Chapter 6-Mahal ko

181 5 0
                                    

Mahal ko

“Shit! Shit! Shit!, Bakit ngayon ko lang naunawan lahat ng sinabi niya?” halos guluhin ko ang buong kwarto ko dahil sa inis sa sarili ko. Napaka-slow ko naman yata at ngayon ko lang naintindihan ang lahat ng ibig sabihin ni Lourd sa mga sinabi niya kaninang umaga.

My goodness, totoo kaya ang mga ‘yon? O pinagtri-tripan niya lang ako at gumaganti lang siya sa mga ginawa ko noon sa kaniya? Pero hindi eh, ang galing naman niyang umarte kung palabas lang lahat ng ‘yon? At nakita kong tumulo ang luha niya sa harap ko mismo. At ako naman itong si manhid, hindi naintindihan ang mga sinabi niya.

Naguluhan lang naman kasi ako kaya hindi ko agad nakuha ang ibig niya sabihin at siyempre, hindi rin ako agad naniwala dahil alam kong galit siya sa akin.

Naalala ko din noong mga bata pa kami. Iyong unang araw na pinansin ko siya at unang araw na ipinahiya ko siya sa mga kaibigan nina Mama at Papa.

Hindi ko alam kung bakit nag-invite sila Mama at Papa ng mga kaibigan nila samantalang dapat kiddy party ito. It’s my seventh birthday pero mas madaming kaibigan sina mama na dumalo kaysa mga kaedad ko.

Kahit na naiinis ako, wala naman na akong magagawa kundi ang sakyan ang gusto nila mama. Well I know it’s for their businesses. Kaya hahanap nalang ako ng makakausap kong kaedad ko.

And to my surprise, I saw him. si Lourd Henry Montaniel. My classmate na tahimik lang sa klase. Hindi ko siya kinakausap kasi napakatahimik niyang tao. Pero cute siya, I’m sure paglaki niya kasing guwapo niya ang Daddy niya.

Kumuha ako ng cupcake na dalawa para sa kaniya ‘yong isa. Mag-isa lang kasi siyang nakaupo sa table na kanina ay kasama niya ang parents niya pero nawala na dahil nandun na kila Mama at nagpaiwan siya doon.

“Here.” Nakangiting sabi ko at inabot sa kaniya ang isang cupcake sa kabilang kamay ko. He’s so cute. His eyes, hindi ko alam pero para itong laging nakangiti kahit na seryoso ang mukha niya. And his nose na bumagay sa korte ng mukha niya pati na ang lips niya. Oh well, bata pa ako but I know how to describe what’s good looking or not.

Tiningnan niya ako bago bumaling sa cupcake na binibigay ko sa kaniya.

“C’mon, take it, don’t worry, it’s clean.” Sabi ko. Hindi naman kasi ako mahiyain though ngayon ko lang talaga siya kinausap.

And there, nakita ko ang napakagandang ngiti niya. “Thank you, Haydee.” Sabi niya.

I know, my face turns into red dahil sa pagngiti at pagtawag niya sa pangalan ko. It’s like music in my ears. “Hey, can you wait for me here? Ahmm, I’ll just get my chocolate to Yaya.” I said.

He just nods and starts to eat the cupcake.

Iniwan ko muna siya. Favorite ko kasi ang chocolate drink. Lagi akong may baon nun sa school. And when I got it from Yaya at pabalik na kay Lourd. I saw him laughing with Alice, hindi namin siya classmate. Sa ibang school siya nag-aaral and of course, we’re not friends. Pero friends kasi ang mga parents namin.

I don’t know what comes to my mind ng bigla nalang akong lumapit kay Lourd at ibinuhos sa kaniya ‘yong dala kong chocolate drink. Nakasuot pa naman siya ng white shirt. Sa mukha niya talaga dumiretso ang pagtapon ko dahil tinawag ko muna ang pangalan niya atsaktong paglingon niya, doon ko itinapon.

And to my surprise, hindi siya umimik. Pero ang mga tao siyempre naagaw ang atensyon dahil sa ginawa ko. At ayun, pinagalitan ako nila Mama at Papa. Doon ko naisip na, mapapansin lang ako ni Mama at Papa ‘pag may ginawa akong hindi nila gusto.

