Paru-paro
I can’t move. Parang napako ako kung saan man ako nakatayo ngayon. At kung anu-ano na ang mga naririnig kong sinasabi ng mga tao tungkol sa akin.
“Better, she deserves it.”
“My gosh, buti nga sa kaniya.”
“Grabe naman kasi siya kung i-bully si Lourd na wala naman ginawang masama sa kaniya.”
“Papansin lang ‘yan, kala mo naman kung sinong maganda, anak lang naman ng may-ari ng school”
At kung anu-ano pang mga salitang hindi ko na inintindi. Hanggang sa nahagip ng aking mga mata ang nakatitig sa akin na si Lourd mula sa kumpulan ng mga estudyante at kasama nito ang ilang varsity players ng basketball. I don’t know but I was hoping na dadaluhan niya ako kahit na alam ko naman hinding-hindi mangyayari ‘yon dahil alam kong wala ng mas hihigit ang galit sa akin maliban sa kaniya dahil sa mga ginawa ko sa kaniya noon. I know, napakasama kong tao, pero bakit parang hindi ko matanggap na pagtawanan niya ako? Okay lang kung ibang tao pero ‘pag siya? Hindi ko alam, kanina hindi ako natitinag at natulala lang ako sa gulat at kahihiyan, pero ngayon, may naramdaman akong sakit dito sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit.
I saw him, nakangiti siya, hindi na ako ang tinitignan niya, kundi ang mga babaeng pumalibot na sa kanila ng kaniyang grupo.
Nagising lang ako mula sa pagkakatulala ng biglang magsalita ulit si Klesha. “Call your Mom now, then report what happened. But I bet, hindi mo hahayaang malaman ng mommy mo kung ano mga ginawa mo dati pa sa anak ng kaibigan nila.” Nakataas ang kilay na sabi niya.
Tumawa naman ang mga kasama niya. “Girls, lets go, naghihintay na si Lourd sa atin.” Sabi naman ni Aileen.
Kumaway pa sila sa akin bago ako tinalikuran at pinuntahan ang grupo ni Lourd na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan.
Napabuga ako ng hininga. Naninikip kasi ang dibdib ko at para na akong mawawalan ng hininga. Parang ilang oras akong namatay dahil sa gulat sa mga nangyari. Pero bago pa ako nakagalaw ay naramdaman ko na ang isang jacket na bumalot sa buong katawan ko at inakay ako paalis sa lugar na ‘to.
Pero bago pa kami makalayo ng tuluyan. Nakita ko na kung sino ang taong hindi ko inaasahang tutulong sa akin. “M-Ma?” nanlalaki ang mga matang bulalas ko.
Hindi tumingin si Mama sa akin at patuloy ang pag-akay niya sa akin patungo ng parking lot ng school. “I saw everything and heard everything. But we need to get you dry and go home. You need to tell me everything and I don’t want you to lie to me.” Mahinahon pero alam kong galit siya. Ganyan si Mama, hindi mo mapapansin kung kailan siya galit o hindi, pero alam ko, galit siya dahil sa mga nalaman niya sa mga pinaggagawa ko, lalo na sa anak ng kaibigan nila.
When we got home, agad akong dumiretso sa kwarto ko at naligo. Gosh, grabe, hindi ko ma-take ang amoy ko, ngayon ko lang mas naamoy. And I know it’s full of germs, iiiwwww.
Ng matapos akong maligo na halos dalawang oras yata dahil sobrang tagal kong nilinis ang buong katawan ko.
I just wear my favorite white shorts and a black shirt na may picture ng isang lalaking nakatalikod. Huwag niyo ng tanungin kung sino. Secret ko lang ‘yon.
Bumaba ako at nakita ko si Mama na kasama si Papa sa sala. Napatingin silang dalawa sakin at agad kong nakuha ang ibig sabihin ng tingin ni Mama.
Dumiretso ako sa upuan na katapat ng inuupuan nila. Well, hindi naman ako kinakabahan, in fact, masaya pa nga ako, first time ‘to. Na makasama ko silang dalawa at makakausap ng personal.
“Tell us everything.” Matigas na sabi ni Papa.
Ngumiti ako sa kanila. “Finally, we’re complete.” Sabi ko imbes na sabihin ang gusto nilang malaman.
Napanganga naman sila. I know, magugulat sila, pero napawi din iyon. “Haydee! Anong mga ginawa mong kalokohan kay Lourd?” diretsong tanong ni Mama.
Hindi pa rin matanggal ang ngiti ko, pero nagsimula na naman manikip ang dibdib ko. “Wala naman pong problema d’on, I’m just having fun. Ano po bang masama dun?”
