Maayos na ang lagay ni Mama. Pero hindi ko pa siya nakakausap. And now, I was with Papa here at the chapel of the hospital. I was praying for my family, na sana maayos na ang lahat. Actually not just for my family alone, but for Lourd’s also.
Tiningnan ko si Papa na tulalang nakatingin sa Krus. “Pa…” tawag ko sa kaniya na siyang nakapagpalingon dito.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pagsisisi. “I’m so sorry, Honey.” Aniya at hinawakan niya ang mga kamay ko. Maluha-luha ang kaniyang mga mata.
Tumulo na ang luha ko. I know, maling-mali talaga ang ginawa niya kay Mama, pero sino ba ako para hindi patawarin ang isang taong pinagsisisihan naman ang kasalanan at inaamin naman na mali ito? Ama ko siya at wala akong karapatan para hindi siya patawarin, ang gusto ko lang ay maging maayos na ang lahat. Kung ang Diyos nga nakakapagpatawad, ako pa kayang isang tao na nilikha Niya? “Pa, masakit para sa akin ang nagawa mo, pero sino ako para hindi kita patawarin? Ama po kita, at matagal ko ng pangarap na maging buo ang pamilya natin. Iyon lang noon ang inaasam kong mangyari and until now. At gaya nga po ng sinabi ko, masakit at mahirap tanggapin ang nagawa mo, pero nakaraan na po iyon, and I want you to decide, kung sino po ba ang pinipili mo. Hindi po namin hawak ni Mama ang puso niyo, alam ko pong masakit, pero may karapatan po kayo sa buhay niyo.” Masakit, pero kailangan kong sabihin ito kay papa.
“Haydee, nagkamali ako, pero gusto kong ituwid ang pagkakamaling iyon. At ngayong maayos na ang lagay ng iyong Mama, aayusin ko ang gusot na nagawa ko, I’ll make it up to you and to your Mom. Ang sabi mo nga, hahayaan mo akong mag-decide, at ang desisyon ko ay ang buuin ang pamilya ko.” Madamdaming sabi ni Papa bago niya ako niyakap ng mahigpit. “I thank God, because He gave me you. Napakasuwerte namin ng Mama mo dahil ikaw ang naging anak namin. You changed a lot, matured na matured ka na.” nakangiti ng turan ni Papa ng kumalas siya sa yakap namin.
I smiled back at him. “Tara na po kay Mama. Baka po gising na ‘yon at magulat na si Lourd ang una niyang makita pagmulat niya.” Sabi ko nalang at pareho kaming natawa.
Ang sarap sa pakiramdam na wala ka ng dinadalang sama ng loob sa dibdib. Pero ang isa pang gusto kong makausap ay si Tita Lourdes. I want to talk to her, hindi sa aawayin ko siya, kundi gusto ko lang siyang makausap ng katulad ng kay Papa.
Naabutan namin si Mama na tulog pa din, at naroon pa din si Lourd na nagbabantay kay Mama, pero hindi nalang siya mag-isang nagbabantay, kasama na niya si Tita Lourdes.
She smiled, and I smiled back. Pakiramdam ko, walang nangyari, dahil alam ko sa sarili kong napatawad ko na sila.
Tumayo si Tita Lourdes mula sa pagkakaupo sa tabi ni Lourd. At ganun din ang ginawa ni Lourd, pero nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Tita Lourdes at umiyak na humingi ng sorry sa akin.
“I’m so sorry, Haydee, please forgive me. I know I hurt you especially your Mom pero pinagsisisihan ko na ang nagawa ko, sana noon ko pa tinigilan ang kahibangan ko, sana hindi na umabot sa ganitong sit…” kumalas ako at hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya.
“Tita, napatawad na po kita, at hindi po ako ang dapat ninyong hinihingan ng tawad kundi si Mama. Wala akong karapatang manghusga kung hindi ko alam ang lahat. Opo aaminin ko pong nagalit po ako sa inyo, pero hindi po ako maliliwanagan kung hindi ko tatanggapin na nangyari na ang nangyari, at kung kaya pa naman pong ayusin, bakit ko po patitigasin ang sarili ko?”
“Thank you, Haydee. Thank you.” Wala pa ring tigil ang luha ni Tita Lourdes.
Ako na mismo ang nagpunas ng luha niya. “Hintayin po nating magising si Mama.” I smiled at her at tumango naman siya bago ko siya inakay para umupo muli sa sofa’ng naroon.
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-Completed
RomanceNasa kaniya na ang lahat, maganda siya, mayaman, head turner, pero iisang lalaki lang ang napapansin niya. At 'yon ay ang paborito niyang i-bully na si Lourd Henry Montaniel. Pero paano kung kahit na anong klaseng pambu-bully ang gawin niya ay walan...