At simula noon, palagi ko ng ginagawa iyon sa kaniya. Ang i-bully siya. Pero palagi siyang dedma sa mga ginagawa ko.

Now, I know the real reason why. Self-centered ako, gusto ko ako lang. Gusto ko, sakin lang ang atensyon ng mga taong malalapit sa akin. I’m selfish, at inaamin ko iyon. Pero ang hindi ko maintindihan, ay kung bakit hindi pa naman kami magkaibigan noon ni Lourd ay nainis na ako noong masaya siyang nakikipag-usap sa ibang bata.

Is it possible that at that early age may gusto na ako sa kaniya? NO! Ni hindi ko nga alam noon ang ibig sabihin ng mga ‘yon eh.

Ala una na ng madaling araw pero ‘yon pa din ang nasa isip ko. Mabuti at linggo bukas, wala pa din pasok. Sana hindi na bumalandra dito bukas ang pagmumukha ni Mr. Manhid ng sa ganun maging maayos naman ang isipan ko.

Paggising ko kinaumagahan. Ang hiling ko kaninang madaling araw bago ako tuluyang nakatulog ay hindi natupad. Dahil paglabas ko palang ay bumungad na sa akin ang nakangiting mukha ni Mr. Manhid. Pero wala si Mama or Papa.

“Ya? Yaya!” tawag ko sa mga yaya ko. Dala-dalawa sila pero parang walang may gustong magsilbi ngayon. Pero napapitik ako ng maalalang linggo nga pala ngayon at day-off nila.

“Day-off.” Biglang sabi naman ni Mr. Manhid.

“And why are you here?” tanong ko with a sound of sarcasm. At tinaas ko pa ang kilay ko.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo. “I thought you knew. May outing ang pamilya ng mga involve sa new project nila Mommy. Which is sa Isabela din, and hindi pwedeng ma-late ang parents mo at parents ko kaya pinasundo ka na nila sa akin.”

“W-wait, you mean, tayong dalawa nalang ang nandito ngayon?” nagpapanic na tanong ko. Hindi ako nagulat na iniwan ako ng parents kong mag-isa dito pero ang isiping dalawa nalang kami ni Lourd dito ay hindi ko lubos maisip. Ewan kung bakit nawindang yata ako sa mga sinabi niya at hindi na matapos-tapos ang gulantang na nararamdaman ko sa tuwing magsasalita siya.

“Uhmm, so you better change your clothes and pack some of your things dahil 2 days and 2 nights tayo doon.” Nakangiti pa ring sabi niya.

Why all of a sudden ay nawawala ang inis at pagkairita ko sa kaniya sa tuwing ngumingiti siya? Mas lalo ko tuloy hindi maintindihan ang sarili ko. “Wouldyou please stop smiling?” biglang sabi ko na mas lalo naman nakapagpangiti sa kaniya.

Naglakad siya palapit sa akin. At hindi naman ako umatras. “I can’t.” sabi niya at ng makalapit na siya ng tuluyan ay bigla niyang hinawakan ang chin ko.

Kumalabog ng husto ang puso ko sa ginawa niya. “Why can’t you?” I know, nanginginig na ang boses ko.

“Dahil naiinis ka na naman.”

What? So tama nga ang hinala ko. Gumaganti lang siya. At hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari. No way in hell namagpapatalo ako sa Mr. Manhid na ‘to. Tinaasan ko siya ng kilay pero naaamoy ko na ang mabango niyang hininga dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. “Ah ganun…So gumaganti ka na ngayon? Sinasabi ko na nga bang walang katotohanan ang mga pinagsasabi mo kahapon dahil alam kong malabong mangya…” mas lalong bumilis at nagrigodon ang puso ko dahil nakalapat na ang labi niya sa labi ko.

Ang malambot niyang labi. It was not the first. Pero bakit parang nawala lahat ng galit at inis ko sa kaniya? Para akong nahihipnotismo ng halik niya. Hanggang sa dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at dinama ang halik niya.

Para akong nawala sa kinatatayuan ko kanina at para akong nakalutang sa alapaap.

“Kahit kailan, wala akong balak na gantihan ka,ang gusto ko, ikaw ang gumanti...” he paused. “…ng halik sa akin, Mahal ko.”

Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon