I'll catch you when you fall
‘Yong realization kong ‘yon ang nagdala sa'kin sa hindi ko maintindihang kawalan ng sasabihin. Pero hindi ako umangal ng iginiya na ako ni Lourd papunta sa likod ng malaking bahay. At tumambad sa akin ang napakalawak na Mango Orchard. At doon lang yata nagising ang kanina pang natutulog kong sistema.
“Including this Orchard.” Biglang sabi ng lalaking nasa tabi ko. Pero hindi pa rin niya binabawi ang kanina pang magkahawak naming kamay. Sumulyap ako sa mga kamay naming magkasalikop bago bumaling sa kaniya. Ngumisi ako at itinaas ang kamay kong hindi pa rin niya binibitawan. “My hand, can I take it now?” sabi ko. Pero parang gusto kong magsisi.
Nakita ko na naman ang nakakalulang ngiti niya. “I wish I could hold your hand forever.” Biglang sabi niya na hindi pa rin pinapakawalan ang kamay ko. Pero sa sinabi niya, may isang bahagi sa pagkatao ko ang nasiyahan. Para ngang nagpaparty na sa loob ng katawan ko.
“L-Lourd.” Tanging nasabi ko. Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa sinabi niya.
Tumingin siya sa'kin at ngumiti. Pero nakita ko sa mga mata niya ang lungkot? “That was just a wish, at pwedeng hindi iyon matupad, but I’d be glad if it will be granted by you.” Sabi niya at binitiwan na niya ang kamay ko saka siya naglakad patungo sa mga puno ng Mangga. “C’mon, kailangan natin sulitin ang araw. Sayang din ‘to.” Sabi pa nya habang kumakaway sa akin ng nakangiti pa rin.
I felt guilty, dahil sa lahat ng mga nagawa ko sa kaniya, nagawa niya pa rin akong mahalin. Why am I so numb? Ako ang manhid at hindi siya. At kahit na ilang beses ko siyang sinasaktan, wala pa rin siyang ginawang hakbang para ako naman ang saktan niya. I’m so careless, samantalang siya ay tinanggap ang lahat ng mga ginawa ko. Even if it hurts him so damn much.
I hate myself! I hate myself for being so numb, for being so careless, and for being selfish. I don’t deserve his love; I don’t deserve Lourd Henry Montaniel. He’s perfect, and I’m nothing.
“Hey! What’s the matter?” biglang tanong niya na ikinagulat ko. Tulala na pala ako kahit na sumunod ako kanina sa kaniya. Hinawakan pa niya ang chin ko para maiangat ang mukha ko at magtama ang mga mata namin.
Kahit sino siguro ay mahuhulog sa kaniya. Not that because he’s hot and gorgeous, (let’s just scratch that.) Dahil kung ako ang tatanungin, you’ll fall in love with him because of his beautiful heart. Hindi siya mahirap mahalin, at inaamin ko, ilang taon na natabunan ang damdamin kong iyon dahil sa pagiging self-centered ko. Pero hindi ‘yon sapat para maging deserving ang isang tulad ko sa kaniya. “Lourd.” Umpisa ko.
Ngumiti siya sakin. His sweet smile. “Hmmm?”
“I’m sorry.” Sabi ko, pero pinipigilan ko ang boses kong pumiyok, dahil naiisip ko palang 'yong mga time na nasasaktan siya dahil sa akin, 'yong mga panahon na napipikon na siya sa'kin pero hindi niya ako magawang patulan dahil sa nararamdaman niya para sa'kin, ay hindi sapat ang simpleng 'I’m sorry' lang.
Lumungkot ang mga mata niya sa sinabi ko. Na siyang ipinagtaka ko. “Why I feel that your sorry means the other way around?” Sabi niya.
“W-what do you mean?” nauutal ko pang tanong.
“Pakiramdam ko kasi, ‘yang sorry na ‘yan nagpapahiwatig na hindi matutupad ‘yong kaninang wish ko.” Napasinghap ako sa sinabi niya. Although hindi iyon ang ibig kong sabihin sa pag-so-sorry ko, pero 'yong iniisip ko ay ganun. At buo na ang desisyon ko.
Bumilis na naman ang pintig ng puso ko. “No, I mean, sorry sa mga nagawa ko. I know hindi sapat ang sorry lang para mapa…” he cut me off.
“Sapat na para sa akin ang kinakausap mo ako ng ganito, at makitang nakangiti ka dahil sa akin.” Aniya na mataman pa ring nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ko tuloy alam kung gagawin ko pa ba ang plano ko o hindi na. Dahil sa sinabi niya, parang hindi ko kayang makita siyang masaktan ulit. Ngumiti ako. “Okay then, pwede mo ba akong i-akyat sa punong ‘yan?” sabi ko sabay turo sa punong nasa tabi namin.
Napakamot siya ng ulo niya. “Ako nalang ang aakyat, baka kung mapano ka pa, ikukuha nalang kita ng mangga.” Sabi pa niya.
He looks so cute. “Hindi naman ako mamimitas eh, gusto ko lang umakyat. Hindi ko pa kasi nagagawa ‘yon.” Sabi ko naman sabay pa-cute sa kaniya. Well, akala niya siya lang pwedeng magpa-cute, hindi ah, kaya ko din.
Kaya ayun, hindi na siya umimik at sinunod ang gusto ko. Just a simple date with him, getting to know him more, na alam kong hindi ko makakalimutan. It’s special for me, kahit na nasa bukid lang kami at nakatuntong sa puno ng mangga ay ansaya ko na.
“I wonder kung ano kaya tayo ngayon sakaling naging magkaibigan tayo simula palang?” biglang tanong niya.
Bumuntong-hininga ako. “We’re still be friends until now, I think.” Sagot ko naman, kahit na hindi iyon ang totoong iniisip ko.
Tumango-tango siya. “Right! Dahil kung nagkataon na ganun nga, I guess marami ka ng naging boyfriend.” Aniya sabay tumawa.
Kumunot ang noo ko. “Hey! Anong masama sakaling ganun nga?” inis kong tanong.
“Walang masama, pero sasamain sa'kin ang magiging boyfriend mo ‘pag hindi ka inalagaan ng mabuti.” Seryosong sagot niya.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. “Ah, tara, baba na tayo, tanghali na, gutom na 'ko.” Pag-iiba ko ng usapan at bababa na sana ako ng bigla niya akong pigilan na muntik ko pang ikinahulog kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. “Lourd ano ba, pa'no kung tuluyan akong nahulog?” galit na sabi ko at pampawala na din ng kaba ko.
“Then I’ll catch you when you fall kahit gaano pa ‘yan kasakit o kahit ikapahamak ko pa.” seryosong sambit niya.
Halos maubusan ako ng hininga. Bakit? Bakit ako? Sino ako para mahalin niya ng ganito? Sino ako para mahalin ng isang Lourd Henry Montaniel?
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-Completed
RomanceNasa kaniya na ang lahat, maganda siya, mayaman, head turner, pero iisang lalaki lang ang napapansin niya. At 'yon ay ang paborito niyang i-bully na si Lourd Henry Montaniel. Pero paano kung kahit na anong klaseng pambu-bully ang gawin niya ay walan...