One of a Kind
Umuwi ako ng bahay at kahit na masama pa rin ang loob ko kila Papa ay hinayaan kong siya na muna ang magbantay kay Mama. Pero siyempre, kasama ko si Lourd ngayon. Ayaw niya kasing pumayag na mag-isa akong umuwi at baka daw kung ano ang mangyari sa akin at bigla ko nalang daw maisip na lumayo at iwan siya.
Natatawa ako at natutuwa sa kaniya that’s why I love him so much. Manhid siya para sa sarili niya, pero masyado siyang sensitive para sa akin.
I went upstairs, iniwan ko siya sa baba. Gusto ngang sumama pero mabuti nalang at nakuha sa pagpapa-cute. Anyways, kukuha din kasi ako ng ibang damit ni Papa. Ako na ang nag-insist na kumaha since iniwan ko siya sa ospital. So bago ako tumungo sa silid ko para maligo ay sa silid muna nila Mama ako pumunta.
Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang malamig na hangin. Hindi ko alam kung malamig ba talaga sa silid na ito o ano. Pero iba kasi ang pakiramdam ko ngayon dito, although lagi naman akong pumupunta dito ‘pag wala sila at hinihintay ko kung darating ba sila o hindi.
I opened their closet at kumuha ako ng mga damit ni Papa. Nagtaka ako ng ang isang Jacket ni Papa na nahawakan ko ay may naramdaman akong isang parang papel na matigas sa bulsa nito. And out of curiousity I checked his pocket and I found a card. A love letter maybe?
Nabuksan na siya kaya naman walang pag-aalinlangan ko na ding kinuha ang nasa loob nitong sulat. And my eyes opened wide ng mabasa ko ang unang sentence.
Lourdes,
We need to stop this. You know I love you. But I love my family too. I can’t risk specially my daughter. Noon pa man ikaw na talaga. Alam kong alam iyon ni Hanah at hindi lang siya nagsasalita, but I can feel it.
Alam kong noon ko pa siya nasasaktan. Bestfriends kayo, pero nagawa pa rin natin siyang lokohin. I know it’s my entire fault. Sana noong una palang tinanggihan ko na ang arranged marriage na ginawa ng mga magulang namin. Pero mahal ako ni Hanah. At gusto kong maging maayos ang pamilya namin. At sana ganoon din ang gawin mo. Dahil alam nating pareho na mga anak din natin ang maaapektuhan kapag ipinagpatuloy pa natin ito.
Sunud-sunod na naglandas ang aking mga luha dahil sa nabasa ko. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Pero hindi sapat na dahilan iyon para saktan nila ng husto si Mama. In the first place alam nilang kasalanan na ang ginagawa nila. Pero ipinagpatuloy pa rin nila hanggang sa ganito na nga ang nangyari. Pero kung talagang nagmamahalan sila, sana noon pa lang ipinaglaban na nila ang nararamdaman nila sa isa’t-isa kaysa sa umabot pa sa ganitong sitwasyon. Pero iba ang ginawa nila, mas ginusto nilang magkasakitan. At ngayon, naging mas magulo ang lahat at may aksidente pang nangyari.
“Haydee…” napalingon ako. Hindi ko na namalayan si Lourd na pumasok at nasundan ako sa silid ng aking mga magulang.
Nagpahid ako ng luha at nginitian ito. “L-Lourd, bakit ka pa umakyat?” Pilit akong ngumingiti dito pero hindi ko na naitago ang papel na hawak-hawak ko kaya naman hindi na iyon nakaligtas sa mga mata ni Lourd.
“A love letter?” tanong nito ng napasulyap ito sa papel na hawak ko at muling ibaling ang paningin nito sa akin.
No need to hide it, besides, pareho lang din kaming biktima ng pagkakataon. Iniabot ko sa kaniya ang papel.
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-Completed
RomanceNasa kaniya na ang lahat, maganda siya, mayaman, head turner, pero iisang lalaki lang ang napapansin niya. At 'yon ay ang paborito niyang i-bully na si Lourd Henry Montaniel. Pero paano kung kahit na anong klaseng pambu-bully ang gawin niya ay walan...