Bubble Gum
“Oh my Gosh! Really? Is this really true?” tumitiling sambit ni Kylie habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa pisngi niya. May hawak itong newspaper ng college namin. And yes, we’re 3rd year college na. And I’m taking business course, well, as for my parents ito daw ang bagay na kurso para sa akin. I doubt it, bagay sa company nila.
I rolled my eyes at them dahil nakikibasa na silang lahat kay Kylie. Kaya naman hinablot ko ang newspaper na pinagkakaguluhan nila at binasa ang nakakagulat ngang balita.
“New varsity player? Si Mr. Manhid? Unbelievable. How will that happen?” hindi makapaniwalang tanong ko na nanlalaki pa ang mga mata.
“See, nakaka-shock diba? We’ll find out kung pa’no ‘yon nangyari. Kung anu-ano na nga ang ginawa natin para lang hindi siya matuloy sa try out noon tapos wala rin palang kwenta ang mga effort natin?” sabi pa ni Olga. Pero hindi ko na sila pinansin at agad ko ng pinuntahan ang lungga ni Mr. Manhid.
He’s really into my nerve, talagang lumalaban na siya ngayon ah, pinapanindigan niya na talaga.
As usual, nadatnan ko na naman siyang nakikinig sa kaniyang iphone. Hindi na nadala. Sawalong taon na pambu-bully ko manhid pa rin hanggang ngayon.
Hinablot ko ang earphone niya at pati na rin ang mismong phone niya. “Nakakaasar ka na talaga, Lourd.” Nanggigigil kong sabi sa kaniya.
Tinatamad naman na tumingin lang siya sakin. “So?” sabi lang niya na mas lalong nakakapang-init ng ulo.
“Kanino ka ba kumapit para lang makapasok sa Varsity? Kay Jacob? Kay Harvey? You know what, siguro you’re gay talaga. Hindi ka bagay sa varsity because you’re gay, mananantsing ka lang sa mga boys doon. Aagawan mo pa kami.” Sigaw ko sa harapan niya. Aamininko, hindi ko alam kung bakit galit na galit ako sa kaniya ngayon.
“Isipin mo na ang gusto mong isipin, wala naman akong pakialam sa mga tsismis na ikinakalat mo dahil lahat ng ‘yon ay walang katotohanan. Why waste my time into something not important. You’re just a brat, and I don’t care if you’ll shout that I’m gay. Haven’t you noticed? Wala ng naniniwala sa mga sinasabi mo.” Uminit ang mukha ko. Nakakaasar siya. I can’t take this anymore, this is the first time na ininsulto niya ako. Mas okay pang hindi nalang siya nagsasalita tulad ng dati.
“Oh yeah? Tingnan natin kung wala lang sayo. I know you’re gay, dahil kung hindi ‘yon totoo, matagal mo ng pinatunayan sa lahat na hindi totoo ang mga sinasabi ko, you’re a gay, dahil kung hindi, why until now wala ka pa ring nagiging girlfriend?” hamon ko naman sa kaniya. I know, I got him there.Let’s see kung ano ang palusot mo ngayon, Mr. Gay.
“What is it to you? Is it important, huh?” tinatamad pa rin niyang tanong.
Laglag na naman ang panga ko. Pero hindi ako magpapatalo sa kaniya. Isa lang siyang baklang nagpapanggap na lalaki. “There you go, I knew it, you really a gay. Dahil kung hindi, hindi mo papatulan ang isang tulad kong tunay na babae.” Sabi ko na nakataas pa ang kilay. Pero bigla siyang naglakad palapit sa akin. Hindi naman ako nagpatinag at taas pa rin ang kilay ko sa kaniya. Pero bakit ako kinakabahan ngayon? “You’re gay, okay, may deal ako sayo, um-oo ka lang sakin at aminin ang totoo then hindi ko na siya ipagkakalat and titigilan na kita. Napapagod na din kasi ako nakakasawa ka na rin kasing asa…” my eyes was wide opened. I saw his eyes closed and feel his lips on mine.
Oh my God! He kissed me. My first and precious kiss. And my heartbeat began to beats faster.
“Then tell them I’m gay.” Sabi niya ng humiwalay na ang labi niya sa labi ko. And I saw it, I saw his smile. His evil smile.
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-Completed
RomanceNasa kaniya na ang lahat, maganda siya, mayaman, head turner, pero iisang lalaki lang ang napapansin niya. At 'yon ay ang paborito niyang i-bully na si Lourd Henry Montaniel. Pero paano kung kahit na anong klaseng pambu-bully ang gawin niya ay walan...