Wala akong choice kundi ang makipagkita today kay Lourd at para i-invite na din siya sa bahay. Well, ilang beses na din siyang nakapunta sa bahay pero hindi naman ako ang nag-i-invite sa kanya. Kaya ngayon, kahit na official na boyfriend ko na siya ay kinabahan pa din ako. Hindi ko kasi alam kung nasabi na din niya sa pamilya niya ang tungkol sa amin. Although alam na ni Ate Lorie at Howie na may nararamdaman kami ni Lourd sa isa’t-isa pero hindi pa official noon.
And now I’m on my way sa isang sikat na restaurant kung saan kami magkikita. Ayaw ko kasi sa office, masyadong usisero ang mga tao dun at ayaw kong pagkaguluhan ang guwapo kong boyfriend. Selfish nga ako diba? Kaya ayaw kong may nakikita akong naglalaway sa kaguwapuhan niya.
Pero bago ako dumiretso sa pina-reserve niyang table for two para sa aming dalawa na nasa second floor ay dumiretso muna ako sa CR.
Hindi ako mag-re-retouch, kanina pa ako naiihi. Dumiretso ako agad sa isang cubicle pero natigilan ako sa paglabas ng matapos ako ng may isang pumasok na babae at may kausap sa cellphone. Akala yata ay walang tao.
“I know, hindi na ako lalapit sa pamilya mo. And I’m sorry dahil sa akin kaya nagulo ang pamilya niyo. Pero…” nadinig kong sabi ng babae at mukhang nagsalita ang nasa kabilang kaya ito natigilan.
“No! si Howie ang mahal ko, at kahit kailan hindi ko inagaw si Crouger sayo, Lorie!” napatakip ako ng bibig sa narinig ko. OMG! Si Vivien! “At lalayo ako dahil ‘yon ang alam kong makakabuti sa pamilya niyo, pero hindi ko ipinapangakong kakalimutan ko si Howie. At pakiusap ko lang, Lorie, huwag mo ng sasabihin kay Howie ito.” Patuloy pa niya. Pero hindi na ako nakatiis at lumabas na ako sa cubicle kaya naman nakita ko ang gulat na gulat na hitsura niya.
She’s like a doll, ang cute ng mukha niya. Napakaliit ng labi niya at ilong niya kaya nagmukha siyang doll. Fair din ang skin niya at talagang matutulala ang mga lalaki ‘pag nakita siya.
“Sige na, may gagawin pa ako.” Paalam niya sa kausap at in-end na ang cellphone niya.
Aalis na sana siya pero pinigilan ko. “Ikaw si Vivien?” tanong ko na siyang ikinatigil niya.
Humarap siya sa akin at nakita ko ang muling pagkagulat niya. “P-pano mo nalaman?” takang tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. “Well, pasensya na kung nakinig ako, pero, kilala ko kasi si Howie at si Ate Lorie.” Sabi ko.
Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. “Ah, narinig mo naman diba? Lalayuan ko na ang pamilya niya, so hindi mo na kailangan na pagsabihan ako.” Alam kong pinipilit lang niyang ngumiti sa harap ko kaya hinawakan ko ang kamay niya na ikinabigla niya.
“I’ll help you and Howie. I’m Haydee.” Sabay lahad ko ng kamay ko.
“Ha-Haydee? ‘Yong fi-fianceé ni Howie?” nauutal pang tanong niya.
Umiling ako at ngumiti. “I’m not his fiancée, you are.” Sabi ko.
“P-pero…” pinutol ko na ang sasabihin niya at hinila ko na siya patungo sa kinaroroonan ni Lourd.
“He is my boyfriend, Lourd.” Pagpapakilala ko kay Lourd kay Vivien na alam ko naman kilala na nila ang isa’t-isa.
I saw Lourd’s jaw dropped dahil sa ginawa ko. Pero agad namang napawi iyon. “Vivien, hi! You’re with Howie?” tanong pa niya at tumayo para paupuin kami.
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-Completed
RomanceNasa kaniya na ang lahat, maganda siya, mayaman, head turner, pero iisang lalaki lang ang napapansin niya. At 'yon ay ang paborito niyang i-bully na si Lourd Henry Montaniel. Pero paano kung kahit na anong klaseng pambu-bully ang gawin niya ay walan...