Chapter 2-Rebolusyon

187 6 0
                                    

Rebolusyon

Simula nang ginawa niya ‘yon, ewan ko, mukhang hindi na ako natutuwang i-bully siya o asarin siya kahit na inaasar at pinagtri-tripan pa rin siya ng mga kaibigan kong hilaw. Kaya heto ako ngayon mag-isang nandito sa sulok ng gym dito sa school. Maaga pa at hindi pa naman oras para sa first subject ko kaya tumambay muna ako dito. I don’t have bestfriend or yung pinaka-close man lang dahil alam kong walang ganun dito. Lahat sila kina-kaibigan lang ako dahil mayaman ang pamilya ko lalo at may-ari pa kami ng mismong school na ‘to.

Napapabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang mangilan-ngilang mga basketball players na nag-eensayo dito sa gym. Mabuti nalang at wala si Mr. Manhid. Ayaw ko siyang makita. Naiirita ako ‘pag nakikita ko siya. Ewan ko, basta ayaw ko na.

Pero hindi nagtagal, ayun, umariba ang aking boredom, kaya imbes na tumunganga ay tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa bleachers at naglakad papunta sa dugout ng gym.

Pero ng malapit na ako sa pintuan ay natigilan ako dahil may mga naririnig akong mga boses ng lalaki na nagtatawanan at parang may isang tao silang inaasar.

“Nami-miss mo lang siya kaya mo siya hinahanap. Nami-miss mo ang kagandahan niya.” Sabi ng isa.

“Oo nga, sa tagal ba naman ng pambu-bully at pantri-trip nun sayo malamang sa malamang mahulog ka nga dun, at isa pa, alam mong pangarap ng lahat ng mga lalaki si Haydee kaya nga naiinggit kami sayo dahil ikaw lang ang lalaking napapansin nun.” Napatakip ako ng bibig. Did I just hear my name? Tama ba ang nadinig ko? Ako ang topic nila?

“You know what, Lourd, hindi mo siya dapat binabalewala eh. She’s one of a kind. Malay mo, hindi niya lang alam sa sarili niya na kaya niya ginagawa lahat ng ‘yon para lang magpapansin sayo.” sabi pa nung isa.

So, si Lourdang kausap ng mga ‘yon. No! Papatunayan ko sa kanila na walang katotohanan ang mga sinasabi nilang may gusto ako sa Mr. Manhid na yan. Madami akong manliligaw noh, at mamimili nalang ako sa kanila.

Pero ni isa ba sa kanila napansin mo tulad ng pagpansin mo kay Lourd? Shut up brain! Hindi mo na ako kailangan kausapin dahil sigurado ako sa mga sinasabi ko.

Umalis ako ng gym at dire-diretsong pumasok sa room namin. Hindi ako papayag na umuwi siyang hindi ako ang nakakapagpagalit sa kaniya.

Gusto kong isipin niyang wala akong gagawin ngayong araw kaya hindi ako gumawa ng kahit na anong galaw na mapapansin niyang may binabalak ako. Hanggang sa huling klase namin ay tahimik lang akong nakikipagtawanan sa mga SC kong kaklase.

I always have my chocolate drink. My favorite, pero hindi ko iyon ininom ngayon. Well, I know masyado ng luma ang gagawin ko sa kaniya pero naman, dala niya lahat ng mga test papers namin.

Tinanggal ko ang takip ng aking tumbler at kunyaring umiinom habang palabas na kami ng room. I saw him, nakita ko siyang tumingin sa akin at umiwas ng daan at sa kabilang pinto siya dumaan. Pero siyempre hindi ako papayag at mabilis akong naglakad para makasalubong siya.

And before he knew it, ayun at nagkabangga na kami, that was intentional of course. So ang ending, tenenen! Kulay tsokolate ang mga papel namin. Galing ko talaga. Wooohhhoooo!

Kumindat pa ako sa kaniya habang masama ang tingin sa akin bago ko siya tinalikuran. Buti nga sayo.

My day’s complete, thanks to your friends Mr. Manhid at binigyan nila ako ng napakagandang araw.

I’m on my way to the parking lot when my phone rang. Agad ko naman itong sinagot at nakita kong si Kuya Milton ang tumatawag. “Yes, Kuya Milton?” tanong ko pero siyempre, todo smile pa din ako at diretso pa din ang lakad.

“Miss Haydee, hindi kita masusundo ngayon, pinapunta ako ng mama mo dito sa Tanay. Hindi daw kasi pwedeng mag-drive si Benji dahil masama ang pakiramdam.” Natigilan ako sa sinabi niya. So what now? Magco-commute ako? No way! As in a big big NO!

“Wala na bang ibang driver na pwede? Hindi ba sila magsasabay ni Papa pag-uwi ngayon? Bakit hindi nalang niya hinintay na makauwi muna ako. I can’t go home like this.” Sabi ko at alam kong hindi na maipinta ang mukha ko.

“Pasensya na po, Miss Haydee.” Napapabuntong-hiningang sambit nito. Alam ko, ayaw din ni Kuya Milton na magalit ako, pero mas ayaw nun na magalit si Mama.

“Fine, I just take a cab nalang.” Iyon lang at in-end ko na ang phone ko. I rolled my eyes. Seriously, wala talagang pakialam ang magulang ko sa akin.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa sakayan ng taxi. This is my first timena magco-commute. Well, exciting, at least mata-try ko na din, pero at the same time, kinakabahan ako, hindi ako sanay eh.

Nagkibit-balikat nalang ako at nginitian nalang ang mga kapwa ko estudyante na nadadaanan ko. Maybe nagtataka sila na ang anak ng may-ari ng mismong school na ‘to ay nandito at patungo sa sakayan ng taxi.

Oh well, malas talaga ako sa araw na ito dahil ganito pala kahaba ang pila para makasakay ng taxi. Anaconda yata ‘to.So anong oras naman kaya ako makakasakay nito?

Ten minutes na akong nakatayo dito at nangangawit na ako, pero dadalawa palang ang nababawas sa pila. My goodness, parusa ba ‘to?

Akmang aalis na ako sa pila ng biglang may humablot sa kamay ko at hinila ako palayo sa lugar na ‘yon. Nagtinginan pa ang mga taong nakapila sa taxi stand. And to my surprise, it was Mr. Manhid holding my hand pulling me out of that stupid line.

Hindi ako umangal sa paghila niya sakin. Pero nagtataka ako, bakit? Bakit ako nagpapahila sa kaniya?

At tumigil lang kami ng nasa tapat na kami ng isang LandRover LRX na kulay itim. “What are you doing out there?” bigla niyang tanong na siyang ipinagtaka ko.

“Obviously nakapila.At bakit mo ba ako dinala dito?Pa’no ako uuwi niyan? Babalik na naman ako sa pinakadulo ng pila, goodness, ngawit na nga ako.” Pagtataray ko pa sa kaniya kahit na iniligtas niya ako sa mga taong sobrang titig na titig na sakin dahil naka-dress ako at medyo litaw pa ang legs ko, kaya siguro ganun sila makatingin.

“Alam kong nakapila ka, pero bakit? Nasan ang kotse mo?” ewan ko pero hindi naman siya mukhang galit, mukha ngang concerned siya sakin eh.

“Malamang nakikita mo din na wala ‘yong kotse ko, kaya nakapila ako.” Pamimilosopo ko.

Napailing nalang siya, pero muli ako nagulat ng bigla niyang binuksan ang pinto ng kaniyang kotse at pinasakay ako. Umikot siya at agad na sumakay sa driver’s seat. Ako ba ‘to?Hindi talaga ako umangal?

“Ah, Mr. Manhid, saan mo ako dadalhin?” tanong ko sa kaniya ng magsimula ng umandar ang kotse niya.

Saglit niya ako nilingon at muling tumingin sa daan. “Iuuwi.” Maiksi niyang sambit.

Sa simpleng salita niyang ‘yon, biglang nagrebolusyon ang puso ko sa bilis ng pintig nito. Strange, and hindi ako natutuwa.

Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon