Chapter 14-I love Lourd Henry Montaniel

160 5 0
                                    

I love Lourd Henry Montaniel

“Haydee! Haydee!” bigla akong napatingin kay Papa at sa mga tao sa paligid. Imagination ko lang ang ginawa kong pagtanggi at pagsagot sa sinabi ni Mama. At ngayon, nasa harapan ko at nakalahad ang kamay sa akin ni Howie, ang nakakatandang kapatid ni Lourd.

Napatingin ako kay Lourd na nasa isang sulok lang. Sumikip ang dibdib ko sa nakikita kong lungkot sa mga mata niya. Parang andaling sabihin ng mga naisip ko, pero hindi ko kaya. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. “May I?” biglang sabi ni Howie nang nakangiti at doon lang ulit ako tila nagising.

Akala ko talaga lahat imagination ko lang, pero totoong gusto nila akong ipakasal sa panganay na anak na lalaki nila Tita Lourdes, at hindi iyon si Lourd. Ni hindi ko alam na may Kuya pa pala siya. Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at inakay niya ako papunta sa gitna.

Sa gitna ng maingay na palakpakan, halos wala na akong marinig kundi ang malakas na kalabog ng puso ko. Gusto kong tumakbo at puntahan si Lourd. Gusto kong sabihin sa kaniya na mahal ko siya. At gusto kong siya ang katabi ko ngayon at hindi ang kapatid niya. Pero hindi ko magawa at para akong kandilang nakatulos lang dito. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

Hindi ko na nakita si Lourd hanggang sa matapos ang party. Marahil ay umuwi na ‘yon. Alam ko at ramdam ko kung ano ang nararamdaman niya. Kaya siguro may pakiramdam na ako kanina na may iba sa kaniyang mga kilos.

“Haydee…” napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakaupo ako ngayon sa veranda ng aming bahay dito sa taas, at pinapanood ang mga nagliligpit ng pinagdausan.

Ngumiti ako. “Ate Lorie, andito pa pala kayo.” Sabi ko sa kaniya.

Ngumiti rin siya pero hindi umabot sa mga mata niya. Kahit ako ganun din. Umupo siya sa katapat kong upuan at mataman akong tiningnan. “I’m sorry.”

“Sorry? For what, Ate?” nagtatakang tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko na alam kong nanlalamig kanina pa. “Sorry kasi hindi ko sila napigilan, and one more thing, Howie is not against with this. Pumayag siya dito, pero hindi siya seryoso, go with the flow lang si Howie, masyado siyang mapaglaro. At alam kong hindi niya seseryosohin ito. Kaya lang, nagulat ako dahil hindi ka tumutol.” Kita ko sa mga mata ni Ate Lorie ang pag-aalala.

Ngumiti ako ng pilit sa kaniya. “I’m okay, Ate. Pero hindi ko nagawa ang dapat dahil sa gulat.Walang laman ang utak ko kanina kundi ‘yong mukha ni Lourd.” Nakita kong napasinghap si Ate Lorie dahil sa sinabi ko.

“Oh My God! Don’t tell me, mutual ang feelings niyo ni Lourd?” nanlalaki pa ang mga matang tanong niya.

“Sad to say, Ate Lorie, I think, yes? Akala ko nga bigla nalang niya akong hihilain kanina at ilalayo kay Howie pero tahimik lang siya sa gilid. I thought we’re strong enough to show everyone what we feel for each other despite of what I did to him over years. Ngayon napatunayan ko, na hindi sapat ang nararamdaman lang namin para sa isa’t-isa. Kailangan din ng pundasyon, dahil sa nangyari, alam kong pareho pa rin kaming nag-aalinlangan.” Malungkot kong pahayag.

“Haydee, hindi importante kung ano ang sasabihin ng mga tao at ng mga magulang niyo ng lalaking mahal mo, ang importante ay ang mga totoong nilalaman ng inyong puso. Before it’s too late, you two need to talk about it. Pareho lang kayong masasaktan kung pareho niyong hindi aaminin sa isa’t-isa ang mga nararamdaman niyo. Howie is also my brother, but I know him, adventurous si Howie, at alam kong for fun lang sa kaniya ‘to.” She’s on my side, pero paano ko gagawin ang sinasabi ni Ate Lorie kung si Lourd ay hindi ko mahagilap. Ni hindi man lang nagte-text.

“Bravo, Ate, for fun huh?” kinabahan akong tumingin sa nagsalita at napalingon naman si Ate Lorie dito.

“Howie, I thought umuwi ka na.” sabi ni Ate Lorie na matigas ang tono ng boses nito.

“Magpapaalam sana ako sa fiancée ko. Hindi pa natutuloy ang kasal gusto mo na agad kaming paghiwalayin? How many times kang makikialam sa mga babaeng pakakasalan ko?” madilim ang tingin ni Howie kay Ate Lorie.

“Howie, watch your words.” Sabi naman ni Ate Lorie.

He chuckles. “Hindi mo na kailangang siraan ako kay Haydee, Ate Lorie, I know…alam ko kung ano’ng nararamdaman ni Lourd para sa kaniya, at hindi ko iyon binabalewala. Hayaan mo nalang akong gumawa ng paraan para lusutan ito.”

“Lusutan? Kung alam mo pala bakit ka pa pumayag?” sarcastic na tanong ni Ate Lorie kay Howie.

“It’s on my plan. At huwag ka ng makialam sa personal life ko o hindi mo makikitang masaya ang paboritong kapatid mo. Bye, Haydee.” Sabi nito at tumalikod na. Ang weird lang, hindi ko sila maintindihang magkapatid.

“I’m sorry sa inasal namin ng kapatid ko, Haydee, I just need to go. Don’t worry, maaayos din ang lahat.” Sabi niya at humalik na siya sa pisngi ko at nagmamadaling umalis.

Naiwan akong tulalala at hindi makapaniwala sa mga narinig ko. Ano’ng ibig sabihin ni Howie na nakikialam si Ate Lorie sa personal life niya? Hindi kaya may mahal na babae si Howie na pinipigilan ni Ate Lorie dahil hindi ito deserving na maging asawa ni Howie?

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko, napaka-advance naman ng utak ko.

Tinungo ko nalang ang kwarto ko at agad na nag-shower. Nang makabihis na ako ay humiga na ako sa kama ko pero hindi pa rin maalis sa utak ko ang mukha ni Lourd kanina. Ang nanghihinayang niyang mga mata at tila nanlalambot niyang katawan.

Napabuntong-hininga nalang ako sa isiping iyon. Pero nagulat ako at bigla akong napabangon nang biglang mag-ring ang phone ko.

Agad ko itong dinampot mula sa bedside table ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Mabilis na kumabog ang dibdib ko nang mapagsino kung sino ito.

Agad ko iyong sinagot kahit na hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. “H-hello?” nanginginig ang boses na sagot ko.

Dinig na dinig ko ang malalalim niyang hininga. “Haydee?” malamig ang tono ng boses niya. Pero mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.

“H-Hi, ba’t nawala ka kanina.” Lakas-loob na tanong ko. Gusto kong malaman, gusto kong galing mismo sa kaniya.

“I don’t want to see the woman I love with my brother. Damn! I hate it!” dinig ko sa boses niya ang pagpipigil.

“L-Lourd…” hindi ko alam ang sasabihin ko. Ngayon narinig ko na, pero wala naman akong masabi.

“I've waited for so long, at malalaman ko, na ganito din pala ang mangyayari. Haydee, ni minsan ba, hindi mo ako minahal?” dinig ko ang pagpiyok ng boses niya.

My gosh. Hindi ko na alam, hindi na ako makahinga. At nag-unahan na ding maglandas ang luha ko sa mukha ko. “Lourd, God knows kung bakit ako umalis. And God knows how much I love Lourd Henry Montaniel.”

Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon