gawin niya ay walan...