Napabuntong-hininga si Papa. Pero si Mama nakita kong tumaas ang kilay niya. “Walang problema? Ang ipahiya mo si Lourd sa lahat at pagtawanan ng mga tao dahil sa mga ginagawa mo, sasabihin mong walang problema? Haydee! You are not a kid anymore, and those stupid…” pinutol ko na agad ang sermon ni Mama.
“Stupid! Yeah! I know, Ma. I’m such a stupid bitch. Pero, Ma kahit na anong gawin ko, hindi pa rin naman ako napapansin ni Lourd eh, ni hindi siya nagsusumbong sa Mommy niya, dahil sana kung nagsusumbong siya, ‘yon lang ang paraan para mapansin niyo ako! Na malaman niyong may anak din kayong nangangailangan ng presensya nyo. Pero hindi, dahil kahit na anong gawin ko, manhid ang lalaking ‘yon kaya hindi niyo alam ang mga nangyayari sa akin.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko, dahil sobrang sikip na naman ng dibdib ko. At naramdaman ko nalang ang mga luhang nag-uunahang lumabas sa mata ko.
Akala ko magagalit si Papa sa ginawa ko, pero naramdaman ko nalang ang mga brasong yumakap sa akin. “I’m sorry, Honey.” Basag ang boses ni Papa.
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at iniwan sila. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong.
Now what? Edi tapos na ang pagpapapansin ko. Napansin na ako nila Mama at Papa. Tama naman si Klesha eh, KSP ako, kaya ko ‘yon ginagawa. Pero anong magagawa ko kung mismong magulang ko hindi ako mabigyan ng kaunting oras para makasama ko sila? ‘Yong mabuo man lang ang pamilya ko kahit sandaling oras lang? Kaya nga masaya ako kahit na ganun ang nangyari at least naranasan kong buo kami.
Dumapa ako sa kama ko pero napatalon ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Tatlong tao lang ang nakakaalam ng cellphone number ko, si Mama, Papa at si Kuya Milton. Hmmm? Bakit naman ako tatawagan ni Kuya Milton eh alam nun sigurado na isinabay na ako ni Mama.
Pero ng tingnan ko kung sino ang tumatawag ay napakunot ang noo ko. “Unkown Number”? Nagkibit-balikat nalang ako bago ko ito sinagot. Pinunasan ko pa ang luhang nasa pisngi ko.
“Hello?” sabi ko.
I heard a sigh. Pero hindi naman nagsalita ang nasa kabilang linya.
“Talk, I don’t have time for some frank cal…”
“Haydee!” napatigil ako, sa boses palang kilala ko na. Ang kaninang pagkairita ko dahil ayaw niyang magsalita ay nawala. Ewan ko kung anong klaseng pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon, dahil bumilis na naman ang pintig ng puso ko.
“W-what do you want?” oh gosh, I’m stuttering really?
“Just wanna know if you’re okay?” halata ko sa boses niya na sincere ang pagkakasabi nito.
“I’m always okay.” I lied. I know, numero uno akong sinungaling, dahil simula palang sinungaling na ako.
“I’m sorry.” Seriously? Bakit siya nagso-sorry?
“You don’t have to, hindi naman ikaw ang gumawa. And I deserve it; I’ve been so harsh on you. Karma ko na ‘to kaya huwag kang mag-sorry.” Malamig kong sabi pero iba talaga ang nararamdaman ko. Para kasing ang sakit lang ng puso ko. Hindi ko maintindihan. At naiinis ako.
“You don’t deserve to be treated like that. It’s not the usual…” magsasalita pa sana siya pero pinutol ko na.
“At ano ang usual? That you are the one being bullied by Ms. Haydee? Ang kulang sa pansin na si Haydee Mariella Alarcon? Nah! nakakasawa na, dapat iba naman.” I know, I am being sarcastic pero nasasaktan talaga ang puso ko.
“Haydee…” at narinig ko ulit siyang bumuntong-hininga.
“I gotta go, may gagawin pa ‘ko.” Sabi ko nalang at in-end ko na ang tawag. How did he get my number? Pero may parang mga paru-paro sa tiyan ko na nagsisiliparan. Ano ‘yon? Nabubuhay na ba ang paru-paro sa loob ng tiyan ng tao?
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, halu-halo na ang nararamdaman ko at hindi ko na alam kung anong nangyayari sa katawan ko. Can someone tell me what’s happening to me? Am I going crazy?
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-Completed
RomanceNasa kaniya na ang lahat, maganda siya, mayaman, head turner, pero iisang lalaki lang ang napapansin niya. At 'yon ay ang paborito niyang i-bully na si Lourd Henry Montaniel. Pero paano kung kahit na anong klaseng pambu-bully ang gawin niya ay walan...