Chapter 15-Akin Lang

163 5 0
                                    

Akin Lang

Wala akong narinig na salita o reaksyon mula kay Lourd pagkasabi ko nun. Kahit ako nagulat, pero gusto kong malaman kung ano ang reaksyon niya.

"Ah, L-Lourd, a-are you there?" nauutal ko pang tanong. Alam ko nasa linya pa siya, hindi pa naman niya pinapatay ang cellphone niya.

Dinig ko ang pagsinghap niya. "Haydee, why? Why now? Bakit hindi noong una mong nalaman na mahal mo ako?" alam ko, mabigat sa loob niyang tanungin iyon sa akin, pero bakit ko nga ba iyon ginawa? Bakit nga ba ngayon lang?

"Lourd, I'm sorry. I know I've been so selfish for not telling you what I feel. But it's the only thing I know, to change myself, and I don't want you to suffer because of me..."

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang marinig ko siyang magmura sa kabilang linya. "Bullshit! Haydee, I love you so much at mahal kita dahil mahal kita. Wala akong pakialam kung anong ugali mayroon ka, at ikaw mismo ang minahal ko. The whole you, Haydee... I followed you to New York..." natigilan ako sa sinabi niya. What does he mean? "...I was there, pamangkin ko si Dannie, cousin ko ang Mommy niya na si Daniella, at nang nalaman kong naging malapit ka kay Dannie, agad akong nagpabook para pumunta sa New York. Almost everyday nakikita kitang nahihirapan doon. Damn it! Gusto na kitang hilahin mula doon at iuwi ka pero naisip kong wala akong karapatan sayo. Na hanggang sulyap nalang ako sayo." halos hindi ako humihinga sa mga narinig kong rebelasyon. Oh my! So totoo pala 'yong nakita ko siya minsan noon, noong dumalaw ako kila Dannie. "Shit! I hate myself for not pulling you off on that stupid arrangement. But you know what hurts most? When I see you, holding my brothers hand na parang okay lang lahat. Na pumapayag kang pakasalan ang kapatid ko. But I can't blame you for all this, because I know, from the start, I am a coward jerk."

Hindi ako nakatulog nang gabing 'yon. Palaging ang boses ni Lourd at ang mga sinabi niya ang laman ng isip ko. Bakit? Sinisisi pa niya ang sarili niya kahit alam kong ako naman talaga ang may kasalanan. He is too good to be true. Do I really deserve to be loved by Lourd Henry Montaniel? Kung dati, confident pa ako sa mga ginagawa ko at wala akong pakialam sa mga sasabihin ng mga tao, pero bakit ngayon? Masyado na akong insecure. Hindi ko na yata kilala ang sarili ko.

Tumayo ako mula sa kama at dumiretso sa banyo. I need a cold water para magising ang buong sistema ko. Para akong may hang-over. Masakit ang ulo ko, at dahil iyon sa kakaisip sa mga nangyari. Sobrang bilis lang, at hindi ako makapaniwala.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako at naabutan ko sina Mama at Papa na nag-aalmusal. Hmmm...himala at sabay sila ngayon? Ano na namang sorpresa ang gagawin nila?

"Good Morning, Ma, Pa." bati ko sa kanila bago ako umupo sa tabi ni Mama.

"You have eye-bags, Honey? Natulog ka ba?" nagtatakang tanong ni Mama imbes na batiin din ako ng good morning. Nakita ko namang napangiti si Papa. So, what's funny having an eye-bags?

Habang nilalagyan ni Yaya ng bacon at scrambled egg ang plato ko ay uminom muna ako ng mainit na kape na kakatimpla lang ni Yaya Andy. "I'm still shocked." Sabi ko nalang and I rolled my eyes at them.

Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon