Chapter 20-Together

170 6 0
                                    

Together

            Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa mga natuklasan ko. But I need to talk to Papa. I need to know when it starts. But, how can I face Lourd now? Iniisip ko palang parang sa kaniya ko na maibubuhos ang galit ko kila Papa at Tita Lourdes. But that was wrong I know. Kaya lang, ang hirap  kasi ng sitwasyon ko ngayon, and my Mama is in critical condition. Nakausap ko na ang Doctor niya kanina, at kailangan pa rin nilang i-monitor ang kalagayan ni Mama. Sabi kasi ni Doc, her body is not responding to any medicine they gave to her. Mismong si Mama daw ang umaayaw. That’s why I’m here now, nakaupo sa tabi niya holding her hand.

            “Ma, please, I’m still here, don’t just leave me like that. I need you, you know that. You need to fight for this; we need to fight for our right. Ma, lumaban ka, sasabihin mo pa sakin ang mga nangyari eh. Hindi ganyan ang Mama ko, na sumusuko nalang agad sa laban.” I look at her face at kitang-kita ko ang mga sugat niya dito. Pero alam kong mas malaki at mas lalim ang sugat sa puso niya.

            Kung sa akin siguro mangyayari ang ganito, hindi ko din siguro alam kung ano ang maaring magawa ko sa sarili ko o sa mga taong nanloko sa akin.

            Nagulat ako ng bigla kong maramdaman ang cellphone kong nagva-vibrate.

            It’s Lourd who’s calling. At hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. But I let out a big sigh and answered his call.

            “H-hello…”

            “Haydee…” basag ang boses niya. Alam na ba niya?

            Tahimik lang ako at hindi kumibo.

            “I’m sorry…” there, he knew it. Pero ang sakit. Ngayon ko palang naramdam kung gaano kasakit. Damn it! Parents namin eh, akala ko maayos na lahat.

            “Lourd, let’s stop this.” Pilit kong pinatigas ang boses ko pero pumiyok ako.

            “No, no Haydee, it’s not about us. Please, don’t let go. Don’t hang-up on me, please. Hindi tayo dapat maapektuhan.” I can hear his voice, at alam kong natatakot siyang magkasira kami.

            “No, Lourd, but we need to break our relationship. Mas magiging mahirap para sa atin kung patatagalin pa natin ‘to.” Oh God! No, hindi ko kaya, bakit ganun? Taliwas ang gusto ng puso ko sa gusto ng isipan ko. Mahal na mahal ko si Lourd, pero nagkaroon na ng lama tang samahan ng pamilya namin.

            “Haydee, we can handle this, you love me right? And I love you so much. Hindi natin kailangang maghiwalay. Mahal na mahal kita, Haydee. Huwag mo namang gawin ‘to.” Para akong lumulunok ng malalaking bato ngayon dahil sa sakit ng lalamunan ko. Pinipigilan kong mapahikbi habang pinapakinggan si Lourd. Kahit nasa kabilang linya lang siya, I know, umiiyak na siya.

            “I’m sorry, Lourd.” Iyon lang at ako na ang nag-end ng tawag. Dahil pag hinayaan ko pa siyang magsalita ulit, baka hindi ko na kayanin. Mas okay na ang ganito. Alam ko, pareho kaming masasaktan, pero mas sasaktan ko ang Mama ko ‘pag pinagpatuloy pa namin ang relasyon namin.

            I can be numb, for my Mom. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan. I love Lourd, but I also love my mother. Ilang taon kong hiniling sa Diyos na sana ay magkaroon ng oras ang magulang ko sa akin, pero bakit kung kailan sa tingin ko ay maayos na ang lahat, ngayon pa nangyari ito?

            Honestly, I hate Papa, for making Mama this miserable. And I also hate Tita Lourdes, dahil hindi niya pinahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Mama. I hate them both, dahil sinira nila ang pangarap kong mabuo ang pamilya ko.

Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon