Chapter 12-Welcome Home

147 4 0
                                    

Welcome Home

After 2 years

I can’t believe, nakatapak na ulit ako sa Pilipinas. Dalawang taon ang nakalipas at naka-survive ako. Hindi ako nagbuhay princesa sa New York although palaging ini-insist nila Mama na bumalik nalang ako sa condo pero umaayaw ako. Katulad nga ng sinabi ko, I want to be independent, at paano ko iyon gagawin kung sa kanila ko pa rin iaasa ang lahat?

I became a chambermaid sa isang sikat na hotel sa Manahattan at nag-aaral ako sa gabi. At first medyo pinanghinaan na ako ng loob na ipagpatuloy, but then, sa tuwing naiisip ko ang taong dahilan kung bakit ko ito ginagawa ay lumalakas ang loob kong ipursige kung ano ang naumpisahan ko na.

Noong mga limang buwan palang ako sa Manhattan, pinuntahan ko si Dannie. At ganun pa rin siya kakulit. At hindi ko alam kung totoo o dahil nalang siguro sa pagod ko, noong pababa na kasi ako from 6th floor kung saan ang unit nila Dannie ay nakita ko si Lourd. He is looking at me, I don’t know kung dahil sa pagod at idagdag pa ang kakulangan  ko sa tulog, kaya iyon nalang ang inisip ko na dahilan dahil lagi kasi siyang laman ng isip ko, sa paggising ko palang sa umaga, at bago ako matulog sa gabi laging mukha niya ang nakikita ko.

And now that I’m back, I can say that I am way different from the old Haydee. More mature, sensitive and independent.

Gusto ni Mama na ako na ang mag-manage sa company branch namin sa Cebu, pero tinanggihan ko. Pero hindi ko na tinanggihan ang offer ni Papa sa isang Branch nila dito sa Makati. Oh well, bakit ko pa daw tatanggihan kung ako din naman daw ang magmamana ng lahat ng ito. Grabe, nalululula ako, paano ko hahawakan lahat ng ‘to kung nag-iisang anak lang nila ako, matagal ko na kasing hiniling na sana magkaroon naman ako ng kapatid pero hindi iyon natupad.

Pero sa dalawang taon ko sa New York, alam ko naman sa sarili kong sapat na ang naging karanasan ko doon para malaman ko kung paano maging productive sa business, since iyon din ang tinapos ko.

Noong una ayaw ko sa business, pero noong mag-isa akong namumuhay, nalaman kong, tama ang mga magulang ko. Yes, we can’t live without money, pero dapat nating ilagay sa tamang lalagyan ang mga ito at gamitin sa tama.

Now I’m ready to face my life here. Pero iniisip ko palang, parang nag-aalangan na ako. Hindi sa paghawak ko sa business ng pamilya ko, kundi sa hindi malabong mangyaring pagkikita namin ni Lourd.

Simula kasi noong tumapak ako sa New York, at kahit na tumatawag ako sa Parents ko, hindi ko kailanma tinanong sa kanila si Lourd kahit na nate-tempt na akong magtanong sa kanila. Wala din naman silang nababanggit sa akin kaya hinayaan ko nalang.

“Haydee, Honey.” Naluluhang salubong ni Mama sa akin sabay yakap niya ng mahigpit.

Gumanti ako ng yakap sa kaniya. “I missed you so much, Ma, Pa.” sabay baling k okay Papa na as usual ay tahimik na naman.

Kumalas si Mama kaya niyakap ko agad ni Papa. “Don’t do it again, Honey.” Alam ko, kahit Papa, miss din ako. Mas nakabuti pala ang paglayo ko. Dahil mas naging open na ako sa kanila at lagi na nila akong kinakamusta kahit na kakatawag ko palang noon.

Kumalas ako at tiningnan silang dalawa. “Ma, Pa, thank you, for giving me my freedom.” Naiiyak ng sabi ko.

“Silly, let’s go, we’ve prepare a little dinner for you. Welcome home, Haydee.” Nakangiting sabi ni Mama at inakay na ako papuntang kotse. And to my surprise, they brought MY as in MY limo, 18 years old ako nung binigay nila sa akin ‘to pero ayaw kong gamitin.

“Ma! Are you kidding me?” natatawang sabi ko.

Nagkibit-balikat lang sila at si Papa ay nauna ng sumakay. “It’s yours anyway, at baka masira lang ‘pag hindi pa natin gamitin.” Nakangiting sambit pa rin niya saka na kami sumakay.

“Fine, wala na akong sinabi. Oh my gosh, I’m really home, you should meet Dannie, Ma, she’s super kulit, I want to be her ate.” Masayang sabi k okay Mama.

“Really? Well, invite her sometime.”

“Yeah, once they got home.” Nakangiting sabi ko naman.

Matiwasay kaming nakauwi sa bahay. 6 o’clock in the evening na kami nakarating. At may catering ngang nag-hihintay na sa pagdating namin.

As usual, invited ang mga business partners nila Mama at Papa, and more of their friends.

Pero kinabahan ako bigla. Nakita ko kasi ang parents ni Lourd. Of course nandito sila. Bakit ko ba naisip na wala sila? Ugh, idiot, Haydee.

“Ah, Ma, magbibihis lang po ako.” Paalam ko kay Mama at tumango lang siya dahil busy na sila sa mga bisita.

Binata ko ang mga bisita bago ako tuluyan nakapasok sa loob ng bahay. At parang tumigil ang pintig ng puso ko. Alam kong hindi imposibleng pumunta siya, pero hindi ko inasahan na dito ko siya mismo makikita sa loob at nakikipag-kwentuhan sa pinsan kong si Ate Chaila.

Didiretso na sana ako ng bigla akong tawagin ni Ate Chaila kaya napatingin si Lourd sa akin.

“Hi, Ate Chaila…” nanginginig pa ang boses kong bati sa kaniya bago ako tuluyang bumaling sa kaniya. “H-hi, L-Lourd. I just get to change my clothes.” Sabi ko ng di ko na alam kung ano pa ang pwede kong sabihin at walang lingon-likod akong umakyat sa kwarto ko.

Agad kong ini-lock ang kwarto ko at ibinuga ang hanging hindi ko mailabas kanina. My goodness, bakit mas malala ang epekto niya ngayon sa akin? Dahil ba sa mas lalo siyang gumuwapo? At parang mas lalong lumaki ang katawan niya. Ano kaya ang pinagkaabalahan niya noong mga panahong naging tahimik ang buhay niya? Haaayyy, I know wala na akong karapatang umasa na hindi pa rin nagbabago ang pagtingin niya sa akin, pero, parang hindi ko yata kaya ‘yong ipinangako ko noon na magiging masaya ako kapag masaya na siya sa piling ng iba?

Halos kalahating oras yata ako sa kwarto bago ako tuluyang lumabas. I wear my black one shouldered cocktail dress. ‘Yon ang hindi ko nabago, mahilig pa din ako sa mga dress.

Ng makababa ako sa sala ay hindi ko na nakita sina ate Chaila at Lourd. Medyo nakahinga ako ng maayos d’on. Pero expect kong nasa Lawn na sila kaya naman bago ako lumabas ay dumiretso muna ako sa kitchen para uminom ng malamig na tubig. Baka mas lalo akong hindi makahinga mamaya.

Pagkasara ko ng refrigerator napatalon ako ng bigla may magsalita sa likod ko.

“Good to see you again, welcome home!” malamig ang boses na sabi niya. Lahat ng balahibo ko sa katawan nagsitayuan. Iisang tao lang ang kayang gumawa n’on sakin.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Mataman siyang nakatitig sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. “T-thanks.” Tanging nasabi ko at nag-iwas na ako ng tingin. Aalis na sana ako ng bigla niyang hapitin ang beywang ko kaya napayakap ako ng di sinasadya sa kaniya at halos pigilan ko ang paghinga ko. Pero ang puso ko ang pasaway at sobrang bilis ng pintig nito.

Ilang saglit kaming nagtitigan ng bigla nalang niya akong pakawalan sa mga bisig niya. “Damn it! I still can’t get off of you.” Aniya at ginulo pa niya ang buhok niya.

Parang may kumiliti sa akin dahil sa sinabi niya. Bahagya akong napangiti. “C’mon, let’s go outside. It’s my party, and I want my visitor to be entertained well.” Sabi ko at walang sabi-sabing hinila siya.

Ng nasa sala na kami ay napatigil siya at dahil hawak ko ang kamay niya ay napatigil din ako. Tiningala ko siya, sa tangkad ba naman  niyang 6” at sa liit kong 5’4 titingalain ko nga siya. “I missed you, Haydee.” Pagkasabi niya nun pakiramdam ko lumabas ang puso ko mula sa dibdib ko at nagtatalon sa labas.

Hindi ko alam kung maiiyak ako sa sinabi niya dahil sa nararamdaman kong tuwa, pero kasi, hindi ko alam, pakiramdam ko kasi may iba sa ikinikilos niya. Kaya naman ngumiti nalang ako sa kaniya. “I missed you too, Lourd Henry Montaniel.” pagkasabi ko nun bigla ko nalang siyang niyakap.

Pero nagulat ako ng kumalas siya agad.

Nagtatakang tiningnan ko siya. Magtatanong na sana ako ng biglang…

“Lourd, babe!!!.”

Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon