Chapter 11-Dannie

139 4 0
                                    

Dannie

Now, I’m waving my hand at them, my parents. I’m doing this because I want to do it. Alam kong labag ito sa kagustuhan nila Mama at Papa, pero hanggang kailan ako magiging dependent sa kanila kung hindi ko ito gagawin? At hanggang kailan ako magiging insensitive sa bawat damdamin ng mga taong nagmamahal sa akin kung hindi ko tutuklasin mismo sa sarili ko ang kailangan kong gawin?

At ang mas nagpapabigat sa sistema ko ay kung ano ang magiging reaksyon ni Lourd once he heard about this. Hindi ko kayang magpaalam sa kaniya. Alam kong nagiging selfish na naman ako, pero pareho lang kaming masasaktan kung hindi ako matututo.

When I found my seat, agad kong inayos ang gamit ko at prenteng umupo. Since hindi pa naman nagte-take-off, I opened my phone, baka kasi may message sina Mama. And to my surprise, nakita ko ang isang mensaheng galing kay Lourd.

Lourd:

You said you are not going to leave.

Bigla akong kinabahan sa text niyang iyon. Hindi ko alam kung paano. Pero sinagot ko pa rin.

Me:

I’m sorry, Lourd. I just need to do this.

Halos hindi ako huminga hanggang sa na-send iyon. Pero ilang saglit lang ay agad may nag-reply.

Lourd:

And I need you here.

Sa mensahe niyang iyon ay tuluyan ng tumulo ang luha ko. Why? Why am I crying? C’mon Haydee, you need to do this. For what?

Pero wala akong ginawa. Hindi na ako sumagot pa sa text niyang iyon hanggang sa mag-take off na ang eroplanong sinasakyan ko.

Wala akong ginawa kundi matulog sa biyahe. Wala ako sa mood para tingnan ang magandang tanawin mula sa himpapawid kahit pa nasa tapat ako ng bintana.

Nang minsang nagising ako, napalingon ako sa katabi ko.

“Hi, you alone?” biglang tanong ng batang babaeng katabi ko. Mommy niya siguro ang babaeng tulog naman sa tabi nito.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. “Uhmm…” tanging sagot ko.

“Why?” muling tanong ng bata.

“Ah, because I want to be alone.” Sabi ko nalang, mukhang mausisa ang batang ‘to.

“Why you want to be alone?” tanong na naman niya. Grabe, matalinong bata, pag matanong kasi ang isang bata, ibig sabihin lang nun madaming tumatakbo sa isip niya na gusto niyang malaman o matutunan.

Sasagutin ko na sana siya nang biglang nagising ang mommy niya at ngumiti sa akin. “Oh, I’m sorry, baby, you’re being makulit na naman. Why don’t you just sleep?” biglang sabi nito. “I’m sorry, Miss, makulit talaga ‘to eh.” Baling niya ulit sa akin at ngumiti.

Ngumiti rin ako. “It’s okay, actually, nabo-bore na din kasi ako and its nice talking to your daughter, what’s her name anyway?”  tanong kong nakangiti sa kaniya.

“Danhieta but you can call me Dannie.” Sagot na ng bata. Well, makulit nga siya kaya napangiti nalang kami ng mommy niya. “And this is my mommy, Daniella.” At siya pa talaga ang nagpakilala sa mommy niya at naglahad pa siya ng kamay. Matalino ngang bata.

“Nice to meet you both, I’m Haydee.” At tinanggap ko ang pakikipag-shake hands niya.

“So, you’re not alone now.” Nagpa-cute pang sabi ni Dannie.

Tumango naman ako. “Yeah, you’re so sweet; I wish I have a sister like you. How young are you, Dannie?” tanong ko sa kaniya.

“I’m four, and you are?”

“I’m nineteen.”

“Baby, sleep na, let ate Haydee rest.” Biglang sabi ni Daniella sa anak.

“It’s okay, kanina pa nga ako nagpapahinga eh.” Sabi ko naman at ngumiti sa kaniya. Kaya ayon, hanggang sa hindi kami nakarating ng Airport ay walang humpay ang pakikipagkwentuhan ko sa bata.

“I need to go, Dannie.” Sabi ko nang ayaw na niya akong pakawalan at yumakap nalang sa akin hanggang sa makalabas na kami ng airport.

“Can you visit me sometime in my house?” nakalabing tanong niya sa akin.

“Dannie, Baby.” Saway ni Daniella.

Nginitian ko si Daniella bago ako muling bumaling kay Dannie. “Okay, give me your address then I’ll surprise you nalang, is that okay?”

Nanlaki ang mga mata ni Dannie at mahigpit akong niyakap. “Yehey, Mommy, can we give her our address? Please?” ang cute-cute niya talaga, akala ko noong una, supladang bata na katulad kong spoiled, pero nagkamali ako.

Ibinigay sa akin ni Daniella ang address nila bago kami tuluyang naghiwa-hiwalay.

Now, I need to face the reality, to build my own world here, and to start a new me. Here in New York.

Ang sabi ko kay Papa, mag-a-apartment lang ako, but he gave me a condo. Wow huh? Anyaman ko samantalang magwo-work ako dito habang nag-aaral. May ibinigay na din si Ate Chaila sa akin na mga companies na pwede kong apply-an, and syempre, universities na pwede kong pasukan.

I can do this. Ginusto ko ‘to so dapat, panindigan ko. My new life will begin here. Oh well, I’ll live at my condo for just one week maybe, dahil gusto kong tumira sa simpleng apartment lang, or maybe, mag-aala Maid in Manhattan ako.

Pinagpapawisan ako. Kakatapak ko palang ng New York heto na ako at siyempre, laging lumalabas sa isipan ko ang imahe ni Lourd. Haayyy, sana nga nandito ka nalang.

But anyway, may plano na ako, I’ll stay here for just two years. Dito ko nalang itutuloy ang course ko. Kakayanin ko naman siguro. Spoiled ako oo, pero hindi naman sa nagyayabang but I am a deans lister, hindi ko na nabanggit dati ‘yon dahil abala ako sa kalokohang mga ginagawa ko kay Lourd noon.

I can’t concentrate listening to our professor. I know I lost her. And I know it’s my entire fault. I am a coward jerk. Hindi ko naipaglaban ang kung anong nararamdaman ko sa kaniya noong may pagkakataon akong mas makasama siya ng matagal.

Noong magkasama kaming dalawa, I feel it. That she’s going to leave. I thought I’m ready, but when I saw her at the airport, waving her hand on her parents, pakiramdam ko sa akin siya namamaalam.

I know I have no right para pigilan siya, but damn it! I really love her so much. ‘Di bale nang lagi niya akong pinagtatawanan, at least lagi ko siyang nakikitang nakatawa. At higit sa lahat, alam kong nandito lang siya. But now, I can’t hold her anymore. Milya-milya na ang layo namin, paano ko pa maipaparamdam ang pagmamahal ko sa kaniya?

When the bell rang, mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko at nagtungo sa likod ng Gym. Wala namang practice ngayon.

But when I got here, iisa lang ang naaalala ko. Ang unang halik naming dalawa. And that was magical. Pero ngayon, hindi ko alam kung sa pagbabalik niya ay mapansin pa niya ako o kung babalik pa nga ba siya.

Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon