All This Time
At dahil sa dami ng mga tanong at idagdag pa ang sama ng loob ko hindi lang sa magulang ko, pati sa sarili ko mismo, nakatulog ako ng hindi nakakapag-dinner. Kaya naman paggising ko ng umaga, ayun, nag-a-alburuto ang tiyan ko sa gutom.
“Ya, what’s for breakfast?” inaantok pang tanong ko, at hindi pa ako nagsusuklay, kahit ang maghilamos ay hindi ko pa nagagawa. Mabuti nalang walang pasok ngayon dahil sabado at hindi ko makikita ang mga kaklase kong bumaliktad na.
Pero magsasalita nasana si Yaya ng bigla akong natigilan. Napanganga ako sa nakikita ng dalawang magaganda kong mata. Nananaginip ba ako o ano?
“W-what are you doing here?” nauutal ko pang tanong ng makabawi ako sa sobrang pagkabigla dahil nakaupo ito sa isang stool sa dining table. Na-concious tuloy ako sa kung anong itsura ko ngayon. Duh? Bakit naman ako mako-concious?
Ngumisi ito at bigla na namang bumilis ang pintig ng puso ko na ewan kung bakit na naman. “Good Morning, pasensya na, ayaw ko namang magalit si Tita ‘pag hindi ko siya pinagbigyan sa paanyaya niya.” Sabi nito na hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa mukha.
Okay, he just called my mom Tita? Ni ayaw ngang nagpapatawag ng tita si Mama kahit sa mga anak ng kaibigan niya eh, bakit siya? Napakamot muna ako bago dumiretso sa hapag. Pero parang nawala yata ang gutom ko. “Okay? So what brought you here?” tanong ko nalang habang hinahain ni Yaya ang pagkain ko. Umupo ako sa katapat niyang upuan. Bakit parang ako pa ang nahihiya samantalang bahay naman namin ito?
“To get the contract.” Biglang sumulpot si Mama mula sa likuran at may hawak-hawak na envelope. At nakangiti pa si Mama. Ano ba talaga ang nangyayari?
Naguluhan ako at kunot ang noong bumaling kay Mama. “Contract for what?” tanong ko.
“I am going to be their Architect sa bagong Mall na gagawin sa Isabela. At first tumanggi ako sa offer dahil matagal na akong hindi humahawak ng mga malalaking project, but because Lourdes and I were best of friends, I need to do it. So I need you, Haydee, to behave this time dahil hindi ko na masyadong matututukan ang school, but I appoint Chaila, your cousin as in charge, at ‘pag gumawa ka ulit ng kalokohan sa school, I assure you, ipapadala na talaga kita sa US.” Nganga nalang ang ginawa ko. Babalik ulit si Mama sa mababa para lang mapagtakpan ang mga ginawa kong kasalanan kay Lourd? Alam ko, ‘yon ang totoong dahilan, pero bakit pa? Ako naman ang may kasalanan ah?
“You don’t have to do that, Ma.” Matigas kong sabi.
“Ang alin? Ang ipadala ka sa US?” maang na tanong ni Mama. Samantalang tahimik lang na kumakain si Lourd. Manhid talaga.
“No, ang akuin ang parusang dapat sa’kin.” I don’t know, pero kahit anong galit o inis ko sa kanila, hindi ko pa rin gustong sila ang maghirap dahil sa mga kalokohan ko.
Ngumiti si Mama at nakita kong nagulat si Lourd sa sinabi ko. “Honey, walang parusa, all I need you to do is to say sorry to Lourd.” At bumaling ito kay Lourd na muntik ng mabulunan kaya uminom agad ito ng tubig.
“What!? Okay, I’m sorry.”Sabi ko nalang. Pero nakita ko ang pagpipigil ng ngiti ni Lourd.
“Apology accepted.” Biglang sabi nito at muling sumubo ng pagkain. Goodness, mukhang siya naman ang mang-aasar sa akin. Kainis, pero in all fairness, mas lalo siyang guma-guwapo ‘pag ngumitngiti siya. Ugh! Pinupuri ko na naman siya.
“Okay, that’s it, here, napirmahan ko na ‘yan. And please tell your Mom I’m sorry, medyo busy lang ako ngayon dahil may lakad pa kami ng Papa ni Haydee sa Batangas kaya hindi pa ako makakadalaw sa inyo, and I hope maging okay na kayo nitong si Haydee.” Sabi ni Mama kay Lourd.
Ngumiti lang si Lourd at kinuha ang envelope mula kay Mama bago saglit na tumingin sa akin at agad naman akong nag-iwas. “Sure, Tita, don’t worry.” ‘yon lang ang sinabi niya at muling bumaling sa akin.
“I gotta go, kanina pa ako hinihintay ni Marco sa labas. Haydee, behave.” Humalik pa si Mama sa akin bago tuluyang umalis.
Now what? Ba’t hindi pa umaalis ang mokong na ito dito? Sa halip na kausapin ko siya at dahil naiilang ako sa titig niya, kumain na lang ako.
“I’m sorry for yesterday.” Biglang sambit niya na siyang ikinatigil ko sa pagsubo sana ng pagkain.
Tiningnan ko siya at mataman niya akong tinititigan. There’s this feeling na nakakapagpalambot sa akin dahil sa kaniyang mga mata, pero inignora ko nalang. “How many times do I need to tell you that you don’t have to say sorry? Wala lang ‘yon, at least ngayon narasan ko na rin kung pa’no ma-bully, at, once palang naman ‘yon compared sayo. I would be the one begging you.” Umismid ako at nagkibit-balikat pero parang may mga karayom kasing tumutusok sa dibdib ko at sobrang sakit.
“I admit, it was my choice to not go near you that time, but I regret it.” Iba na ang tono ng boses niya. At parang sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sakin.
Ngumiti ako sa kaniya. “Lourd, wala kang ginawa kaya huwag kang magsalita diyan na parang ikaw ang may kasalanan kumpara naman sa mga kasalanan ko sayo.”
“That’s it! Damn it!” napatalon ako sa malutong niyang mura.
Halos mamutla ako dahil bigla akong natakot sa kaniya.
“Kasalanan ko dahil wala akong nagawa, wala akong ginawa kahit na harap-harapan ko ng nakikitang nasasaktan ka!” patuloy pa niya. “At kasalanan ko dahil simula palang, hindi ko na ipinaramdam ang totoong nararamdaman ko sayo.” nakita kong kumislap ang mata niya. Why? Bakit siya umiiyak ngayon? Ano’ng meron?
“L-Lourd…” hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko.
“I’m coward I know, but I’m happy being bullied by Haydee Mariella Alarcon. Because the first time you talk to me when we we’re second grade, I think that was the most memorable event happened in my life. Pero bigla mo nalang akong ipahiya noon ng hindi ko alam ang dahilan. At simula noon, parang palagi ka nalang galit sa akin. At natutuwa ka ‘pag nakikita mo akong pinagtatawanan ng mga tao. At first nagalit ako, pero nung tumagal, para na akong tanga at natutuwa ako sa tuwing pinagtatawanan mo ako. My mom said I’m crazy, sabi niya sasabihin niya daw kay Tita Hanah kung ano ang mga pinaggagawa mo sakin, pero pinigilan ko siya.”
Napanganga ako sa sinabi niya. What? All this time akala ko hindi alam ni Tita Lourdes ang mga ginagawa ko sa kaniya? ‘Yon pala alam niya? “What did you just say? Alam ng mommy mo kung ano ang mga ginagawa ko sayo?” tanong ko. Tumango naman siya at magsasalita pa sana pero inunahan ko na at sarcastic akong tumawa. “All this time, I thought walang alam ang mommy mo! Alam mo bang ginagawa ko ‘yon sayo hindi para magpapansin sayo? Ginagawa ko ‘yon kundi para magpapansin sa magulang ko. Dahil once na magsumbong ka at magalit ang mommy mo sa akin, malalaman at malalaman ni Mama at Papa na may anak sila. But look what have you done? Pinatagal mo pa ng ilang taon? Manhid ka nga talaga!” my anger burst out. I know I’m selfish, pero gusto ko lang naman akong makita ng mga magulang ko eh.
“Manhid? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mong mabuti kung sino sa atin ang manhid? Alam mo ba kung ano ang dahilan at hindi ko hinayaan si Mommy na sabihin kay Tita Hanah ang mga ginagawa mo sa akin? Ilang taon kong tiniis ang mga pagpapahiya mo at ng mga kaibigan mo para lang hindi mo ako tuluyang layuan, at para ako lang ang lalaking papansinin mo. You’re right, manhid ako sa mga panlalait at pagpapahiyang ginagawa niyo, pero iyon ay dahil gusto ko ng sa akin ka lang dapat na sumaya. Na ako lang ang dapat na nakakapagpasaya sayo kahit na sa maling paraan.”
I don’t know what’s happening. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.
“Haydee, don’t you get it? I like you! Damn it.” Napasabunot ito ng buhok niya pagkasabi niya nun.
Para akong nabingi sa sinabi niya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya maintindihan.
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-Completed
RomanceNasa kaniya na ang lahat, maganda siya, mayaman, head turner, pero iisang lalaki lang ang napapansin niya. At 'yon ay ang paborito niyang i-bully na si Lourd Henry Montaniel. Pero paano kung kahit na anong klaseng pambu-bully ang gawin niya ay walan...